Chapter 5

922 Words
Pagkagising ay dumiretso siCindy sa kusina. Naisip niyang kalimutan naang lahat ng nangyari kagabi atmaging civil na lang kay Julius. Nakakapagod din ang makipag-away at tama ang kaibigan niyang si Conrad sa group message na pinadala nito kagabi sa kanilang lahat. Si Conradang class president nila na mahilig magpadala ng inspirational text messages sa kanilang lahat. Tinamaan siya sa group message nito kagabi. Hatred will only cause you pain. Look at the bright side of life and realize that God has a plan for you. Totoo nga kayang may plano ang Diyos sa kanya kaya hinayaan Nito na magkaroon siya ng asawang hindi niya mahal? For the first time, nagdasal siya nang mahigit sa tatlong minuto at umiyak nang umiyak sa Diyos. Doon niya lang naramdamangmay karamay siya kahit na nga ang akala niya ay mag-isa na lang siya. She tied her hair and wore the apron bago simulan ang kanyang “Kusina Rituals” at iyon ayang pagluluto habang sumasayaw at kumakanta. Flavor of the month niya ngayon si Mariah Carey kaya kahit hindi kaganda ang boses, pinilit niyang abutin ang kantang Through the Rain. Malungkot ang kanta pero sige lang siya at nag-sway pa rin ng katawan niya. “I didn’t know that you’re a Mariah Carey fan. Akala ko dati you’re more of a Swiftie.” Hinarap niya si Julius at ngumiti nang matamis. Unlike before na kaplastikan lang ang ginagawa niyang pagngiti, ngayon ay totoo na.Conrad is right. Look at the brighter side of life. Maybe there’s a purpose for this. “Ah, oo. I like the message. I can make it through the rain and stand up once again, sakto sa akin.” Sinandukan niya ng fried rice si Julius at nilagyan ng sunny side up at hotdog na ni-wrap niya sa bacon. Nakita niyang napataas ang kilay nito pero umupo na rin at nagsimulang kumain. “Pinakialaman ko na ang fridge mo. Pero hindi healthy ang mga laman. Give me money, I’ll do grocery.” “Alright,” matipid na sagot ng lalaki. “Do you want your coffee black or with creamer? I think you’re more of black.Try itwith creamer. Masarap din.” Huminto sa pagkain si Julius at tiningnan siya nang masama. Galit na naman ito. Ano na naman ba ang nagawa niya? ‘Cindy, don’t seduce me with your sweetness. That won’t work.’ Napanganga siya sa sinabi nito. Hindi na niya napigilan ang pagtawa. “What’s funny?” pikon na tanong nito. “You’re over analyzing things kasi. Look, I’m just being nice dahil ’yon ang tama. Why, do you want us to fight everyday?” Hindi ito kumibo at tinitigan lang siya. “Tama ’yong text ni Conrad kagabi. Maybe God has plans for this.” “Conrad?” “Yup. ’Yong banal naming classmate no’ng college na laging nagse-send ng inspirational messages.” “Kahit na graduate na kayo, he still sends messages to you?” medyo iritableng tanong nito. “Oo. For sure pati si Pinky nakakatanggap ng messages.” “I want you to text him back and ask him to stop texting you. ’Di maganda na pangalan ng ibang lalaki ang makikita d’yan sa cellphone mo. ’Yong number ko nga ’di pa yata naka-save d’yan, e,” angil ni Julius. “Oo nga pala,’no? ’Di ko pa nase-save ang number mo. Here,”Cindy handed him her phone. He saved his number and gave it back to her. “Julius lang ang nilagay mo? I’ll change this to My Hon Julius. Para kung sakaling hiramin ni Anton ang phone ko, makita niyang sweet tayo.” “You allow your brother to look on your things? That’s invasion of privacy.” “That’s okay. I hide nothing from him, only this set-up of ours.Pero kailangan ko naman kasing itago talaga ito, ’di ba? Teka, maiba ako, wala ka bang pasok ngayon? Kasi almost eight na pero nandito ka pa?” Hindi agad nakasagot si Julius. He thought of not going to work today so that he and Cindy could talk. He wanted to set rules between them and to apologize, too.Pero hindi itonakahingi ng sorry dahil naunahan ito ni Cindy na gumawa ng sweet moves. “Masakit ang ulo ko,” pagdadahilan na lang niya. “Huwag ka na kasing uminom ng marami. Sige ka kapag nagka-liver enlargement ka, paano ka pa magiging CEO?” Cindy went to him and massaged his temples.Magsasalita na sana uli si Julius pero inunahan na ito ni Cindy. “Don’t worry, I’m not seducing you with my actions.I’m 23 and you’re 28, since wala naman akong kuya, I will just adopt you as my real kuya.” “Cindy, ang lansang kamay mo. Naghugas ka ba?” Natawa nang malakas si Cindy sa irritation ni Julius. She didn’t wash her hands at amoy itlog iyon. “Kuya Julius, ang sungit mo talaga. Don’t worry, I’ll find you a girl who could make you happy and could endure your grumpiness. Gwapo ka naman kaya magiging madali lang siguro ’yon.” Natatawang sabi ni Cindy bago siya nagsabon ng kamay at kumain na rin. Si Julius naman aypasimpleng nakatingin sa kanya at lihim na napangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD