Chapter 3

2166 Words
MAAGA akong nagising para asikasuhin ang mga bata papasok ng school. Hindi man ako ang tunay na ina ng mga batang ito, nais kong ipakita sa kanilang kaya kong tumayo bilang magulang nila. Mula rin nang magsimula akong mag-ampon ng mga bata, mas lalo akong naging malapit sa mga musmos na kabataang pinagkaitan ng pagmamahal at pag-aaruga. “Kids, your school bus is here. Hurry up!” sambit ko sa kanila. Bahagya pa akong yumukod para humalik ang mga batang sina Drake at Mimi. “Listen to your teachers and mind your lessons,” paalala ko. Ngumiti lang ang dalawang bata sa akin sabay kumaway. Tatlo sana ang mga batang ito subalit kinuha ng totoong ama si Princess. Ang isang sanggol na iniwan ng ina dahil namatay sa panganganak sa ospital nina Riexen. Sobra akong nalungkot sa bagay na iyon dahil napamahal na sa akin ang bata. Kaya lang ay kailangan kong tanggapin na hindi ko na siya makakasama habangbuhay. Muli akong pumasok ng bahay upang kunin ang gamit ko. Tutungo pa ako sa isang Home for the aged Foundation upang personal na mag-abot ng tulong. Dadaanan ko pa ang girlfriend kong si Camille sa bahay niya dahil nais niyang sumama. Kaya lang paglabas ko ng kwarto, nakasabay ko sa pasilyo ang kapatid ko. Hindi na naman ako makakaiwas sa diskusyunan naming dalawa. Damn. “Good morning,” bati niya. “Are you going to leave?” pormal niyang tanong na tila wala silang pinagtalunan kagabi. He was topless and wears only his denim jeans. Sanay naman akong laging topless ang kapatid ko kaya lang nakakaramdam ako ng akwardness dito. Intimidating ang mga tingin ni Kuya Wigo lalo na sa akin. I really don't know why. Hindi ko na rin masisisi ang mga babaeng humahabol sa kaniya dahil nakikita naman sa katawan. My brother was a casanova one. Wala siyang naging seryosong babae o girlfriend man lang. Kaya minsan ay naiinis din ako rito dahil nga sa pagiging babaero nito. Pinapaalalahanan ko naman siya na hinay-hinay lang ngunit balewala lang sa kapatid ko ang mga payo ko. Tinanggap ko na lang ito katulad ng pagtanggap niya sa pagkatao ko. Tanggap nga ba? Naisip ko rin na wala nga talagang perpekto sa mundo basta huwag ko lang malaman na may pinaiyak siyang babae. So far, wala pa naman pumunta rito sa bahay na nag-claim na nakabuntis ang kapatid ko. Paano siya makakabuntis kong ako mismo ang supplier niya ng condom? Pambihira! “Yes,” tugon ko sabay tango. “I'll be there in your office later.” Saglit ko lang siyang tinapunan ng tingin saka ako nagpatiunang maglakad. Masama pa ang loob ko sa nangyari kagabi na pati ang mga kawawang pinggan ay nadamay. “Kinne...” Napatigil ako sa paghakbang ngunit hindi ko siya nilingon. Kagabi lang ay nagsigawan kaming dalawa dahil sa pagtatalo namin tungkol sa family tradition na dapat naming pagtuunan. Matagal na akong tutol sa tradisyon na iyon at kaya mas pinili ko noon na maging independent para umiwas subalit hindi pa rin ako nagtagumpay. Nasa poder pa rin ako ng kapatid ko at bilang head of the family, malaki pa rin ang respeto ko sa kaniya. “About last night,” panimula niya. “I'm sorry.” Humarap ako rito. “It's fine. We always have that kind of conversation but I always said to you that I am not into it. Hayaan mo muna akong mag-isip sa loob ng isang taon at kapag dumating na ako sa puntong iyon, let's decide.” Sumilip ako sa pambisig na relo. “I have to go. Naghihintay na si Camille sa akin.” “Camille?” kunot-noong sambit niya. Subalit nagbawi rin siya ng reaksiyon. “Okay. See you later.” Bahagya lang akong ngumiti saka ako tuluyang umalis sa harapan niya. Minsan kapag ganitong malalim na ang tingin sa akin ng Kuya Wigo ko, umiiwas na ako. Like I said, he's intimidating and I don't like his presence sometimes. NAGTUNGO kami ni Camille sa Quezon City at habang nagmamaneho ako, nagkwento ako tungkol sa napag-usapan namin ng kapatid ko kagabi. Wala akong inililihim kay Camille at alam niya ang tradisyon na iyon. “Anong sinabi mo sa kapatid mo?” tanong niya. “Pag-iisipan ko pa, sabi ko. I don't want to lose everything we have right now. Marami akong kino-consider na mangyayari kapag pumayag ako o hindi sa sitwasyon naming dalawa. For godsake, we are siblings, Camille!” Napahampas ako sa manibela. “Hindi ko kayang—damn!” Nakailang beses na akong nagmura mula pa kagabi. “Kung...kung hind naman kayo papayag na dalawa? Sinong mga kamag-anak niyo ang makikinabang?” tanong niya. “Isa pa iyan. Kaya nga pursigido ang mommy ko pati na si Wigo dahil oras na hindi kami papayag sa tradisyon, ang mga gahaman na kamag-anak ng tatay ko ang makikinabang. And my brother doesn't want them to rule the entire family. Alam ng pamilya ko kung gaano sila kasakim sa kapangyarihan at kayamanan ng pamilya Zurich. Kung hindi lang namatay ang daddy noon sa sakit, hindi niya papayagan ito.” “But you said that your father has his last will testament, right? Nakasaad sa testamentong iyon na tanging ikaw lang maaaring pakasalan ng kapatid mo. Sinaunang tradisyon na ang ganito pero hindi pa rin ako makapaniwalang hanggang ngayon ay sinusunod pa rin ito ng pamilya niyo,” paliwanag niya. Napabuga ako ng hangin sabay napailing. “Kung ako lang ang masusunod, tatanggalin ko na ang batas sa pamilya kaya lang hindi maaari.” “Ayos lang sa akin na sundin mo ang tradisyon niyo. Kinne, isipin mo na lang na marami ang makikinabang at matutulungan niyo kaysa naman mapunta sa sakim mo na kamag-anak ang yaman ng pamilya niyo. I'm okay at tatanggapin ko.” Tinapunan ko siya ng tingin ngunit nagbawi rin sabay sabi nang, “No way.” “Look, hindi mo ito matatakasan, Kinne. Kahit mahal kita pero ayokong maging hadlang sa buhay niyo ng kapatid mo. Handa akong magparaya alang-alang sa iba. Alam kong hindi rin ako gusto ng kapatid mo para sa iyo,” malungkot niyang sabi. Ginagap ko ang kamay niya at pinisil. “You'll stay with me no matter what.” “Let's accept the fact, Kinne. Just tell me when do you want end this relationship. Ihahanda ko lang ang sarili ko.” Hindi na ako kumibo. Mahal ko si Camille at ayokong mawala siya sa buhay ko. Kaya lang kung ganitong naiipit ako sa sitwasyon namin ng kapatid ko, sumisikip ang dibdib ko. Hindi na namin pinag-usapan ang bagay na iyon hanggang sa makarating kami sa lugar. Pagka-park ko ng sasakyan, umikot ako sa kabila upang pagbuksan si Camille. Kaya lang bigla niya akong niyakap nang lumabas na siya ng sasakyan. Damang-dama ko ang kalungkutan sa puso niya since kabisado ko na ang ugali ng nobya ko. “I am always here to support you, Love,” sambit niya. Kapag ganitong tinawag na niya ako sa endearment namin, alam kong seryoso na siya. Niyakap ko na lang din siya nang mahigpit at hinalikan sa noo. Kumalas din naman siya sa pagkakayakap sa akin pagkatapos. Hinaplos ko pa ang pisngi niya para ipadamang huwag itong mag-alala. Magkahawak-kamay kaming pumasok sa loob at masayang sinalubong ng mga naroon. Masaya rin akong makita ang mga lolo at lola sa building na iyon. Nagsagawa rin ako ng free medical check-up sa mga ito. “Tatay Erning, dahan-dahan sa pagkain ng matataba, ha. Ibinalita sa akin ni Ma'am Josie na nagtatago raw kayo ng pagkain sa drawer niyo. Totoo ho ba iyon?” tanong ko habang pinapakinggan ko ang hearbeat niya gamit ang stethoscope. “Ha? Anong saba? Dok, h-hindi ako kumakain ng saba,” tugon niyang medyo tumaas pa ang boses. Medyo mahina na rin ang pandinig niya. “Tay, taba ho. Hindi ho saba,” paliwanag ko. “Masama sa katawan ang matatabang pagkain kapag sobra na. Sige kayo at talagang kay Santo Pedro Funeral Services ko kayo dadalhin,” biro ko. Natawa naman ang mga naroon na nag-assist sa akin sa biro kong iyon. “Naku, Erning! Makinig ka kay doktora. Matakot ka na at huwag ka ng magtatago ng pagkain at baka sa morgue ka na dadalhin,” biro ni Lola Trinidad na malapit lang sa amin. “Si doktora? Iyong lalake kumilos pero maganda at mabait iyon! Hinihintay ko nga siya dahil sabi niya sa akin ay bibilhan niya ako ng bagong sapatos. Luma na ang sapatos ko,” tugon naman ni Tatay Erning. Napangiti na naman ako. “Oo, 'Tay. Kinukuha na ng staff ang mga pasalubong ko para sa inyong lahat.” “Salamat naman kung ganoon. Sana maging babae ka na at sayang naman ang lahi mo. Aba'y kayganda mong doktor!” “Naririnig niyo na ako, 'Tay?” na-amaze ako. “Naku, Kinne. Narinig kasi niyang may pasalubong siya kaya ka naiintindihan. Artista iyan si Tatay Erning,” sabat ni Josie. “Artista? Oo! Magaling na bida iyong si Robin. Idol ko iyan!” Muli akong napangiti kay Tatay Erning. Nagpatuloy lang ako sa medical check-up ng mga ito habang ang nobya ko naman si Camille ang nag-a-assist sa akin. Masaya rin akong nakikihalubilo sa mga ito at pinakinggan ang kanilang mga kwento. Ilan sa mga nasa home for the aged, may sakit na rin na alzheimer o dala ng katandaan. Hindi rin kami nagtagal ni Camille roon at isinama ko siya sa office namin sa BGC. Nagdadalawang-isip pa nga siyang sumama sa akin dahil dama niyang ayaw sa kaniya ng kapatid ko. Ako lang talaga ang mapilit na sumama siya para naman masanay na rin sa kung anong mayroon ako. “Good afternoon, Miss Kinne,” bati sa akin ni Monica. Ang sekretarya ng kapatid ko. “Good afternoon,” tugon ko. “Nasa meeting pa ba ang kapatid ko?” Tumango siya. “Yes, Ma'am.” “Okay. Can you please bring my laptop inside?” utos ko. “Right away, Ma'am.” Mabilis siyang kumilos upang kunin ang laptop ko sa office ko sa kabilang bahagi ng Director's office. Hawak-kamay kami ni Camille na pumasok sa loob kung saan kitang-kita ang conference room kung saan nagme-meeting ang kapatid ko at mga investors niya. Purong salamin ang dibisyon kaya makikita agad ang tao sa loob puwera lang sa kabilang bahagi ng malawak na opisina ng kapatid ko. Pinaupo ko si Camille at binigyan ng babasahin para naman maaliw. Si Monica naman na inilapag ang laptop ko sa center table habang natatanaw ko ang kapatid kong nakikipag-usap sa loob. But he turned his gaze on me and we stared each other for a seconds. Ako naman na nagbawi rin ng tingin at muling itinuon ang atensiyon kay Camille. “Ang lawak talaga ng office niyo,” wika niya sa akin sabay ipinilig ang ulo sa balikat ko. “Inaantok na ako.” “Do you want to go home?” I asked her. “No. Susulitin ko pa na kasama ka,” wika naman niya. “I love you.” Nilambing niya ako saka hinalikan sa pisngi. Hinaplos ko ang mukha niyang kaylapit lang sa akin. Akma ko na sanang halikan ang labi ng nobya ko ngunit natigilan lang ako nang may magsalita sa harapan namin. “You're here.” I turned to the voice and it was my brother Wigo. Si Camille na umayos naman sa pagkakaupo habang ako naman na nakipagtagisan ng tingin sa kapatid ko. Dama kong hindi niya nagustuhan ang eksenang nakita siguro nito sa pagitan namin ni Camille. “Yes. Kakarating lang namin.” Bahagya kong nasilip na wala na palang tao sa conference room. Tapos na sila? Muli akong nakatingin sa kapatid ko. “Si Camille, Kuya Wigo. You knew her, right?” Hindi man lang nito tinapunan ng tingin si Camille. “Let's talk in a private place,” seryoso niyang wika. Wow. Something wrong? Sinulyapan ko si Camille. “Stay here. Mag-uusap lang kami.” “All right.” Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ni Camille saka siya humalik sa pisngi ko. Tumayo agad ako at iniwan si Camille roon. Sumama ako kay kuya na tahimik lang hanggang sa makapasok kami ng conference room. Alam kong hindi na rin maipinta ang mukha niya sa nasaksihan at tila hindi pa sanay sa presensiya ng nobya ko. Kamakailan ko lang siya ipinakilala sa kapatid ko at ang pag-amin ko na isa nga akong lesbian. Nabasa ko na agad ang kilos ng kapatid kong hinihilot ang sentido niya at ang pag-inom niya ng tubig. “Why she's here?” mariin nitong tanong. Ibinaba agad niya ang baso ng tubig na wala ng laman. Nakuha ko na agad ang ibig niyang sabihin na ayaw nga niyang kasama ko ang nobya ko. I know, hanggang ngayon qy hindi pa niya tanggap ang lahat pero wala siyang magagawa sa buhay na gusto ko lalo na sa taong nagpapasaya sa akin. I prepare myself for another disputes between us.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD