“TIKTILAOK! TIKTILAOK!” Bumaba ako mula sa hagdanan ng veranda at tilaok ng manok ang bumungad sa akin. Bitbit ko ang baso ng gatas na para sa baby ko at napilitan lang talaga akong uminom. Ayoko lang sa lasa niya kaya lang kailangan kong inumin ito para sa kaniya. We are now in my place here in Tagaytay and it’s a kind of fresh ever feeling. Isama na ang fresh air, buhay probinsya at ang magagandang tanawin sa paligid. May hamog pa sa ibang bahagi ng pine trees na nakatanim sa palibot ng aking resthouse. Sa hindi kalayuan naman, may malawak akong taniman ng iba’t ibang prutas at gulay. May mga inaalagaan naman akong mga hayop kung saan nakahiligan ko na. Madalas akong tumambay dito noon pero madalang na lang ngayon dahil nga sa bahagyang nag-iba ang schedule ko at idagdag na ang pag-

