“Tay, seryoso ka ba?” Hindi makapaniwala kong tanong saka tumayo ako.
Natatawa na rin siyang tumayo.
“Di biro lang. Bata ka pa naman, abotin mo ang mga gusto mong abotin.” Ngumiti lang ito nang konti sa akin saka tinapik ang balikat ko.
Napahinga naman ako nang maluwag dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin kung seryoso ba siya. Bata pa lang ako, ni trabaho nga wala pa ‘e, magkakaanak pa kaya? Saka kahit na may trabaho at may ipakain, sino naman ang magiging tatay? ‘E ‘yong taong gusto ko nga ayaw makita ako.
“Ang gusto ko lang ay maging masaya ka.”
‘Pagkatapos niyang sabihin ‘yon ay tumalikod na siya at umalis. Kinuha ko na lang din ang pinagkainan namin saka hinugasan ang mga pinggan.
Nadatnan ko na lamang sina Rako at itay na nag-uusap, habang si Dane naman ay hindi ko na mahalagilap pa.
“He went home,” tipid na sabi ni Rako kaya napatingin ako sa kaniya.
“Ha?” Tanong ko kahit naman nadinig ko talaga ang sinabi niya.
“Ang sabi ko, umalis na siya. Kung hinahanap mo siya, wala na siya rito. Umuwi na.” Kaagad ako umiwas ng tingin.
“Hindi ah, hindi ko siya hinahanap.”
“Nako kayo talaga, oh siya, maiwan ko muna kayo ah?” Sulpot ni itay saka itinapik na rin ang balikat ni Rako.
“Ikaw, palagi mong tatandaan ang mga sinabi ko sa’yo, ah,” may kung anong laman sa pagkasabi nito.
Tumayo na rin si Rako at nakipag-shake hands kay itay.
“Makakaasa po kayo,” nakangiting sabi naman nito.
Nagpaalam na rin sa akin si itay dahil kailangan niya pang ibigay ang mga ani niya kay Chang Kusing. Kaya ang ending ay dalawa na lamang kami ni Rako ang naiwan sa bahay.
Ang awkward. Sobrang tahimik.
Kaya kinuha ko na lang ang walis tambo at winalis ang mga nagkakalat na dahon sa bakuran namin.
“Bakit siya nandito?”
“Ay palaka!” Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa likoran ko. Napahawak ako sa dibdib dahil sa sobrang pagkaba.
“Jusko naman, Rako! Bakit ka nanggugulat?” Singhal ko sa kaniya at siya’y natawa na lamang.
“Sorry.” Biglang sumeryoso na rin ang pagmumukha nito.
Dahil isa rin akong matakotin, umiwas na naman ulit ako ng tingin. Jusko ba naman! Sa tuwing kaharap ko siya kasi ay ‘yong pagkakilala ko sa kaniya ay kapitbahay ko lang sa manila na chef, na gwapo, na masarap magluto. Hindi na talaga nabago sa akin ‘yon, kahit man sabihin na kakabata ko siya at kahit ano mang pilit na gusto kong itatak sa utak ko na siya ay hindi ibang tao, hindi ko pa rin mapigilan isipin na hindi siya ang bestfriend ko.
Ewan ko ba. Andami kong satsat. In short, naninibago pa rin ako hanggang ngayon.
Kung sana sa unang pagkikita niya pa lang ay sinabi na niya sa akin, edi siguro sobrang close na kami!
“Does he need you?”
Pinagpatuloy ko lamang ang pagwalis.
“Hindi naman,” matipid kong wika.
“So what brought him here?”
Interesado yarn? Hindi ko alam na mag pagkachismoso rin pala ‘to.
“He came here to ask for forgiveness,” sagot ko. In fairness, english ‘yan ha. Naiimuwensyahan na talaga ako nila.
“Forgiveness?? For what?”
Aba talagang may follow up question pa!
Sasagotin ko ba?
Sagotin ko na lang at baka hindi niya pa ako tatatantanan.
“Kasi pinaalis niya ako sa trabaho-“
“Pinaalis?! The hell?!”
Gulat akong napatingin sa kaniya. Wow grabe makareact ah? Parang siya pinaalis. Shock yarn?
“Seriously? And why did he do that? So he came here to get you back? The audacity of him!”
Sigh!
Mas madaling follow up question natuloy.
“Yes totoo, pero huwag ka mag-alala kasi kasalanan ko naman, at kung tatanongin mo ay masyado na personal. Kaya chill ka lang, okay? Valid naman ‘yong reason niya sa pagpapaalis sa akin. Saka isa pa, nagsorry na siya. Ang sabi, hindi niya sinasadya. Goods na ako roon.”
“Pero—“
“Op, no buts!” Sabi ko sa kaniya nang magtigil na rin siya.
Ayaw ko na pag-usapan pa dahil nasasaktan lang ako. Panibagong sama ng loob na naman ang naipon ko sa kaniya dahil umuwi siya nang wala man lang paalam sa akin. Sabagay, sino ba naman ako para magpaalam siya diba? Siguro nga nagpunta lang talaga siya dito para humingi ng tawad at pagkatapos no’n ay ichapwera na naman ulit ako.
Hindi na nagsalita pa si Rako at mas pinili niya na lang na tulongan ako. Napagdesisyonan na rin namin na maglibot dahil pagsabi ng hapon ay kailangan na niyang umuwi para may byaheng dagat pa, since nasa bayan ang bahay nila.
“Naalala mo ba ito? Dito ka nahulog dati kasi gustong-gusto mo talagang kumain ng indianmango ‘e!” Aniya na natatawa.
Bigla naman nag flashback sa akin ang memoryang iyon kaya natawa na lamang din ako.
“Ikaw nga ‘e hinabol ng bubuyog kasi ang honey naman nila pinunterya mo! Kaya ang ending ayon na hospital at insant chubby cheeks!” Banat ko rin sa kaniya at tumawa kaming dalawa.
Napaupo kami sa gitna ng gubat dahil napagod na kami kakalibot. Sakto, ilang araw na ako rito ay ngayon pa lamang ako nakapaglibot. Nakakamiss din pala kahit papaano, kahit na sa sobrang ikli ng oras na pagkawala ko rito, ramdam ko pa rin na napakatagal na no’n. Matagal dahil may nagugustohan na nga ako. Kilala ko pa naman sarili ko, kailanman ay hindi ako madaling maattach at magkaroon ng feelings sa tawo, pero ewan ko ba kung bakit si Dane ay iba. It feels like something is pulling me to him. I feel safe and warm whenever I am with him.
“Am I part of your thoughts?”
Napatingin ako kay Rako na kasalukuyan tumitingin sa mga punong gumagalaw.
“Oo naman??? Bakit?” Hindi ko na napigilan maging curious.
I saw in my peripheral eyes on how he shook his head disgustingly.
“Nothing.”
Pagkatapos no’n ay hindi na kami nag-usap at tanging hinihintay na lamang namin ang paglaot.
Okay lang naman sa akin ang tahimik.
Sa totoo lang, ito talaga ‘yong gusto kong tahimik.
Tahimik lang, pero hindi awkward.
It’s just feel like both of you are just giving a chance to dig deeper or to know better yourself.
Kaya ito ‘yong gusto kong lugar ‘e, tahimik lang at tanging mga dahon na nadadala lamang sa simoy ng hangin.
Kaya kung sino man magiging jowa ko, he shouldn’t be worried about being silent for I love being in silence too.