Déjà vu! Ganitong-ganito rin ang eksena noong isang gabing umuwi siyang lasing. Naalala ko na naman ang pulang lipstick sa suot niyang polo kaya iyon ang dahilan kung bakit ko siya iniwan. Kaya lang naawa na naman ako sa lalaking ito na paulit-ulit na lang sinasabi ang mga katagang nagsisisi na siya. “I…still love you.” Hinawakan niya ang kamay ko matapos ko siyang bihisan. “You still love me but you’re trying to ignore me. Ganyan ba dapat ang pagmamahal na ipapakita mo sa akin, Wigo?” He sniffed. Kumilos siya upang sumandal sa headboard ng kama. “It’s my fault, Love.” “Wow. Diretso ka na yatang magsalita ngayon. Natanggal na ba iyang tama ng alak sa utak mo?” “Sorry.” Ginagap niya ang kamay ko at marahang hinalikan. “I was wrong of choosing myself unleashed my emotion. Nadala lang

