Mabilis lumipas ang mga araw at naging subsob si Cindy sa paghahanda para sa nalalapit na marketing presentation niya sa board members ng company. Wala siyang ibang ginawa kung hindi mag-research at magbasa nang magbasa.
Thank God for the Internet dahil mas naging madali ang lahat. Everything is just one click away. She enrolled in several online classes and explored all areas in marketing, entrepreneurship, sales, and business in general.
Work from hospital ang naging set up niya. Good thing at pumayag ang management ng ospital na maglagay siya ng desktop computer with camera and speakers sa room ng kanyang papa kaya namo-monitor ni Cindy ang nangyayari sa office. May access siya sa mga CCTV and she does video conferencing with key people to meet them and discuss issues at hand.
Anton, on the other hand, excelled more in school. Desidido siyang tulungan ang ate niya na maging handa sa pagte-take over sa company. They would brainstorm and discuss feasible projects for the company like experts in the industry.
“Talaga, Anton? Do you think my presentation is perfect?”
Hindi napigilan ni Cindy ang matuwa nang sabihin ng kapatid na, “That’s perfect!” after she presented the fourth draft of her marketing plan.
Tatlong araw na lang at haharapin na niya ang ‘zoo’ at papaamuin ang bawat miyembro nito. May pag-aalinlangan pa rin siya dahil real arena na ito. Hindi gaya noong college na mga classmateat professor langang kaharap niya kapag nagpe-present siya. Ngunit, gaya nga ng paalala sa kanya ni Conrad, “Never be afraid because you are young, show them that you can do it because you are young and God made you capable of doing great things!”
“But, Ate, I think Kuya Julius should critique this, too. I mean, hindi naman tayo business guru,e,” Anton suggested kaya naalala bigla ni Cindy ang asawaat alam niyang tama ang kapatid. Julius is the best person to critique what she has prepared pero ayaw niyang tawagan ang lalaki.
Since she got back to their own house at iniwan ang asawa, nawalan na siya ng contact kay Julius. As in totally. She has no idea if he’s mad at her or what. Never din nag-text o nag-chat si Julius at ayaw naman niyang mauna siyang makipag-communicate sa lalaki. Sino ba naman siya sa buhay nito, hindi ba?
“I guess ’di na ’yon kailangan. Ayoko na siyang idamay dito.” Kumuha si Cindy ng isang basong tubig at uminom.
“But he also wants the position, right? So why not involve him?” Nagbalat ng orange si Anton at sinubuan pa siya nito.
Anton has a point. She already told him about their set up.He wanted to confront Julius when he knew about the arrangement, but later realized that Juliusmight be hurting too because of what happened to his family.
“You were the one who convinced me that Kuya Julius is not an enemy, so why not ask him for help?”
“I know, pero feeling ko busy siya ngayon. Saka nakita na naman ’to ni Conrad, ’di ba?”
“Ate, kahit baligtarin mo pa ang mundo, Kuya Conrad’s input is not enough. Yes, he is good but we need an expert’s opinion,” pangungumbinsi ni Anton sa kanyang ate.
“Pero, paano si Papa? Ayokong iwan siya dito. Baka bigla siyang magkamalay. I want to be the first one to see his eyes move.”
“Ate naman, do you think papa will be happy if he would wake up and learn that we lost the battle? I’ll be absent tomorrow and you need to go to Kuya Julius.”
Tumayo si Cindy at nagsuklay ng buhok bago kinuha ang flash drive na nakasaksak sa computer at inilagay sa maliit niyang pouch.
“You are right, Anton. I have to see him and ask for help.”
***
Nag-aalangan ang guard na papasukin si Cindy sa loob ng office ni Julius dahil sarado na nga sila, pero nang ipakita niya ang wedding picture nila na nakalagay sa wallet niya ay napapayag niya rin ang guard.
Makailang beses niyang kinatok ang pinto ng opisina before she decided to open the door herself.
“Cindy?!”Biglang napatayo si Julius sa pagkakaupo niya sa swivel chair at maging siya ay nagulat sa nakita.
Julius is half-naked at gulo-gulo ang buhok. Ayaw mag-isip ng masama ni Cindy pero ganito ang napapanood niya sa mga romantic movie. ’Yong mga ganitong eksena ay nagsasabing the guy just had a hot and wild . . .
“Anong ginagawa mo dito?” takang tanong sa kanya ni Julius. Hindi naman agad siya makasagot dahil distracted siya sa katawan ng lalaki. Why on earth that he has to be naked inside his office?
“Ahm . . .ano kasi . . .” nauutal na sabi niya.
“Baby, I’ll be leaving.”
Hindi na natapos pa ni Cindy ang sasabihin dahil may isang mala-modelong babae ang lumabas sa restroom ng opisina na walang ibang suot kung hindi ang polo ni Julius. She remembers that polo. Naplantsa na niya noon ’yon. Judging from the way the woman looked, she was right, Julius just had a hot sex.Bahagyang bukas pa ang polo at nakakalat pa ang lipstick nito. Alam niyang arranged marriage lang ang sa kanila, pero may bahagi ng puso niya ang nasaktan.
“Who are you?”
“Beatriz, just leave us alone.” Tumayo si Julius at inabot ang shoulder bag ng babae.
“Alright. I’ll return your polo tomorrow.” Lumapit ang babae at hinalikan pasa labi ang lalaki. Hindi tumutugon si Julius pero nakita niyang pinisil ng babae ang tagiliran ng asawa at napaawang ang labi nito. Doon natuloy ang paghahalikan ng dalawa.
Cindy decided to just leave the two of them and not ‘watch’ anymore. She was about to leave when she heard Julius call her name which made her stay. He pulled out from the kiss while Beatriz wore her skirt before leaving. Naiwan silang dalawa ni Julius sa loob ng opisina. May ilang minuto ring walang nagsasalita.
“Ngayon ka lang ba nakakita ng gano’ng eksena?” mapang-asar na tanong ni Julius na bumasag sa katahimikan nila. “O ngayon ka lang nakakita ng magandang katawan? ’Di mo pa ba ’to nakita dati?”
“Huh? Ayos lang.” Pilit na pinatatag ni Cindy ang boses niya kahit na gustong-gusto na niyang sumbatan ang lalaki, wala naman kasi siyang karapatan.
“What brought you here?”
“Ano kasi . . .I want to present to you the marketing plan I made. Three days na lang at presentation ko na sa board.”
“Okay, let me see it.”
Inabot ni Cindy ang flashdrive kay Julius at naglapat ang kanilang mga kamay. Pareho nilang naramdaman ang kakaibang feeling na hindi nila maipaliwanag. Nagkatitigan sina Julius at Cindy. Kapwa hindi maunawaan kung ano’ng sinasabi ng kanilang mga mata hanggang sa naramdaman na lang ni Cindy na unti-unting pumatak na ang kanyang mga luha.
Lumapit si Julius at niyakap nang mahigpit ang babae. He missed her so much and embracing her felt like eternity.
“I’m sorry, Cindy. I’m sorry for what you’ve seen.”
“I don’t have the right to be jealous, Kuya. I know that, pero sana, sana naman . . .”
Humagulgol si Cindy habang hinahampas ang braso ni Julius. Tahimik lang ang lalaki. Tinanggap lang niya ang lahat ng panununtok ni Cindy. Alam niyang may mali siya. Alam niyang hindi tama ang ginawa niya, pero hindi siya makatanggi. Hindi niya kayang labanan ang multong ginawa niya. Masakit na makitang nasasaktan si Cindy pero mas masasaktan siya kung lalayuan siya ng babae kapag nalaman niya na ang totoo.