Chapter 6

1139 Words
Nasanay na si Julius sa set up nila ni Cindy. They both agreed to be in civil terms with each other. That is the only rule in their marriage. Be civil and be nice to each other and you will go miles. Every day, Julius would wake up with his breakfast all set and would come home with a sumptuous dinner welcoming him. Si Cindy naman ay nag-focus sa kanyang online business. Hindi siya bored sa bahay dahil excited siyang mag-prepare ng breakfast para kay Julius at hintayin ang pag-uwi nito, kahit pa ang turing lang nila sa isa’t isa ay parang magkapatid. She calls him kuya and they have a platonic relationship. Masaya din palang magkaroon ng kasama sa bahay,Julius thought. He grew up by himself. Siya lang ang nag-aasikaso sa sarili niya. Pinky is with their tita dahil hindi niya kayang pagsabayin ang pag-aalaga rito at ang pagtatrabaho. Mahirap ang mag-isa kaya nga minsan ay madalas siya sa labas at nagpupunta sa club dahil meron siyang nakakausap doon. Pero iba na ngayon. Hindi niya alam kung bakit siya excited laging umuwi ganoong hindi naman talaga sila nag-uusap ni Cindy. Cindy would prepare the food, he eats the dinner then gets to his room to work on some business reports,and goes to bed to sleep. Sapat na sa kanyang alam niyang kasama niya si Cindy. There’s a certain feeling of happiness na hindi niya maipaliwanag. “Sir, excuse me po.” Binasag ng sekretarya niyang si Marilyn ang pag-iisip niya tungkol kay Cindy. “There’s a certain Cindy downstairs na nagpupumilit pumasok. Ayaw naman pong pasabi kung sino siya, pero iyak po nang iyak.” Dali-daling bumaba si Julius papunta kay Cindy. Isa lang ang kilala niyang Cindy. They both agreed to keep the wedding in secret bago nila ipaalam sa lahat next week through a grand party. Kinabahan si Julius. Ano kayang problema ni Cindy at napasugod ito? “Cindy?” Nagliwanag ang mga mata ni Cindy nang makitaito. Pakiramdam niya’y dumating ang superhero ng buhay niya at dali-dali siyang yumakap dito. Hindi man inaasahan ni Juliuspero yumakap din ito sa kanya at hinagod ang buhok niya. “What’s wrong?” “Papa is in the hospital. Inatake siya sa puso. Tinawagan ako ni Anton but I couldn’t go to the hospital by myself. Your phone and Pinky’s are out of coverage area. Sorry kung inabala kita. Gusto ko lang magpasama sa’yo,” sabi niya habang patuloy na umiiyak. “Tahan na. Nandito lang ako. Saang hospital? Pupunta tayo. I’ll just tell my secretary to cancel my appointments.” “Okay lang ba, Kuya?”Patuloy na umiiyak si Cindy. “Walang problema. Wait me up in your car. ’Yon na lang ang gamitin natin.” Kumalas si Cindy sa pagkakayakap dito at tumango na parang bata. Tama siya sa naging desisyon na puntahan si Julius dahil alam niyang hindi siya nito pababayaan.   ***   “Cindy, you should act like what a 23-year old should be like! Hindi ’yang ganyan ka,”mahinang sabi ni Julius kay Cindy pero dama ni Cindy ang inis nito sa kanya. Nasapo pa kasi nitoang ulo at hinampas ang manibela ng kotse. Nasa loob sila ng kotse ni Cindy matapos siyang hilahin ni Julius after the meeting they had with Mr. Chavez, isa sa mga may malaking shares sa company ng papa niya. Almost a week na kasing nasa ospital ang papa niya at medyo kritikal pa rin kaya nagpa-panic na ang mga tao sa kompanya. “Cindy, it was very clear that Mr. Chavez is planning on taking over. Bakit ka pumayag na siya ang maging OIC? Your dad’s last will and testament says that it will be you who will take over. Not that we want your dad dead pero sana inisip mo na ikaw ang gusto ng dad mong pumalit sa kanya.” “What can I do? I can’t be the OIC. I know nothing about our business.” Napaiyak si Cindy habang nagsasalita. “I’m here Cindy! I’m here.” “Oo nga pala. Sorry, nakalimutan kong pinakikisamahan mo nga pala ako kasi gusto mong maging presidente ng company namin!” “What I mean is you can temporarily take over and I can help you out. Pero ang ginawa mo, binigay mo lang ang candy mo sa ibang bata! Sa batang ’di mo alam kung anong masamang laro ang nilalaro.” “Gano’ng klaseng bata ka din naman, ah! Gusto mo ding agawin ang candy ko.” Nagsimulang humagulgol si Cindy at tinaas pa niya ang parehong paa para mayakap at patuloy siyang umiyak nang umiyak. Natauhan naman si Julius at hinarap si Cindy sa kanya.“Look, I’m sorry. I’m sorry for shouting at you. Na-frustrate lang ako na hindi kita agad matulungan. Stop crying.” “Tama ka naman. I should act like a 23-year old who finished college and who is the eldest child of my papa. Pero sa ginawa ko kanina, hindi ko naingatan ang candy na binigay niya sa akinat binigay ko lang sa iba. And I forgot that it was your father who really owns the candy.” Frustrated with herself, iniuntog niya nang paulit-ulit ang ulo sa headrest ng passenger seat habang umiiyak. Nataranta naman lalo si Julius at hindi malaman kung paano siya patitigilin. Kusang kumilos ang mga kamay nito at kinabig ang ulo ni Cindy at sinakop ang mga labi. Hindi agad nakapag-react si Cindy, ngunit dahan-dahan aynaramdaman niya ang sarili na tumutugon sa halik ni Julius. Ipinatong niya ang mga kamay sa batok ng lalaki at mas lumalim pa ang kanilang mga halik.Parang bigla niyang nakalimutan ang lahat ng problemang gumugulo sa isip niya. That kiss gave her the energy to keep up at hindi naman masama dahil for the first time, hinalikan siya ng asawa niya kahit pa alam niyang wala itong feelings para sa kanya at tanging ang maging CEO lang ang gusto nito. Ilang minuto pang tumagal ang halikan nila hanggang sa dahan-dahang iniwan ng labi ni Julius ang mga labi niya at hinalikan ang kanyang noo. Matapos mahimasmasan sa nangyari ay sinampal niya si Julius ng sobrang lakas. “I’m sorry, Cindy. ’Yon lang ang alam kong gawin para mapakalma ka.” Hinawakan ni Julius ang kamay niya. “I’m sorry for acting childish. Tama ka. ’Di ko dapat ibigay ang candy ng mga papa natin ng gano’n na lang. I’m taking over.” Huminga nang malalim si Cindy at tinawagan si Mr. Chavez. She needs to do this. She needs to fight for that candy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD