HATINGGABI na kami nakarating ng Forbes matapos naming ihatid sina Aling Mila at Levi sa Makati. Sa kwarto na ako tumungo upang magpalit ng damit. Tinanggal ko ang coat ko at ang suot kong stiletto shoes. Naglakad ako patungo sa dressing room ko para kumuha ng damit at mag-shower. “Oh, my god!” Nagulat akong pagsara ko ng closet nakasandal na si Wigo sabay ngumiti. “Hoy! Ano ka ba?!” “Are you scared?” “Ay, hindi! Hindi nga ako natakot, ‘di ba?” sarkastiko ko. “Bakit may dala kang tuwalya at paper bag?” “For you.” Ini-abot niya sa akin ang paper bag. Tinanggap ko naman ito. “What’s this?” “Open it.” Nagtaka akong kinuha ang laman ng paper bag. Pagkakita ko sa lace design na panty, napangiwi ako. “Ano ito?” May nakita pa ako sa loob kaya kinuha ko ito. “Lingerie?!” gulat kong sambit s

