KABADO ako pero pinilit kong maging normal sa takbo ng sandaling makakasama ko sa iisang kwarto ang kapatid ko. As part of the tradition, kailangan kong tumabi sa kaniya sa pagtulog sa unang gabi namin bilang mag-asawa. Kaya lang hindi ako makapag-isip kahit sabihin kong sanay na ako sa kaniya. Tatakas o hindi? Tatakas o hindi? Paulit-ulit kong sambit sa isipan iyon habang palakad-lakad ako sa malawak na banyo. Kabado trenta ako habang bitbit ko ang nighties na hawak ko na ibinigay ng mommy para sa akin. Anong akala nila? Gagawin namin iyong sinasabi nilang honeymoon? My god! Naging alerto akong lumabas ng banyo habang tinatanaw kung nasaan ang kapatid ko. Nang hindi ko siya makita sa loob ng kwarto, patakbo kong tinungo ang dressing room. Nagmamadali akong maghanap ng maisuot doon at na

