Chapter 7

1137 Words
Medyo agitated na si Julius habang nakikinig sa presentation ng HR Manager na si Beatriz Asuncion tungkol sa People Management and Empowerment. Dapat kanina pa tapos ang meeting nila pero may reading diet pa sila as part of the agenda kaya mas humaba ang meeting. He used to enjoy reading diets dahil mas lumalawak ang kaalaman niya sa ins and outs sa industry dahil mga newly published book ang nire-review nila,but not today. He knows pretty well that Cindy needs his presence bilang ‘kuya’ ng babae. But being the president of his company, kahit na maliit lang ito, it requires him to give his 100 percent presence. Hindi tuloy niya maiwan ang meeting kahit na malapit nang mag-alas-sais ng gabi. Julius cleared his throat and pretended that he is somewhat thinking about their company before he finally uttered something. “Your point, Ms. Asuncion, is well noted. We should really take care of our people to make sure that we get their commitment.” Nakita ni Julius ang mga ngiti sa mga mata ng apat na taong kasama niya sa conference room: ang kanyang HR manager, finance manager, marketing manager, at executive assistant. Tatlo lang ang manager niya at may anim siyang staff. Maliit lang naman kasi ang courier business niya at hindi na kailangan ng maraming tao, hindi katulad ng company ni Cindy na medyo complicated. Cindy’s company handles importation and exportation ng kung ano-ano at malakihan talaga ang mga business transaction. Ang plano niya sana, kung hindi inatake sa puso ang biyenan ay magpatulong sa asawa na makapasok sa kumpanya at magpakitang-gilas sa ama nito habang nananatilingpresidente pa rinng sariling kumpanya. “I guess we can call it a day. Good work, everyone.” Tumayo si Julius at inayos ang kulay asul na polong suot. Sinisinop na niya ang mga gamit nang maramdaman ang mga kamay ni Beatriz na humihimas sa kanyang dibdib.Silang dalawa na lang palaang naiwan sa loob ng conference room at  nai-lock na nito ang pinto. “I know how to relieve your stress.” Bumulong pa ang babae sa tenga niya at dama niya ang init ng hininga nito. “Beatriz, can you move please? Ilang beses ko na bang sinabi sa ’yo na I’m keeping you in my company because you are an asset, nothing more and nothing less.” Huminga nang malalim ang babae at nag-drawing ng circles sa dibdib ni Julius. Bahagya nitong nilapit ang mukha sa lalaki at dinampian ng halik ang pisngi nito. “Hindi ka na ba nag-e-enjoy sa akin? Sabi ko naman sa’yo, okay lang sa akin na walang commitment or may kahati akong iba, just don’t leave me.” “We should stop this Beatriz. I am MARRIED.” Napaawang ang bibig ng dalaga pero agad ding nakabawi. “WHAT? Wait, hell, no! Akala ko ba ano ka . . . I mean, I thought you’re confused? I thought you’re . . . you can’t get married.” “Labas ka na sa kung anong pagkatao ko, Beatriz,” galit na sabi ni Julius dahil tama ang babae. Yes, he is confused with his sexuality.High school pa lang siya ay hindi na niya alam kung anong gusto niya. May crush siyang classmate niya pero sa tuwing manonood siya ng basketball practice ng varsity ng school niya noon ay kinikilig siya kapag nginingitian siya ng point guard ng grupo. Hanggang sa nagkaroon siya ng girlfriends at boyfriends noong college siya. And when he went to the corporate world, he eventually found happiness in doing ‘it’ with either a male or a female partner. Si Beatriz ang naging constant partner niya for the past months. She pleasures him a lot but recently, he decided to just stop especially that Cindy was about to graduate then. Kailangang clean ang record niya sa pagharap kay Cindy. Pumalakpak si Beatriz at umikot-ikot ang mga mata na parang nang-aasar. “Best acting award goes to you, Julius.” “I am not acting, Beatriz. Please. Let’s stop. Ayokong malaman ’to ng asawa ko.” “Well, what if we put it like this: I can keep our secrets from your wife, if that scares you,but you have to KEEP me in your life. I always miss how youtake control of me, honey. If you won’t let me in, tingnan  natin kung ano’ng pwede kong sabihin sa asawa mo.” Julius felt defeated. Hinayaan niyang halikan siya ng babae at gawin kung anong nais nitong gawin sa kanya. Beatriz knows everything about him and she has evidences to back her up. Maaring gawin ng babae ang banta nito na kausapin si Cindy at kapag nangyari ’yon ay mag-iiba ang tingin ng asawa sa kanya. ’Yon ang kinatatakot ni Julius.   ***   Alas-nuebe na nang makarating si Julius sa ospital. Mag-isa lang ang babae dahil nag-text ito na pinauwi na si Anton dahil may exam pa ang nakababatang kapatid. Kumatok siya sa pintoat nagulatnang hindi si Cindy ang nagbukas, kung hindi isang lalaki na sa tantiya niya ay mas bata sa kanya ng ilang taon. Simple lang ang mukha ng lalaki pero matangos ang ilong nito at mapula ang labi. Kung lalagyan ng wig ay pwedeng maging babae. “Magandang gabi. Tuloy po kayo.” “I’m not that old para gamitan mo ng po.” “Kuya Julius, you’re here!” Tumakbo si Cindy sa kanya at yumakap. “Akala ko hindi ka na darating, e. Sayang, you weren’t able to join us sa prayer kanina.Kuya Julius, meet Conrad. Conrad, si Kuya Julius, my pseudo husband.” “Ah. Nice meeting you, Kuya Julius.” “Alam niya?” gulat na tanong ni Julius. “Kuya, you can trust Conrad. Siya na ang pinakabanal na taong nakilala ko.” Natawa si Conrad sa sinabi ni Cindy samantalang napataas naman lalo ang kilay niya at buong-buo ang tiwala ng asawa kay Conrad. “Cindy, hindi ako banal, okay? Makasalanan din ako tulad ng lahat. Ano lang, sabihin nating overflowing ang Holy Spirit kasi tinanggap ko si Hesus sa buhay ko.” “Sabi mo, e. Nandito na si Kuya Julius ko, pwede mo na akong iwan, Conrad. Salamat talaga, ha?” “Sige, uuwi na ako, pero i-text mo lang ako if you need any help here, okay?” Nakita ni Julius kung paano magtitigan sina Cindy at Conrad and he doesn’t like it. Kahit pa arranged marriage lang sila, ayaw niyang nakikitang may ibang lalaking tumitingin ng ganoon sa asawa, pero wala naman siyang karapatang angkinin ang babae. Isa pa, hindi nga niya alam kung ano talaga ang gusto niya. Tama si Beatriz. Confused siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD