"'Tay, hindi ko nga po boyfriend si Rako."
Napakamot na lamang ako ng ulo dahil ayaw maniwala sa amin ni itay. Alam ko na makakalimot siya pero hindi ko alam na may ganito siyang maalala 'e never pa nga kami naging magkaasintahan.
"Ano ba pinagsasabi niyo sa akin? Hindi ba sinumpa niyo 'yan sa harap ko?"
Kumunot ang noo ko. Nang tinignan ko si Rako ay blanko lamang nakatingin kay itay kaya mas lalong kumunot noo ko. Bakit mukhang hindi naman siya bothered? Hello! Hindi naman 'yan totoo.
"Ikaw, Keisha ha. Ginagawa mo naman akong sinungaling," nagtatampong sabi nito.
"'Tay hindi naman po-"
"Ewan. Huwag mo akong kausapin. Sinungaling ako sa'yo 'e kahit naman totoo ang sinabi ko." Tinalikoran niya ako at lumayo sa akin. Naiwan kami ni Rako sa sala nang kaming dalawa lang dahil lumabas muna si Dane kanina. Hindi ko nga rin alam kung nagtatampo rin ba 'yon dahil base sa mukhang pinakita niya kanina ay hindi niya nagustohan ang narinig niya.
"Paano ko ba maiipaliwanag 'to kay itay?"
Stress kong sabi.
"Hayaan mo na muna, alam mo naman ang sitwasyon niya."
Napabuntong hininga na lamang ako. Iniisip ko lang naman si Dane, baka masaktan 'yon.
"Bakit niya ba kasi naisip 'yon out of a sudden? Wala naman tayong history na gano'n."
"I think.." napahinto siya. "I think it's because of our pinky promise when we were young."
"Ha?" awtomatikong napasagot ako sa sinabi niya. Ano pinagsasabi nito?
He looked at me straight in the eyes.
"Listen, I know hindi mo na naalala, even me- I don't remember this, but because your dad said earlier na nagsumpa tayo sa harap niya, that part of our memories came back in my head. I remembered that we used to tell him na tayo pa rin hanggang sa huli, na tayo ang magpapakasal, na boyfriend mo ako at girlfriend kita." seryoso ang mga mata nito.
Umiling ako kasi hindi ko na matandaan ang part na 'yan.
"Sorry, wala akong matandaan an gano'n."
Tumango na lamang siya sa akin at ngumiti nang mapakla.
"It's fine." bakas sa boses nito ang pagkalungkot.
"At isa pa, bata pa naman tayo no'n. Kaya sana, tulongan mo ako ha? Na sabihin kay itay na noon 'yon, at hindi na ngayon. Nag-iba na ang panahon."
"Mahal mo na siya?"
Natigilan ako sa tanong niya.
"Si Dane. Mahal mo na siya, 'no?"
Kumabog nang malakas ang puso ko. Hindi ako makasagot.
"B-bakit naman nasama si Dane sa usapan natin?" Pag-iiba ko ng usapan dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niya. At totoo naman, bakit naman nandito si Dane 'e ang topic namin ay 'yong nangyari sa nakaraan.
"Just answer me. Do you love him?"
Umiwas ako ng tingin at nilagpasan siya. Naiinis ako. Bakit gusto niyang malaman?
"Hindi si Dane ang pinag-uusapan natin ngayon, kaya please lang. Magfocus na lamang tayo sa gagawin natin para malaman ni itay ang totoo, okay?"
Humarap ako sa kaniya. Nananatili lamang itong nakatalikod sa akin at ilang minuto pa ay napabuntong hininga na lamang ito.
"Okay. Paano kung ayaw niya maniwala sa atin?"
"Edi, convince pa rin natin. Ngayon lang naman 'yan siguro, baka kapag bumalik alaala niya ay malalaman niyang nangyari pa 'yon noon."
Nang magtama ang aming mga mata ay umiwas ako. "Oh siya. Salamat. Maglalaba muna ako." saka ko siya nilagpasan at pumasok sa kwarto ko.
Isinara ko ang pinto at napasandal dito. Napahawak ako sa dibdib ko nang isipin ang tinanong niya.
Mahal ko raw si Dane?
Bakit? Halata ba?
Hindi ko naman itinanggi sa sarili ko na gusto ko si Dane, pero 'yong mahal, mahal na nga ba talaga?
Kahit ako mismo sa sarili ko ay hindi alam ang sagot. Hindi ako sigurado 'e.
Nagpahinga lang ako ng sandali sa kwarto ko para kumalma at maiwasan si Rako. Saka ko kinuha ang mga labahan ko at pumasok sa kwarto ni itay. Nakatulog na pala siya. Isa rin kasi sa side effects ng kaniyang gamot ay pagkatulog. Kinuha ko na ang mga labahan saka lumabas na. Mabuti naman na wala na si Rako o si Dane nang makagalaw naman ako sa bahay. Naglaba lang ako, at nang gabi ay nagtrabaho na.
Same routine lang palagi hanggang sa naging isang buwan na. Masaya ako dahil bumubuti na ang lagay ni itay. Hindi na rin siya nakakalimot, at kung meron man ay isang beses lg sang sa isang araw, tapos minsan ay wala na talaga. Nang nagpacheck up kami ay sabi ng doctor ay effective sa kaniya ang gamot, ang kaso ay hindi na mawawala ang sakit ni itay dahil walang cure ang sakit na dementia. Ang gamot at maintenance niya lang ang tumutulong sa kaniya para maibsan kahit papaano ang mga symptoms.
"Palengke lang po ako 'tay," pagpapa-alam ko sa kaniya. Tumango naman ito at sinuot ang tsinelas.
"Sige, sa bukid lang ako, babalik din ako."
Nagmano na ako kay itay at hinayaan siyang lumabas. Dahil nga bumubuti ang lagay ni itay ay hindi ko naman siya pinaghigpitan. Baka kasi magkaroon siya ng sama ng loob sa akin, at isa pa, bago ko siya pinapayagan lumabas ay pinagawan ko na siya ng ID niya kung saan nakalagay ang kompletong pangalan, edad, at exact location niya ng bahay at ng baranggay. Dito lang naman si itay, at malait lamang na baryo ito kumpara sa bayan. And kilala siya ng lahat dito, kaya sobrang laki ng tiwala ko sa kaniya.
Bumili lamang ako ng mga kakailanganin namin sa susunod na buwan. Nang makauwi ay nakita ko si Dane sa bakuran namin na may dalang boquet at chocolates. Napangiti na lamang ako habang iniisip kung gaano siya ka consistent sa akin. Isang buwan na panliligaw niya at ni-isang araw ay hindi niya ako binigo, habang patagal nang patagal pa nga ay mas lalo akong na-attract sa kaniya.
"Hey love-- I mean, Keish." Tumaas kilay ko.
"Aba, bakit ka na naman nandito?" tanong ko sa kaniya. Ibinigay niya sa akin ang bulaklak at nilapag ang ilang paper bags saka kinuha mga pinambili ko. Bali nag-exchange lang kami ng hinahawakan.
"Are you still surprised? Palagi naman ako nandito."
Pumasok kami sa bahay nang hindi nawala ang mga ngiti ko sa labi.
"Yes, pero ang ibig kong sabihin 'e, hindi ba 'yan makakaapekto sa trabaho mo? Nako Dane ha, huwag kana mag-alibi sa akin, naging secretary mo ako at alam ko kung gaano kadami mga meeting mo palagi."
"Chill," he chuckled.
Nilapag niya sa lamisa ang mga groceries ko.
"And you know me, I always make sure that I get my things done before anything else." Tumango ako na parang bilib na bilib sa kaniya dahil alam niya ang priority niya. Nang biglang nagsalita ito ulit.
"But you are not anything else, dahil mas higit ka doon, soooo..."
"So?"
"Hindi pa ako tapos." Sinamaan ko siya ng tingin kaagad.
"Shuta ka! Kapag bumagsak ang kompanya niyo dahil iba-iba ang inuuna mo, sinasabi ko sa'yo, maghihirap talaga kayo."
"Okay lang, ako nga bumagsak na sa'yo e."
Gulat akong napatingin sa tingin. Nakangiti ito na para bang hindi corny at cheezy lines ang kaniyang binitawa.
"Mahirap nga.. mahirap na makaahon kapag ganito na kalalim ang bagsak ko sa'yo." Then, he chuckled that made me chuckle also.
"HOY! Okay ka lang? Ano kinain mo?" natatawa kong tanong kasi sobrang weird niya today ha. Hindi pa naman siya mahilig mag pick up lines o hugot. Ni ayaw niya nga ako kausapin noon 'e tapos ngayon gumaganito na siya? Jusko naman! Iba talaga kapag inlove mga lalaki, nagiging badoy. I mean, siya lang. Siya lang.
"I' m fine. I just heard it somewhere."
Psh! Sabi ko na nga ba 'e.