Kaye’s Point of View “Ano napagalitan ka?” tawa kami nang tawa habang natulala si Diane dahil napagalitan ni Angel. “Kapatid ko ba talaga ‘yon?” tanong ni Diane at nagsimula na ring tumawa. “Na-eeskandalo sayo eh. Alam mo namang conservative si manong Angel, eh,” Trisha commented. “Kaye, nasaan ang date mo?” Nakakunot ang noong tanong ni Marie. “Mayro’n daw siyang meeting ngayon,” I replied. “Meeting?! Impaktong hapon ‘yon ah,” Marie said. Nagulat kami sa tono ng boses ni Marie. “Hey, relax. Chill. Okay nga ‘yon nakatayo pa ang Bataan,” Biro ni Sam. “Kaya mababa ang population rate ng Japan eh. Dahil workaholic ang mga tao doon,” Cheska commented. “Sumama ka na lang sa amin. Iwan mo iyong j**s na ‘yon kung panay lang work, work, work. Hanap tayong British dito. Ibubugaw ka n

