NAKABALIK na ako ng London at si Wigo naman na dumiretso ng Pilipinas. Mas inuna niya ang mga gagawin niya sa company bago niya kausapin ang aming ina. Nagkaroon lang ng major problem sa isang airplane na kamuntik ng mag-crash. It was an engine problem and Wigo can handle the latter while I’m busy with my patient. I sighed. Nami-miss ko na ang unggoy na iyon na wala pa ang twenty-four hours kaming naghiwalay. Hindi ko naman siya tinawagan dahil ayokong abalahin siya sa ginagawa niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko na mula nang maranasan ko ang maging isang tunay na babae, gusto ko na ang girly thing. Babae naman talaga ako kaya lang itinago ko lang ng ilang taon. I opened my closet at lumantad sa harap ko ang iba’t ibang fashion dress. Kahit ang mga stiletto shoes, accessories at ib

