Chapter 8

755 Words
“Totoo, Kuya? Wala nang bawian?” Lumapit si Cindy kay Julius at aktong iche-check kung may lagnat ang binata nang hawakan ni Julius ang kamay ni Cindy at ipinatong iyon sa kanyang dibdib. “Listen to my heartbeat. I’m telling the truth, okay?” Masayang-masaya siya sa pagpayag ni Julius na pansamantalang umuwi siya sa kanila para maaasikaso si Anton habang nasa ospital ang papa nila. Ang isa pa niyang ikinatutuwa ay dahil naisama niya si Julius sa loob ng chapel upang ipagdasal ang kalagayan ng papa niya. Sa bawat pag-iyak niya ay may kamay na humahagod sa likod niya at napapagaan nito ang mabigat niyang dinadala. Samantala, nakahinga naman nang maluwag si Julius dahil naisipan ni Cindy na lumipat ng bahay dahil paniguradong pupuntahan siya ni Beatriz sa bahay niya. Ayaw niyang magpang-abot ang dalawang babae. Hindi niya alam kung paano sasabihin kay Cindy ang buong katotohanan kaya mas minabuti niyang mapalayo na lang muna siya rito kahit na may bahagi ng puso niya ang malulungkot dahil hindi niya ito makikita ng araw-araw gaya ng dati. “Do not think about our agreement just yet. Alam ko namang hindi ka tatalikod sa promise natin sa isa’t isa.” Napapitlag si Julius nang sumandal sa balikat niya si Cindy at humikab nang pagkalakas-lakas. Mabuti na lamang at walang tao sa loob ng chapel. Marahil ay pagod na pagod na ang asawa. Tinapik-tapik ni Julius ang balikat ni Cindy hindi para paalisin sa pagkakasandal nito kung hindi para mas pakalmahin pa sa kung anong gumugulo sa isipan ng babae. “Kailangan mo munang mag-practice at pagbutihan ang pagiging OIC mo para ikaw ang iboto ng board na presidente.” “Ewan ko ba, Kuya. Conrad is right. There’s still goodness in everyone because we are created in the image and likeness of God. We have to forgive and look at them at a different perspective.” Dahan-dahang tinanggal ni Julius ang pagkakasandal ni Cindy sa kanya at pinagmasdan ang mukha ng babae. Naisip niya, ganoon pa rin kaya ang masasabi ni Cindy kung sakaling malaman nitong mas marami pa siyang sikretong tinatago sa babae? “May problema ba sa mukha ko, Kuya?” “Crush mo si Conrad, ’no? Aminin mo,” pang-aalaska ni Julius kay Cindy. Hindi niya kasi alam kung paano sasabihin sa babae ang iniisip niya. Hindi ngayon ang panahon para sa personal niyang mga drama dahil may pinagdadaanan din si Cindy. Isa pa, he is older than Cindy, dapat siya ang magdala ng problema and not the other way around. “Ewan ko. ’Di ko alam, Kuya Julius. Masaya lang siyang kasama. Feeling ko gumagaan ang mga bagay-bagay. When he speaks, it makes sense, e.” Cindy smiled and added, “Don’t worry, Kuya. While we are still married, I won’t do things that will ruin your name, your image, and your reputation. At kahit na may manligaw pa sa akin, I will turn them down because I respect you and the sanctity of this marriage.” Hindi agad nakapagsalita si Julius. Nagulat siya na hindi man lamang nagtanim sa kanya ng galit ang babae. She respects the sanctity of their marriage and yet with him, he allowed Beatriz to take control of his life dahil natatakot siya sa multong nilikha niya. Kagaya ngayon, nag-vibrate ang phone niya and he knows that it could only be Beatriz. “Kuya Julius, don’t look at me like that. Natutunaw na ako,” nahihiyang sabi ni Cindy. “Sorry. Ano kasi . . . ahm . . . Ganito kasi, ano . . .” “Just trust me, Kuya, okay? I keep my promises kaya mangako ka din sa akin na . . .” Pinutol ng babae ang sasabihin kaya napataas siya ng kilay. “Wala, Kuya. Nevermind.” Hindi na tinanong pa ni Julius kung anong gustong sabihin ni Cindy dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan nila. Maya-maya pa ay humikab uli si Cindy at bahagyang nag-unat ng mga kamay. “Matutulog muna ako, Kuya, ha? Ikaw muna ang bahala kay Papa.” Tumayo si Cindy sa upuan pero hinila siya pabalik ni Julius habang hawak ang kanang kamay niya. “You are not sleeping yet, my dear wife. I bought some books for you to read. Kailangang handa ka sa giyera.” Pero sa totoo lang, wala naman talagang balak si Julius na turuan si Cindy. He just wanted Cindy to stay with him.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD