Angel’s Point of View “Vodka mo, Ma’am.” Nilapag ko ang Vodka sa harapan ni Kaye “Salamt, koya,” she replied imitating Diane’s bisaya accent. Natatawang umiling ako. Nasa mahabang mesa kami sa labas ng isang bistro. My seat was already occupied by none other than my best friend, Tristan. “Umupo ka na lang dito. Naunahan ka na sa upuan,” Kaye said when she saw me looking for a seat. Nilapag ko ang potato wedge ko at kumuha si Kaye ng isa, dalawa, at tatlo. Napakunot ang noo ko kasi mayro’n naman siyang fries sa harap niya. “Ayaw mo ba yang fries mo?” tanong ko. “Ayaw ko ng seaweed,” Bulong nito sa akin. Nalanghap ko ang pabango niya. “Eh bakit iyan ang inorder mo?” Binigay ko sa kanya ang potato wedge ko at kinuha ang fries niya. “Si Ayano ang um-order, eh,” Bulong ulit niya. Kata

