bc

He's Cold Hearted

book_age4+
26.4K
FOLLOW
160.0K
READ
billionaire
possessive
contract marriage
love after marriage
age gap
goodgirl
aloof
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

Si Tanya Victoria Andres o kilala bilang Tanya ay isang dakilang istudyante na patay na patay sa kanyang professor na si Mr. Grey. Hindi alam ng dalaga na ipagkakasundo siya dito ng lolo niya upang magpakasal. Ano nga ba ang mangyayare kapag naikasal siya sa pinapangarap niyang tao?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Tanya: "Oh my God ang guwapo talaga ni Sir Grey!" "Hi sir Grey!" "Grabe ang suplado pero ang guwapo talaga!" Sunod-sunod na sigawan ang maririnig mo sa hallway dahil dumaan si Sir Grey ang pinaka mamahal kong prof (ang landi lang:D) Ako nga pala si Tanya isang second year college student sa Colegio San Agustin dito sa makati. 17 years old. Half Spanish ako dahil Spanish ang dad ko. Nasa dugo ko ang pagkatisay. Brown na brown ang mga mata ko, maliit lamang ang hugis ng mukha ko at makinis. Maliit ang aking ilong na pinaresan ng maliit na mga labi. Likas nadin sakin ang pagkamamula mula ng balat ko dahil siguro sa lahi ko. Mahaba at itim na itim naman ang buhok ko na namana ko sa mama ko. Ang lolo ko ang nag papaaral sakin at 107k ang tuition fee dito kaya naman kailangan ko talagang mag aral ng mabuti dahil di biro ang halaga dito. Well transfer student ako from London dahil nag hiwalay ang parents ko at may kanya kanya na silang pamilya ako naman ay nasa puder ngayon ng lolo ko na isang business man at kaibigan ng may-ari nitong school. Magiisang buwan pa lamang ako sa school na to at aaminin kong masaya ang college life ko ng makilala ko si Dale siya ang mathematics teacher namin na si Sir. Grey. Ang guwapo guwapo niya kasi at talagang mabibighani ka dahil sa kakisigan. Halos lahat na ata ng kababaihan dito maging mga babaeng prof e magiging karibal ko pa ata. "Hoy Tanya!" Tapik sakin ng kaibigan kong si Abby. Siya si Abby Salazar ang una kong naging kaibigan sa paaralang to. Maganda siya, katamtaman ang kulay ng balat at mabait syempre. "Yes?" Sagot ko. "Anong yes? Kanina pa kita kinakausap Jan natulala ka nanaman nung nakita mo si Sir Grey!" Napalakas ang boses nito. Nandito padin kami sa hallway at tinakpan ko ang bibig nito dahil baka marinig siya ng mga studyante mahirap na. Si Abby lamang ang nakakaalam na may pag tingin ako kay Dale Clyde Grey o si Sir Grey. "Ano ba wag ka ngang maingay Jan baka marinig tayo." Pagpapatahimik ko sakanya. "Pano ba naman kasi wala ka sa sarili mo. Hindi mo ata namalayan na dumaan si papa Grey mo sa harapan mo kanina at nagkatitigan pa kayo. Kaloka ka girl na weirduhan ata sayo kaya di kana pinansin. Snob naman kasi yung tipo mo." Dagdag pa nito. What? Ibig sabihin sa sobrang lalim ng iniisip ko nakita pala ako ni Sir? Nakakahiyaaaaaaaa! "Ano wala kang sasabihin? Nag dedaydreaming ka nanaman jan hay nako tara na baka malate pa tayo kay Sir yari tayo alam mo namang beastmode lagi yon." Si Sir. Grey ang tinutukoy niya. Dali dali na kaming tumakbo dahil 5mins na lamang ay malelate na kami. Ayoko talagang nagpapalate sakanya dahil bukod sa crush ko siya ay sobrang strikto nito sa klase kaya naman takot ang lahat dito. "Aray naman Abby wag mo akong hilahin." Sabi ko dahil sa patuloy na paghila sakin ng kaibigan ko na siyang dahilan ng pagkaputol ng takong kong 1inch. "Waaaaaah! Nabali na yung nakong ko ikaw kasi ang bilis mo." "Ang kupad kupad mo kasi Tanya eh ayan tuloy. Tara na mamaya mo na ayusin yan may pandikit ako dito dali bilisan na natin nako alam mo naman pag nag beastmode si Sir." Sabi nito. Ako naman ay nagtuloy ng takbo kahit na paika ika ako at hawak hawak ko ang takong ko. "Patay late na tayo." Sabi ng kaibigan ko ngunit pabulong lang ito. Nakita namin na tumingin samin si Mr. Grey at tulad ng inaasahan ay nakasimangot nanaman ito. Lumapit ito samin at nagsalita. "Where have you been? Hindi ba kayo aware na oras na ng klase ko ngayon? Pinapainit niyo ang ulo ko. Get your seat!" Nakakaalarmang sigaw nito. Tahimik lamang ang buong klase at akmang uupo na kami ni Abby ng ... "Not you Ms. Andres!" Waaaaah nako ako lang ba ang mapaparusahan? Nakakatakot si Sir pero ang pogi niya sobra ugggggh ang landi ko nanaman. "S-sir?" Takang tanong ko. Nako hindi naman pwedeng ako lang ang parurusahan. "I said not you Ms. Andres. Dito ka uupo sa upuan ko." Maotoridad niyang utos. What? Sa upuan niya kung san sa harap ng klase? Hell no nakakahiya. Pero susundin ko nalang nako baka pagalitan pa ako. Inilapag ko na ang bag ko sa locker namin dito sa loob ng klase at dinala ko ang libro pati ang notebook ko. Umupo na ako sa upuan ni sir which is yung pwesto ng mga prof kapag nag tuturo at inilapag ko na sa table niya ang libro at notes ko. Wala ni isa ang nag salita kaya tahimik lamang sa loob ng klase. Napansin kong nakatitig lamang sakin ang prof ko kaya nailang ako. Wala talagang mababakas na kahit anong emosiyon sa mukha niya at suplado talaga kaya naman ay yumuko nalang ako at itinuon ang pansin sa libro. Maya maya pa ay nagsimula na siyang mag sulat sa board at sa tuwing napapalapit siya sakin ay parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko. Agad na napapayuko nalang ako at di ko siya tinatapunan ng tingin kahit na nakikita ko na sa side ko ay tumitingin siya sakin. "Okay class dismissed." Sabi nito ng mag ring na ang bell. Nakahinga ako ng maluwag at agad kong kinuha ang bag ko sa locker at nagmamadali nakong umalis ng.. "Ms. Andres, hindi ka uuwi sasabay ka sakin." What the? Anong kalokohan to? Oh my si Sir papalapit na ang guwapo niya talaga s**t napapamura nalang ako. "A-ano po sir?" "Hindi mo ba ako narinig? Are you deaf?" Ouch ang sakit niya talaga mag salita pero okay lang crush ko naman siya. "No Sir. I mean may sundo po kasi ako." Sa totoo lang ay may driver kami at laging ipinaguutos ni lolo na ihatid sundo ako. Kumunot ang noo nito. "Sakin ka sasabay tapos." Waaaah? Ang sungit niya talaga. Pagkasabi niya ay umalis nato kaya naman sinundan ko na siya agad agad. Nasa parking lot na kami at dala niya ang sasakyan niya Lamborghini halatang mayaman ito dahil paiba iba ito ng sasakyang dinadala sa school. Well I'm his stalker actually alam ko nga kung san ang bahay nito eh. Nasa loob na ako ng sasakyan niya ng magsalita ito. "Seatbelt." Di ko agad nagets ang sinabi niya kasi naman nakakailang e alam mo na first time ko at di ko alam bakit niya ako ihahatid? "S-sir?" "Tsk." Narinig kong sabi nito at mukhang nairita sakin kaya lumapit siya at siya mismo ang nag kabit ng seatbelt ko. Grabe ang lapit lapit niya sakin at ang bango niyaaaa! Ang bango din ng hininga niya na parang amoy fresh na menthol. Di ako makahinga parang huminto ang mundo ko ng mga oras na yon. Ng matapos siya sa pagkabit ay tumingin muna siya sakin at s**t lang dahil 1inch lang ang layo ng mga mukha namin. Ng matauhan ay umiwas ito ng tingin at bumalik na sa inuupuan at nagsimulang mag drive. .. Katahimikan lamang ang namayani samin hanggang sa... What? Bakit ako nandito sa bahay niya? Don't tell me? Ugh erase erase erase! Ang judgemental ko naman ata? Pero bakit dito? Tuloy lang ang pagtatanong ko sa sarili ko hanggang sa maipark na niya ang mamahalin niyang sasakyan sa malawak na garahe niya. Napakalaki talaga ng bahay ni Sir at masiyon talaga ito. Pinagbuksan niya agad ako ng pinto at doon lamang bumalik ang ulirat ko. "Baba." Walang emosiyong sabi nito. "S-sir bakit? Anong gagawin niyo sakin?" Sabi ko. "Tsk ang dami mong sinasabi tara na." At hinawakan niya ang kamay ko sabay hila sa loob. ... "Magandang gabi Senyorito. Nandito napo ang lolo niyo si Don. Felipe at Don. Sebastian Andres." Tama ba ang rinig ko? 'Sebastian Andres?' Anong ginagawa ni lolo dito? Hindi pinansin ito ni Sir Grey at hinila lamang niya ako hanggang sa makapasok na kami sa loob. "Iha. Nandiyan na pala kayo." Masayang bati sakin ng lolo Sebastian. Magulo ang isip ko. Papanong nagkakilala ang lolo ko at si Sir. Grey? Papanong nandito din si Sir. Felipe Agustin ang may ari ng paaralang pinapasukan ko? ... "Nandito na pala ang apo ko." Tuloy ni Don. Felipe kay Sir. Grey. What? Apo? Papanong? Ugh naguguluhan ako. "Kay gandang bata naman ng apo mo Sebastian bagay na bagay sila ng apo Kong si Dale." Pagtutukoy ng Don kay Sir. Grey. "Oo nga pala iha ako si Felipe Agustin ang may ari ng paaralan na pinapasukan mo. At apo ko si Dale Clyde Grey ang professor mo. Alam kong nagtataka ka kung bakit di kami mag kaapilido. Anak siya ng anak kong babaeng si Diane Agustin at napalitan ang apilido nito ng ikasal to." Mahabang paliwanag sakin ni Don Felipe. Kaya naman pala hindi sila mag kaapilido nagets ko na. Pero bakit kami nandito? Bakit nandito si lolo? Ugh naguguluhan nanaman ako. ... "Tara na Sebastian at pagusapan na natin ang kasal ng mga apo natin." Sabi ni Don Felipe. What? Oh my tama ba ang dinig ko? Kasal? I mean kasal namin ni Sir Grey?! "Bakit ka pa nakatanga jan tsk hindi ko gustong makasal sayo." Ouch oo nga pala hindi nga naman ako mahal ni Sir. "Sir hindi pa ako ready." "Tsk don't call me Sir okay. Dale nalang. Tsaka parehas tayong di ready." What pati si Sir? I mean si Dale di ready? E bakit siya pumayag? Nauna na ang mga lolo namin sa sala ng hilahin ako ni Dale. "Hey Tanya look ayokong makasal sayo pero kailangan natin gawin to para sa mamanahin natin." Sabi niya. Wow para lang pala don kaya siya pumayag. E kung tanggihan ko kaya? Kainis e. Di ako agad makapagsalita sa sinabi niya. "Mamanahin?" Tanong ko. Kumunot nanaman ang noo niya at halata ang pagkakairita. "Hey I'm 27 years old at kailangan ko ng mapapangasawa dahil yun ang bilin ng lolo ko. At ikaw, ikaw ang gusto niya kaya tayo pinagkasundo okay? Gawin nalang natin to para sa mga lolo natin." Hindi halata na 27 siya s**t ang guwapo padin niya di ako makapag focus dahil ang pogi pogi niya ughhhh Tanya wag ka muna lumandi magpakipot ka muna. "Are you listening? Kailangan nating magpakasal. Let's make a deal. Kapag nakasal na tayo at nakuha na natin ang mga mana natin pwede na tayo mag divorce okay?" Ouch parang ayokong maghiwalay kami. Pero bahala na nga. Pumayag ako sa deal ni Dale na magpapanggap kami. At eto na humarap na kami sa mga lolo namin para ayusin ang KASAL...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Broken Angel

read
3.7K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
271.5K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
215.0K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
387.9K
bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
477.0K
bc

The Young Master's Maid

read
748.1K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
468.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook