Chapter 3

971 Words
Julius is now carrying all of Cindy’s things pagbaba pa lang nila ng eroplano. Hindi na rin tumanggi si Cindy, at least ngayon meron na siyang instant kargador. She saw Pinky smiled at her and she smiled back. Medyo nagkaayos na rin silang magkaibigan. Pero hindi pa rin ganoon kabilis makakalimutan ni Cindy ang ginawang panloloko ng kaibigan. Pero umaasa siyang maghihilom din ang sugat na nadulot ng panloloko ni Pinky. Julius moved closer to Cindy and held her hand. Nagtataka niyang tiningnan ang lalaki. “Your brother is over there. We have to be madly in love with each other,” Julius whispered. She could see her brother waving his hands at masayang-masaya sa pagbabalik niya. Isa lang ang naisip ni Cindy. Ibig sabihin, planado ang forced marriage niya.Pinag-aralan nang matagal na panahon. Pinag-isipan. How come Julius knows her brother ganoong first time lang naman silang magkikita? Bumalik uli ang sakit ng panlolokong ginawa ng magkapatid sa kanya, pero mas pinili niyang isipin na kailangan niyang mailigtas ang papa niya mula sa malamig na selda. So she made a very bold move. She tiptoed and kissed Julius on the cheek. She whispered back.“You’re right.” Na siyang ikinabigla ng lalaki kaya nabitawan nito ang isang bag na dala.   ***   “Talaga, Ate? Kasal ka na? Dito kay Idol?” Hindi pa rin makapaniwala si Anton kahit na ilang beses na nilang ikinuwento ang kanilang gawa gawang ‘love story.’ They went to an icecream house first and that’s where Cindy learned that Anton and Julius are both members of a tennis club at medyo matagal na rin silang magkakilala. “Ano’ng nagustuhan mo kay Ate, Idol?”Anton asked while he’s on his third serving of his icecream. “Ahmm . . .” Tiningnan muna siya ni Julius bago tuluyang sumagot. “She loves her family so much kaya alam kong kapag may sarili na kaming pamilya, mamahalin niya kami ng buong-buo.” Hindi nakakibo si Cindy sa mga sinabi ni Julius. Is he really thinking about starting a family with her? In his dreams! They have agreed that nothing physical will happen between them. Yes, they can be touchy kung kailangang mag-acting sila but not beyond those things. “E,ikaw, Ate, ano’ng nagustuhan mo kay Idol?” “Anton, kapag nagmahal ka ng isang tao, you don’t find a reason why. You just love the person completely,” walang gatol niyang sagot. And she knows that she said the right words dahil medyo nakita niya ang amusement sa mukha ni Julius at ang pigil nitong ngiti. “Grabe! Ate Pinky, meron ka bang tinapay? Ang cheesy kasi ni Ate,e,” pang-aalaska ng kapatid niya. Babatukan na sana niya si Anton nang hawakan ni Julius ang kamay niya. “Hon, we’re in a public place. Don’t act like a child.” Hon?! Kailan pa kami nagkaroon ng endearment? Eww!Cindy said to herself. “Idol, salamat sa pagtatanggol sa akin, ha? Kaya humihina ang utak ko kakabatok sa akin ni Ate, e.” “Don’t worry, Anton, your ate will live with me kaya wala nang babatok sa ’yo.”   ***   Cindy was surprised when she saw how happy her dad is when she introduced Julius as her husband. They know each other! According to her dad, Julius is one of the best young entrepreneurs that he met. If her dad only knew. Gusto siyang pabagsakin ng ‘best entrepreneur’ na sinasabi niya. Her dad even gave Julius a hug. “You’re a great planner. You have befriended them a long time ago!” She said as soon as she closed the door to her room. “Cindy, I am one cunning man. I prepare for my battles.” Cindy was thinking of a comeback when she noticed her undies were on display at the headboard. Shoot! How can she forget to stash away her stuff before leaving for Vegas? “So, you like Tweety Bird?” Pilyong ngiti ni Julius sa kanya because all of her undergarments are Tweety Bird. “E, ikaw nga, pink ang boxers mo.” Huli na para maisip ni Cindy ang nasabi. Noong nasa Vegas sila, there was a time na papunta siya ng banyo nang mapadaan sa kwarto nito na bahagyang nakabukas. Noon niya nakita itong natutulog habang nakasuot ng pink boxers. “How did you know?” “I accidentally saw you back in Vegas. Your door was kinda open.” Hindi nagsinungaling si Cindy. Gusto niya sanang mag-alibi pero wala siyang maisip. “Was that all you saw? Nothing more?” “Wala na. And also, I’ve seen a lot of naked men before. So don’t flatter yourself.” “What?!” “UP Oblation Run. I witnessed one before.” Tumango-tango siya at nag-unat bago humiga sa kama ni Cindy. Nasa ulunan pa rin niya ang mga Tweety Bird ng dalaga. “Can I just sleep? Then wake me up kapag gusto mo na ding matulog para makalipat ako sa lapag. Gusto ko lang munang malambot na kama.” “Huh?” “Don’t worry, we will not sleep on the same bed. I just need your father’s company so rest assured I’d respect you to the fullest,” sabi ni Julius bago tuluyang ipinikit ang mga mata. Pinagmasdan ni Cindy ang mukha ng lalaki. Aaminin niyang type niya ang physical features in Julius. Marahil kung sa ibang paraan o pagkakataon sila nagkakilala, baka pwede pa siyang mahulog dito, pero hindi. Hindi niya maaaring magustuhan ang isang tao na ang gusto lamang ay gamitin siya para mabawi ang yamang ninakaw raw sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD