“Wala ka ng lagnat,” sambit ni Wigo sa akin nang dinama niya ang leeg ko. “Sabi ko sa iyo, ayos lang ako. Magaling ang doktor ko,” tukoy ko sa kaniya. Naroon kami sa labas habang nakaupo sa snow ground. May suot din kaming winter gloves, scarf, earmuffs, boots, beanie, long coat at sweater. Tinupad pa rin namin ang nasa itinerary na tumungo kami rito sa Iceland para mas lalo naming maramdaman ang kagandahan ng Northern Lights. “So, pwede na?” bulong niya. Kumuha ako ng snow saka ibinato sa kaniya nang mahina lang. “Sira! Gusto mo na naman akong lagnatin? Kagagaling ko lang tapos hihirit ka na naman.” Napangiti siya saka niya ako inakbayan habang pinapanood namin ang magandang view sa kalangitan. Maya-maya lang ay nag-iba kami ng puwesto at humiga na ngayon sa snow ground. May iilan di

