Chapter 3

972 Words
Tanya: Isang buwan na ng ikasal kami ni Dale at civil marriage lang ito dahil napagkasunduan na sa simbahan kami ikakasal kapag nakagraduate na ako. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang ay crush na crush ko siya at ngayon ay isa na akong Mrs. Grey. Lihim lang sa ngayon ang kasal dahil sa nag aaral pa ako at siya pa ang teacher ko. Gamit ko padin sa ngayon ang Andres na apilido ko. Madami nadin nabago dahil dito na ako nakatira sa mansiyon niya kung san ay kailangan padin naming magpanggap na buhay mag asawa dahil dito din tumira pansamantala si Lolo Felipe ang lolo niya. .... Nagising ako sa bigat na bagay na nararamdaman kong nakapulupot sa bewang ko. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. "Waaaaaaaaaaah! Alis! Alis!" Pagtataboy ko asawa ko oo si Dale ang tinutukoy ko. Tulog na tulog ito at nakayakap pa sakin. Nagising naman ito sa ingay ko. "Bakit wala kang damit?! Bakit nandito ka! Ahhhhhh alis!" Nag hi historical na ako. "Hey ang ingay mo." Pikit mata padin ito at halatang nasa kalagitnaan pa ng tulog. "Umalis ka nga sabi eh! Ahhhhhh mag damit ka!" Napatakip ako sa mga mata ko ng umupo si Dale. Topless kasi ito pero nakaboxer naman. "Let's go to sleep." Higa niya sabay hila sakin at ngayon ay nakadagan na ako sa matitigas niyang dibdib. "Ahhhh sabi ko umalis ka!" Lumaban ako at ng makabangon ay humarap ako sakanya. Teka? What? s**t! Napamura ako ng makita ko ang sarili ko sa salamin. I'm wearing a night gown black na pantulog at hell no I'm not wearing my b*a! Dali dali kong kinuha ang kumot at tumingin ng masama kay Dale. Siya naman ay nakahiga padin at titig na titig sakin habang nakangisi. "What?! Anong ginawa mo sakin! Haaaaaaaaaa anoooo?!" Eto nanaman ako natataranta. "Easy. Baka marinig ka ni lolo sige ka." Oo nga pala s**t. Nakalimutan kong nagtatabi nga pala kami sa pag tulog hay bakit eto ang isinuot ko? Oh my Tanya anong katangahan nanaman to? Baka isipin ng lalaking to inaakit mo siya ughhhhhh! Huminga ako ng malalim. "You're sexy anyway." Sabi niya at pinamulahan nanaman ako ng mukha itinapon ko sakanya ang kumot na hawak ko na siyang nagtatakip sakin. What the? Di ka talaga nagiisip Tanya uggghhhh. "Don't look!" Sigaw ko ngunit parang walang naririnig ito at seryosong nakatitig sakin. Agad akong kumaripas ng takbo papasok ng banyo. Hindi ko talaga makakalimutan ang araw nato. Ay Mali hindi ko makakalimutan ang araw ng mismong kaarawan ko. (Flashback) Tugs! tugs! tugs! tugs! "Ang ingay naman dito!" Pasigaw na sabi ko kay Abby habang nasa loob kami ng club na sinasabi niya. "Ano?!" "Sabi ko ang ingay dito!" Para kaming tangang nag sisigawan dito sa loob ng bar. ... Cheers! Sabay sabay kaming nag taas ng baso na may laman na alak. 2kaming babae ni Abby at may kalalakihang nakijoin samin so bali 7 na kami. "Hi I'm Sandro." Pagpapakilala ng isang chinito na morenong lalaki. Hindi ko siya type sa totoo lang dahil mas guwapo padin si Dale kumpara sakanya. "Hello I'm Tanya." Sabi ko naman na naiilang padin sakanya. "You're so gorgeous Tanya." Sabi naman nito. ... "Oy aalis na muna ako dun kami sa dance floor ahhh." Hinila niya ang kasama niyang lalaki at tuluyan ng umalis si Abby. Hay kung alam lang ni Justin to si Abby talaga ang play girl. "So Tanya kamusta ka naman?" "Ha?!" Sigaw ko at tila nalapit ko ng onti ang tenga ko sakanya. "I said how are you?" Ulit niya. "Ohh I'm fine." Nilagok ko ng sunod sunod ang alak at parang nahihilo na ako. Hindi naman kasi ako sanay uminom. "Are you okay?" Tanong nito na may kasama ng akbay sakin. Aba loko ka ah. Tumayo ako ng pagewang gewang at itinaboy ko ang kamay niya. Makulit ito at sinundan pa ako. "Sabi ko wag mo na akong sundan e bat ang kulit mo?" "You're drunk babe." Sabi nito at akmang hahalikan na ako dahil lumapit na ito sakin ng biglang... "Ahhhhh tama na yan!" Inawat ko si Dale sa patuloy na pag susuntok sa walang kalaban laban na lalaki. Nakita ko ang pag igting ng panga nito at lakas ng pag suntok sa namimilipit na lalaki. Nagaagaw namin ang atensiyon ng iba at pati ang bouncer kaya inawat sila. Hindi nag paawat si Dale at maging ang bouncer na sobrang laki ng katawan ay hindi siya kinaya. Wow ang lakas niya. Pero hindi pwede to baka mapatay na niya ang lalaki. Niyakap ko si Dale para tumigil na siya dahil di na maipinta ang mukha ng lalaking binugbog niya. "Dale tama na!" Agad namang natauhan ito at humarap sakin tsaka ako hinila papalabas ng club. ... Ipinasok niya ako sa kotse niya at pumasok nadin ito. Walang salita salita ay pinaharurot niya ang sasakyan niya. "Ahhhhh slow down natatakot na ako." Sabi ko buti na lamang at ikinabit niya ang seatbelt ko. Ngunit parang bingi ito at mas lalo pa niyang binilisan ang pagmamaneho. "Waaaaaaah dahan dahan lang Dale natatakot na ako!" Napaiyak na ako ng bigla niyang bagalan at pahintuin ang sasakyan. Nakayuko ako at umiiyak padin habang nakatakip ang mga kamay ko sa mukha ko. "Hey I'm sorry please don't cry." Pag aamo niya sakin at tinanggal niya ang mga kamay ko na nakatakip sa mukha ko. "Sabi ko natatakot ako pero di ka nakikinig." Humahagulgol kong sabi sakanya. "I'm sorry Tanya hindi na muling mauulit. Nag init lang ang ulo ko sa lalaking yon. Ayoko ng may ibang humahawak sayo okay?" Nakakapagtaka biglang nagbago ang mood niya. "Bakit?" Tanong ko. "Basta ayoko lang." Matipid na sabi niya at muli ng pinaandar ang sasakyan. Bumalik nanaman siya sa pagkamasungit niya. Paiba iba ng mood akala mo laging may period. (End of flashback)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD