Chapter 1

2479 Words
“Ate Kinne!!” Gumuhit sa mukha ko ang kasiyahan nang salubungin ako ng mga batang natulungan ng aming foundation. Kaming dalawa ng kapatid ko ang nagtatag nito maging dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Hindi magkamayaw ang mga itong pagkaguluhan ako lalo na ang mga batang kilala na ako. Bata pa lang ako noon, nasa puso ko na ang pagiging matulungin sa kahit sinong pinagkaitan ng pagmamahal sa mga magulang at kapos-palad. Kahit ang mga ibinibigay sa akin noon ng aking mga magulang, iniipon ko para sa kanila. I don’t want to see them starving, homeless and no sign of love from their relatives. Halos naikot ko na rin ang buong mundo para lang isulong ang advocacy na ito. “Oh, mga bata! Huwag niyong pagkaguluhan ang Ate Kinne niyo,” paalala ni Sister Fely sa mga bata. Siya ang namamahala sa Home of Zurich Foundation namin dito sa Metro Manila. “It’s okay, Sister Fely. Na-miss ko ang mga batang ito.” Bumaling ako sa batang si Marco. “Oh, Marco. Nag-aral ka bang mabuti?” tanong ko sa batang nasa edad na sampung taong gulang na rin. “Opo, Ate Kinne! Sa katunayan nga po ay malalaki ang mga grades ko kahit itanong niyo pa kay Sister Fely,” pagmamalaki niya. “That’s right,” ngiting tugon ko. “Ate Kinne, may patalubong ka ta amin?” tanong naman ng pitong taong gulang na si Coleen sa akin. Hirap pa siyang magsalita dahil ayon sa mga doktor na sumuri sa kaniya, late ang development niya. “Oo. Nasa sasakyan ko at kinukuha na ni Mang Pedring para ibigay sa inyo,” matamis kong tugon. “Kami rin, Ate Kinne?” sabat ni Maymay. “Oo. Lahat kayo may pasalubong sa akin,” muli kong tugon. “Yehey!!” sabay-sabay na korong wika ng mga batang kausap ko. Tuwang-tuwa rin sila sa narinig mula sa akin. “Mga bata, doon na muna kayo sa playground at mag-uusap lang kami ni Ate Kinne niyo,” wika ni Sister Fely sa mga bata. Tumugon naman agad ang mga bata sa utos ni Sister Fely habang ako naman ay natutuwang pagmasdan ang kanilang kakulitan . Kilala ko ang iilan sa kanila mula noong dinala ko sila rito. Kung gaano kalaki ang puso ko para sa mga hayop na kinupkop ko sa animal shelter, ganoon din ako sa mga batang ito. Kulang na lang na tumakbo ako sa pulitika dahil halos ng mga natulungan ko ay kilala na ako. “Palagi kang tinatanong sa akin ng mga bata kung kailan ka dadalaw rito at lagi ko namang sagot sa kanila na nasa ibang bansa ka pa,” panimula ni Sister Fely sa akin. “Kumusta naman ang buhay mo?” “Ayos naman, Sister Fely. Kakababa ko lang galing space kaya heto at medyo groggy pa ako. I mean⸻sinasanay ko pa ang sarili ko sa gravitional force sa paligid. Natanggap ko ang email mo tungkol sa batang si Noknok. Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin siya nagsasalita?” pag-iiba ko. “Oo, Kinne. Mula noong na-rescue mo siya apat na taon na ang nakararaan sa isang sunog, hindi na siya kailanman nagsasalita. Ayon naman sa psychologist na tumingin kay Noknok, naalala pa rin niya ang nangyari sa mga kapatid niyang kasama sa nasunog na iyon. Ginawa na namin ang posibleng gawin sa kaniya kaya lang walang improvement. Minsan pa nga ay nagigising siyang umiiyak at hinahanap ang kaniyang mga kapatid at mga magulang,” malungkot niyang sabi. Humugot ako nang malalim na hininga saka natuon ang tingin ko sa batang si Noknok na nasa bench habang at nakatingin lang sa magandang kalangitan. Marami na akong na-encounter na mga kaso ng mga batang may mga trauma sa iba’t ibang karanasan pero ang iba ay nakaka-overcome naman. “Natanggap mo rin ba ang email ko tungkol sa budget na hinihingi namin?” “Yes, Sister Fely.” May kinuha ako sa leather bag ko saka ko ito ibinigay sa kaniya. “Here. May nag-donate ng halaga ng perang iyan kaya mapapagawa niyo na ang extension ng building na ito.” Tuwang-tuwa siya. “Kaawaan ka ng diyos, Kinne! Ang laking halaga nito kumpara sa hinihingi ko,” mangiyak-ngiyak niyang sambit sa akin. Napangiti naman ako sa kaniya. “Walang anuman, Sister Fely. Hanggat kaya ko ang tumulong sa mga nangangailangan katulad niyo, walang problema.” “Kaya ka pinagpapala sa lahat dahil sa kabutihan mo. Sige at pupuntahan ko lang ang iba para ihanda ang tanghalian. Dito ka na mananghalian kasama namin at may mga inihanda kaming mga paborito mo,” masayang sambit niya sa akin. “Sige po, Sister Fely. Lalapitan ko lang din si Noknok.” “Ikaw na ang bahalang magpasensiya sa kaniya. Unawain mo na lang ang kalagayan niya.” I smiled at her. Tumalikod na rin si Sister Fely sa akin pagkatapos at ako naman na pinuntahan ang kinaroroonan ni Noknok sa bench. Habang naglalakad ako palapit sa kaniya, mas lalo kong naramdaman ang pait na sinapit ng batang ito. Ibinabahagi ko lamang ang buhay na tinatamasa namin ngayon ng kapatid kong si Wigo. Bukod sa pagiging isang Aerospace Engineer ko, isa ito sa mga pinagkakaabalahan ko sa tuwing umuuwi ako ng Pilipinas. May dalawang bata rin akong kinupkop at itinuring kong nagmula sa akin. “Maaari ba akong umupo sa tabi mo?” tanong ko sa batang si Noknok. Sumulyap lang siya sa akin saka tumitig. Tila iniisip pa niya kung sino ako ngunit nakilala rin siguro ako dahil hindi naman kumunot ang noo niya. Nakikita ko ang labis na kalungkutan sa siyam na taong gulang na batang nasa harapan ko. Hindi na rin ako naghintay ng isasagot niya kaya umupo na lang din ako. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin at hinayaan ko lang siya. “Alam mo, masaya rito,” panimula ko habang itinuon ko ang tingin sa mga batang naglalaro hindi kalayuan. “You can have your friends here and join them to play sometimes. Kung wala lang akong trabaho sa outer space, gusto ko na rito.” Muli kong sinulyapan si Noknok na ngayon ay nakatingala na naman sa kalangitan. Sinundan ko rin ang kanina pa niya tinitingnan. “Hindi naman masaya kapag nasa taas ka na. Wala kang makikita kung hindi, asteroids, satellites, araw, kadiliman at ang katahimikan sa labas ng planeta. As usual, ang gravity na hindi mo alam kung makakaya mo pa o hindi na.” Patience, Kinne. Kailangan mong habaan ang pasensiya sa mga katulad niya. Ngayon nila kailangan ang atensiyon ko at pagpapakita ng pagmamahal. Hindi pa rin sumasagot si Noknok sa akin o kahit anong senyales na nagre-response siya sa mga sinasabi ko. Kapag hindi pa siya iimik sa akin, hahayaan ko na lang muna ang bata sa pagmamasid sa kalangitan. Paminsan-minsan, ayaw ko rin naman ipilit ang mga bagay na dapat niyang unawain. Masyado pa siyang bata at atensiyon ang kailangan niya. “Baka nakakaabala na ako at kailangan ko na rin puntahan si Sister Fely. Sumunod ka na rin, Noknok. Kakain tayo ng masarap na tanghalian⸻” “Totoo po ba ang alien, Ate Kinne?” Natigil ako sa pag-akmang pagtayo saka marahang bumalik sa kinauupuan ko katabi niya. Sa pagkakataong iyon, nagsalita na rin ang tahimik na batang si Noknok sa akin at tinanong ang nakakatuwang bagay na iyon. But I was thrilled to know that finally Noknok speak out to me. “Hindi,” mabilis kong tugon. Nagagalak ako dahil hindi lang siya umimik sa akin kung hindi kilala ako ng bata. Hinaplos ko ang buhok niya sa ulo. “Kathang-isip lang iyan at walang katotohanan. Ang totoo niyan, mga astronaut lang ang mga naroon kaya iniisip mo na may mga alien na nag-e-exist sa mundong ito.” “Ganoon ba. Gusto ko rin maging astronaut,” sambit niya. Kahit hindi ko siya makitaan ng masiglang pakikipag-usap sa akin. Napangiti ako. “Bakit gusto mong maging astronaut?” “Para sundan ang mga kapatid ko. Sabi kasi nila, nasa langit na sila. Hindi ba langit ang nasa taas?” “Uhm, I can help you to reach the sky but you can’t see them right there. I mean...” Napakamot ako sa ulo. Mas makulit pa pala siya kaysa kay Drake at Mimi. Ang tinutukoy ko ay ang mga batang nasa poder ko ngayon. “H-Hindi kita maintindihan, Ate Kinne.” Naguguluhan siya sa kung ano nga ba ang tamang itawag sa akin. “Sorry. Hindi na ako mag-e-english.” “Ayos lang po.” Kumilos siya upang tumayo. “Pupunta na po ako sa loob.” “Sasabay na ako sa iyo. Halika na.” Inilahad ko ang palad ko sa kaniya. Hindi na niya ako tinanong tungko sa ipinaliwanag ko kanina lang. Napatitig pa siya sa kamay ko subalit inabot din niya. Mahigpit na nakahawak siya sa kamay ko saka sabay na kaming naglakad papasok. Pakiramdam ko, ako na ang pinakamasayang tao sa mundo dahil successful ang pakikipag-communicate ko sa batang ito. Hindi na ako nahirapang kausapin pa siya nang masinsinan. Masaya rin akong ibinalita ang bagay na ito kay Sister Fely at sa iba pa. Kahit sila ay nagulat din sa ibinalita ko na bigla na lang akong kinausap ni Noknok. Naghabilin na rin ako sa kanila na bantayan siya at ibigay ang mga pangangailangan niya. Matapos naman ang pagbisita ko sa Home of Zurich Foundation, pinuntahan ko si Camille na nagmamay-ari ng isang flower shop sa Dangwa. Nobya ko siya mahigit dalawang taon na matapos kong aminin sa kapatid ko at sa pamilya ko na isa akong lesbian. Yes! You heard it right. Isa akong lesbian at hindi ko ikinakahiya ang bagay na ito. College pa lang ako noon nang maramdaman ko na iba ako sa natural na ako. Galit na galit naman ang kapatid ko nang malaman ang bagay na iyon ngunit nanindigan ako sa kung ano ang gusto ng pagkatao ko. Matagal na rin ang panahong binago ko ang sarili ko at ngayon lang ako kumawala. Masaya ako sa kung ano man ako ngayon. “Hi!” bati ko kay Camille na naabutan kong nag-aayos ng bouquet. “Oh, hi! Andiyan ka na pala,” wika niya sa akin. Lumapit siya upang humalik sa pisngi ko ngunit bumalik din sa ginagawa nito. “Naabala ba kita?” tanong ko. “Hindi naman. Inayos ko lang ito dahil inutusan ko si Roan na magbayad ng bills namin. Kumain ka na?” “Oo. I’m done. Dumaan ako kanina sa foundation at ini-abot ko ang cheke kay Sister Fely. Ikaw? Kumain ka na?” “Oo. Gusto mong magkape?” alok niya. “Hmm. Okay.” Hindi na ako tumanggi sa kape na alam ng nobya kong paborito ko iyon. Si Camille ay dating nurse sa Washington at doon ko siya nakilala. Umuwi lang siya ng Pilipinas para e-manage ang family business nila. May mga branches din siya ng flower shops kaya hindi ko na siya pinigilan sa gusto niya. I offered her a big money to invest but she refused. Ayaw niyang isipin na pera lang ang habol niya kaya niya ako sinagot. “Three in one coffee for you.” Inilapag niya ang isang tasang kape at tinapay. “Anong gusto mong palaman?” “Huwag na. Okay na ako sa isasawsaw ang kape sa tinapay. Solve,” ngiting sambit ko. “Kumain na ako pero nakakagutom ang biyahe papunta rito.” Natawa siya. “Alam mo, hindi ka pa rin nagbabago. Sanay na sanay ka sa buhay dito sa Pilipinas at down to earth ka pa rin. Kaya nga gustong-gusto ka ng mga taong natutulungan mo. Tumakbo ka na kayang senador.” Natawa ako. “No way! Politics isn’t my future. I can help people even if I am not in the government. Sanay na rin talaga ako since ang nanay ko ay Pilipino at sumunod lang ako sa yapak niya. Alam mo naman na lagalag ako sa mundong ito kaya alam na alam ko kung paano ako umayon sa panahon.” Nakade-kwatro ako sa pagkakaupo. “By the way, dumaan lang ako rito para ibigay sa iyo ito.” May kinuha ako sa leather bag ko. “Here. It’s for your father.” “Kinne...” Tila nahiya pa siyang kunin ang cheke na ibinigay ko. “It’s okay, Camille. Tutulungan kita sa abot ng aking makakaya at kinausap ko na ang doktor na kasama ko sa magsasagawa ng operation. Don’t worry, and he will be fine. Malakas pa si Tito Fidel kaya lumaban ka para sa kaniya,” sambit ko habang ipinakita ang malaking simpatya sa nobya kong nahihiya na naman sa akin. “T-Thank you.” Sabay niyakap niya ako nang mahigpit. Hinalikan ko siya sa noo saka inapuhap ang likod niya. Noong unang taon namin, tinulungan ko rin siya nang magkasakit ang ina niya. Hindi ko siya iniwan hanggang sa bumigay ang kaniyang inang may sakit sa puso. Ngayon naman, ang tatay naman ng nobya ko ang nagkasakit kaya to the rescue na naman ako sa kaniya. Ganito ako kapag mahalaga sa akin ang tao. “Nandito na ako, Ate Camille!” Agad na humiwalay si Camille sa pagkakayakap sa akin at nagpahid ng luha. Hindi ko siya napigilang maging emosyonal ngunit naroon naman ako upang alalayan siya. Kung kaya ko ang tulungan ang iba, kaya ko rin pagaanin ang kalooban niya. “N-Nariyan ka na pala, Roan.” “Oo, Ate Camille. Natapos ko na rin ang ini-utos mo kanina.” Bumaling siya sa akin. "Hi, Kuya Kinne!” Sabay wave ng kamay niya para batiin ako. “Hi!” Bahagyang ini-angat ko ang aking kamay para kumaway sa kaniya. Nasanay na rin akong tawagin niyang kuya. “Halika at magmeryenda tayo,” alok ko. Sabay isinawsaw ko pa ang tinapay sa mainit na kape. “Naku! Gusto ko iyan at tamang-tama gutom na ako. Pero seryoso? Kape talaga ang ininom mo sa tindi ng init ng panahon sa labas?” Nagulat pa siya sa akin. “It’s more fun in the Philippines, ika nga nila. Magpapabili na lang ako ng softdrinks para sa iyo,” wika ko sabay dumukot ako ng pera sa bulsa. “Bet ko iyan, Kuya Kinne!” Sabay umupo siya kaharap ko. “Oh, siya. Sa labas muna ako at mukhang maraming customer. Tutulungan ko muna ang mga trabahador ko.” Tumayo na si Camille at iniwanan kami ni Roan. Ako naman at si Roan ang nag-uusap habang nagpapalipas ako ng oras. Ako rin ang major sponsor ni Roan sa pag-aaral niya sa kolehiyo kaya malapit ang loob ko sa kaniya. Hindi lang si Roan ang skolar ko subalit maraming kabataan pa ang binigyan ko ng magandang kinabukasan. Hindi ko na rin napuna ang oras sa pakikipagkwentuhan kay Roan hanggang sa tuluyang magdilim ang paligid at ako’y nagpaalam na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD