“Hey, what time do you plan to wake up? Marami pa akong gagawin. Gumising ka na, pwede ba?”
Naramdaman ni Cindy ang ilang beses na pagyugyog sa kanya ni Julius para gisingin siya. Siya na ngayon ang nakahiga sa kama at hindi na ang lalaki. They are bound to move to Julius’ place today pero antok na antok pa rin siya dahil sa totoo lang, hindi naman talaga siya nakatulog nang maayos kagabi lalo na at kasama niya sa sariling kwarto si Julius. Oo nga at nakahiga siya sa kama niya pero naawa naman siya sa lalaki na nagsumiksik sa sofa na nasa room niya para ipagpatuloy ang tulog. Maliit lang kasi ang sofa at matangkad si Julius. Ayaw naman niyang patabihin sa kanya si Julius dahil in reality, wala lang naman talaga ang kasal nila. Awkward lang na may katabi siyang lalaki.
Isa pa, ayaw niyang bumangon dahil for sure, paglabas nila ng kwarto, iwe-welcome siya ng papa niya nang masaya at may mga ngiting maaaring excited sa pagkakaroon ng apo. That won’t ever happen! Nakakalungkot lang na habang ang papa niya ay giliw na giliw kay Julius, siya naman ay pilit na itinatago ang lihim ng kanilang kasal at wala siyang ibang taong makausap tungkol dito. Kung ibang problema lang sana ang meron siya, pwede niyang kausapin si Pinky bilang bestfriend niya, kaso si Pinky pa mismo ang may gawa ng lahat ng mga problema niyang ito. Pero hindi na siya sobrang galit sa kaibigan dahil maaaring napilit lang siya ng kapatid na si Julius.
“Cindy, ano ba, gumising ka na!I have a lot of commitments and we need to be in my place,” patuloy na panggigising sa kanya ni Julius.
“Leave me your address. Let me sleep!” sabi ni Cindy habang pikit pa rin ang mga mata.
“Don’t push me to my limits, Cindy. Wake up now!”
“Please, give me time to sleep.”
Naramdaman ni Cindy ang unti-unting pagbaba ng comforter na nakabalot sa kanya at alam niyang si Julius lang ang may kagagawan niyon.
Noong una ay balewala lang ang lahat sa kanya. Nanatili lang nanakapikit ang mga mata niya. Hanggang sa naramdaman niyang nakatayo lang si Julius at nakatingin sa kanya.
“You really got nice pair of legs,” bulong ni Julius na narinig naman niya. Doon lang naalala ni Cindy na pinalitan nga pala niya ang pajama na suot kagabi ng shorts dahil init na init siya at sira ang aircon sa kwarto niya. Kung wala lang siyang kasamang lalaki ay hindi siya gagamit ng comforter. Patay na talaga siya, mas maikli ang shorts niya ngayon kumpara doon sa suot niya noong nagpunta sila sa Vegas. Her legs are totally exposed now to the eyes of the man who forced her into this marriage!
Bigla siyang kinabahan sa kung anong pwedeng gawin sa kanya ni Julius. Lalaki pa rin ito at maaaring pwersahin siya into sleeping with him. Hindi pa siya handa. Nangako siya na ibibigay niya lang ang kanyang sarili sa taong ihaharap siya sa dambana nang may pag-ibig.
Kunwari siyang umikot at naghikab. Tapos ay dahan-dahang tumayo na parang walang narinig sa sinabi ni Julius.
“Saan ka ba kasi nakatira? At bakit kailangang ganito kaaga tayo umalis?”
Hindi pa rin nagsasalita si Julius at mukhang sa legs niya naka-focus ang mga mata ng lalaki. Huminga ito nang malalim at umiling-iling.
“Don’t you try to seduce me with your legs dahil kahit anong gawin mo, mapupunta sa akin ang kumpanya n’yo.”
“Seryoso ka? Do you think I’m seducing you? C’mon, you were the one who pulled my comforter. It’s not me exposing them to you!” matigas na sagot niya.
Hindi siya sinagot ni Julius, sa halip ay kumuha ito ng kapirasong papel at may isinulat.
“Here’s my address. I can’t handle this nonsense talk. Mauuna na ako.”
“Ibibigay mo din naman pala ang address mo, kailangan mo pa akong gisingin!”
“Shut up, woman! Kung ayaw mong marinig ka ng papa mo!”
“Sorry, Mister Gold Digger, my room is sound proof, kaya kahit ano pwede kong sabihin! You are one useless man na napakataas ng pangarap pero ended up blackmailing me just to get the money that you want! Napakahina mong lalaki!”
“You’re impossible! Just to remind you, we can fly back to Vegas, file for a divorce, and send your father to jail. My lawyer is just waiting for my go signal.”
Natahimik siya sa sinabi ng asawa. Oo nga naman. Nawala sa isip niyang kailangan niyang maging mabait dito dahil maaaring gamitin nito ang kung anong ebidensyang meron siya para maipakulong ang papa niya.
Hindi namalayan ni Cindy na unti-unti na pala siyang napaiyak sa pag-iisip. Ayaw niyang makita ang papa niya sa kulungan.
“I’m sorry. Hindi na ako uulit.Huwag mo lang ipakulong ang papa ko,” umiiyak na sabi niya habang pinapahid ang luha gamit ang comforter.
***
Alas-singko na ng hapon nang makarating si Cindy sa address na ibinigay ni Julius. Medyo malayo ito at mahirap hanapin. Ilang beses din siyang nagtanong-tanong para matunton ang lugar.
Pinagmasdan niya ang bahay. Katamtaman lang ang laki nito pero tama lang para sa kanila. Dalawa lang naman sila ni Julius na titira dito dahil si Pinky ay sa tiyahintumutuloy.Tanging ang tita lang nito ang kilala niya. Wala nga siyang nakitang family pictures ni Pinky. Hindi naman siya nagtatanong noon pero ngayon ay alam na niya. Siguro nga, her friend intentionally befriended her dahil sa kagustuhan ni Julius.
Bubuksan na sana niya ang gate nang makita niyang naka-padlock pala ito. Nainis siya lalo kay Julius. Why on earth did he lock the gate? Paano siya makakapasok? At anong oras uuwi ang lalaki? Hindi niya naman ito matawagan dahil hindi niya s-in-ave ang number nito. Ang phone naman ni Pinky ay out of coverage area. Ayaw niya ring tawagan ang kapatid o ang papa niya dahil kapwa mag-aalala ang mga iyon.
Bumalik siya sa kotse at doon nag-abang. Naglaro na lang siya ng games sa phone niya. Hindi na niya namalayan ang pagtakbo ng oras hanggang sa naramdaman niya ang pagkalam ng sikmura. Nagugutom na siya. She checked her phone. Alas-nuebe na pala. Masyado siyang nawili sa kalalaro at ngayon ay lowbatt na rin ang cellphone niya.
She decided to drive to a nearby fastfood chain na nakita niya kanina. She started her car pero ayaw umandar. Kapag minamalas nga naman, wala na pala siyang gas.
Ilang beses niyang minura si Julius sa isip niya. Gusto niyang magwala at magsisisigaw pero mas pinili na lang niyang ipikit ang mga mata at pansamantalang kalimutan ang gutom.
***
Bumilis ang t***k ng puso ni Julius nang makita ang kotseng nakaparada sa tapat ng bahay niya. Sigurado siyang si Cindy iyon. Alam niya ang kotse ng babae dahil matagal na niyang sinusubaybayan ito.
Hindi niya inakalang pupunta nga si Cindy sa bahay niya. Akala niya ay magmamatigas ito pero nagkamali siya. How long has Cindy waited for him? After office, dumaan muna siya sa bar at uminom. Unlike before, hindi niya kasama ang mga kaibigang sina Aaron at William ngayon. Parehong kasing in love kaya hindi na niya mayaya sa bar gaya ng dati.
Nilapitan ni Julius ang kotse at nakadama siya ng awa sa babaeng nasa loob nito. Tulog si Cindy pero bakas ang natuyong luha sa pisngi at siguradong siya na naman ang dahilan ng pag-iyak nito. Ayaw niya sanang pilitin itong magpakasal at ikulong sa ganitong sitwasyon, pero ayaw rin niyang kalimutan na lang ang nangyari sa papa niya. And marrying Cindy is the fastest way to get even.
Kinatok niya ang pinto ng kotse ng babae at niyayang pumasok sa loob ng bahay.