Pawis na pawis at bahagya pang hinhingal,
Napakapit nalang si Yuri sa kanyang dibdib at napabangon sa kanyang kama.
“No!”
Sigaw nito sa takot na tono.
Bigla namang nagising si Brix at napabangon mula sa kanyang tabi.
“Hon? You’re alright?”
Pag-aalala ng lalaki.
“Brix?”
Napatulala nalang si Yuri at mariing tinitigan ang kasintahan.
“What’s bothering you at this moment?”
Tanong uli ng lalaki.
Napailing nalang si Yuri at napahawak sa kanyang tiyan.
“Nothing, It was just a bad dream. Let’s just go back to sleep.”
Mahinang sambit nito.
...........
Maagang nagsimula ang araw ng mga magkakaibigan.
Pagkatapos kumain ng agahan ay agad namang dumayo sa talyer si Delo upang masuri ang nasira nilang sasakyan.
“It’s nice to know that it’s working now. Kung hindi baka hindi na kami makauwi.”
Masayang sambit nito.
Bigla ay nagtaka naman ito ng binalingan siya ng tingin ng lalaking nag-aayos ng kanilang sasakyan.
“Dalawang araw mula ngayong ay piyesta na sa baryo, Sigurado akong may inihandang surpresa na naman si pinunong Casandra para sa buong lahi.”
Sambit ng may edad na lalaki.
Napakunot noo naman si Delo at napatigil.
“Lahi?”
Bigla ay napatigil naman ang lalaki at biglang binago ang usapan.
“Ang ibig kong sabihin, kaming mga taga baryo, Masiyadong liblib ang lugar na to, kaya kahit ang munisipyo ay hindi itinuturing ang lugar na ito bilang isa sa kanilang mga barangay. Kaya si Casandra ang napili nang lahat upang mamuno sa amin kahit paano ay kailangan din namin ng pakiki-isa at pagtutulungan upang makaraos sa araw-araw.”
Paliwanag naman ng lalaki.
Napatango naman si Delo bilang tugon.
“Ganun ba? We’ll it’s still an advantage. This place is all yours.”
Masiglang sambit ni Delo.
..............
Habang nagpapahangin ay masaya naman ang naging kwentuhan ng magkakaibigang sina Elena, Sandy at Yuri.
Habang abala si Sandy sa pag-lilinis ng kanyang camera ay bigla naman iyong napansin ni Elena.
“Bakit mo ba laging dala yang camera mo? Aren’t you tired seeing our faces everyday?”
Tanong ni Elena.
Napatawa nalang si Sandy at sumagot.
“You know dear, every moment deserves to be recorded. You don’t know what’s happening today maybe will matters the most for tomorrow”
Napatango nalang si Elena at napailing.
“Anyway Elena, how’s your night? I hope nakatulog ka na ng maayos.”
Tanong ni Sandy.
“Yeah, sorry for acting so weird last night. I get use to it, tama ka we should enjoy this trip.”
Sagot ni Elena na napangiti pa.
“It’s okay, just have some fun, free your mind.”
Nakangiting bigkas ni Sandy.
“Anyway, after graduation mag-aaply ako bilang anchor, just like my dad gusto kong maging kasing husay niya, I’ll be a great and famous news anchor in the country, how about you girls, any plans?”
Nakangiting tanong ni Sandy.
“Ako, It all depends upon the situations, siguro I’ll do the same thing, you know thinking about it makes me feel like, I wasn’t ready yet, for sure ma-mimiss ko kayo.”
Sambit naman ni Elena.
“Oh, that’s so sweet.”
Sabi naman ni Sandy na napayakap pa kay Elena na nasa tabi lang nito.
“How abou you Yuri? Kanina ka pa ata tahimik.”
Tanong naman ni Sandy nang mapansin ang pananahimik ng kaibigan.
“Ako?”
Tanong ni Yuri na tila biglang nagising ang diwa.
“After graduation maybe I’ll be a plain housewife, I’ll stay in our house; I’ll be having a quality time with my kid while waiting for Brix to come home.”
Sambit naman ni Yuri na tila malalim ang iniisip.
“So you are going to finish your degree for that?”
Nagtatakang tanong naman ni Sandy.
“Not really, I have dreams too. Pero as of now uunahin ko muna yung pamilya ko, Ganoon talaga siguro, when you are about to become a parent mababago at mababago ang mga priorities mo.”
Nakangiting sabi ni Yuri na humarap pa sa mga kaibigan.
Bigla namang nagkatinginan sina Sandy at Elena at nagtaka.
“You’re becoming what?”
Nakakunot noong tanong ni Elena.
Bigla namang napatigil si Yuri at hinimas ang kanyang tiyan.
“I’ll be a mom soon.”
Masiglang sabi nito.
“Oh my god! For real?”
Gulat na sabi ni Sandy.
Napatango nalang si Yuri bilang tugon.
Sa labis na galak napayakap nalang sila sa isat-isa.
....................
Pagkalipas ng gabi ay naisipan naman ni Elena ang maglakad-lakad sa labasan.
Pinakiramdaman niya ang malamig na simoy ng hangin habang patuloy lang sa paglalakad.
Makalipas anng ilang sandali ay napatigil nalang ito nang maramdaman ang ilang mga kaluskos na tila mula sa mga makakapal na puno at damo hindi kalayuan mula sa kanya.
Pilit iyong binalewala ni Elena hanggang sa nagpatuloy ang lakas ng mga kaluskos.
Sa pagkakataong iyon ay naisipan nalang niya na bumalik na sa loob ng gusali.
Ngunit bago pa man iyon ay nanlaki nalang ang kanyang mga mata nang makita ang isang kulay itim na aso, malaki ang katawan nito at tila ba ay hindi ordinaryo para sa isang normal na hayop.
Napatigil nalang si Elena at napaatras.
Nanginig ang tuhod nito at pinakiramdaman ang lalim ng kanyang hininga, habang ang mga mata ay nakatitig sa naglalaway na hayop.
Dahan-dahan namang lumapit ang aso, nakalabas ang pangil nito at mistulang ano mang oras ay lalakmain na siya.
Naramdaman nalang ni Elena ang bilis ng kanyang hininga habang patuloy lang ang paglapit ng aso sa kinatatayuan nito.
“Errr.”
Nanlaki naman bigla ang kanyang mga mata nang biglang tumalon ang aso sa kanya.
“Ahh!”
Napahiga pa siya sa lupa habang pilit na nagpupumiglas upang hindi makagat ng nasabing hayop.
Agad namang nahagip ng mga pangil ng hayop ang suot niyang palda at bahagya pang napunit iyon.
Pilit siyang nagpumiglas hanggang sa Ilang saglit pa ay napatigil naman ito nang biglang hawiin ng isang lalaki ang aso at tumilapon pa iyon sa hindi kalayuan.
“Ahh!”
Napahinga naman ng malalim si Elena at pinagmasdan ang aso na sa oras na iyon ay tumatakbo na palayo sa ibang dereksyon.
Maya-maya pa ay nabaling naman ang atensyon nito sa lalaking nasa kanayang harapan, matangkad iyon at bahagya pang natatakpan ng mahaba nitong buhok ang mukha nito
Bahagya pang napaatras si Elena nang mapansin ang itrtak na hawak ng lalaki, dugan ang kanyang mukha pati na rin ang kasuotan nito.
“Si-sino ka?”
Nanginginig na tanong ni Elena
Napako naman ang tingin ng lalaki sa kanyang mukha na mistula ba ay sinusuri iyon.
“I’m asking you! Sino ka!”
Sigaw ni Elena sa nasisindak na boses.
Hindi naman umimik ang lalaki bagkos ay nanlisik nalang ang mga mata nito, hanggang sa dahan-dahan niyang itinaas ang hawak niyang itak.
“Ahhh!”
Bigla ay napasigaw nalang si Elena sa labis na takot.