Kung malamig ang hangin sa araw ay doble naman ang lamig sa gabi. Nakasuot na nga akong makapal na sweater ay nararamdaman ko pa rin ang lamig sa aking katawan. Ngunit kahit nakakapanginig ang lamig ay masarap pa rin sa pakiramdam. Hindi kasi mararamdaman sa kapatagan ang ganitong pakiramdam. Nakabawas sa malamig na pakiramdam ang apoy na ginawa ng mga estudyanteng lalaki. Apat na grupo kami at sa bawat grupo ay nakapalibot sa apoy para kahit paano ay mabawasan ang lamig na nararamdaman ng bawat isa. Tahimik lamang kaming lahat habang ninanamnam ang init ns ibinibigay sa amin ng apoy mula sa naglalagablab na mga tuyong kahoy. Nakaka-bored pero walang nais na magsalita kahit isa sa amin. Kahit si Ivy na nasa grupo namin at katabi ni Dean sa pag-upo ay walang kibo lamang sa kinauupuan nito

