Chapter 2

1447 Words
Bumulaga sa harapan ng mga magkakaibigan ang isang malaking bakod sa gitna ng kagubatan. Halos kalahating oras din silang naglakad upang marating ang Villa Casandra. “Ipagpaumanhin ninyo ang mga naganap kanina, halina na kayo at nakahanda na hapunan.” Pormal na sambit ng may edad na babae. “Finally before I lose my lungs nakarating na din tayo. Ano nga pala ang pangalan ninyo?” Tanong ni Brix. Bigla namang humarap ang babae at sumagot. “Delia, ako ang tagapamahala sa buong Villa. Ipagpaumanhin niyo na ang nangyari sa inyong sasakyan, hayaan niyo at ipapadala ko iyon sa pagawaan bukas na bukas din” Nakangiting sambit naman ng babae. “This is so creepy and uncomfortable, are sure this is the place?” Pabulong na sabi naman ni Delo kay Sandy. “Yeah, pwede ba, It’s early too to judge, hindi pa nga tayo nakakapasok di ba?.” Naiiritang tugon naman ni Sandy. “It’s not the place that I expected it to be.” Sabi ni Delo na napailing pa. Pagkabukas ng gate ay isang malawak na daanan naman ang bumungad sa kanila patungo sa isang malaki at may kalumaan nang gusali na maihahantulad sa mga hotel noong unang panahon. Ngunit kahit luma na ay kapansin-pansin naman ang ganda nang nasabing lugar mula sa kanilang kinatatayuan. ...................... Sa loob ng gusali ay kapansin-pansin naman ang lawak ng espasyo at puno ng mga palamuting antigo. Bakas naman sa mukha ng mga magkakaibigan ang pagkamangha nang masilayan na ang loob ng gusali. “It looks like a first class hotel, well from the outside akala ko talaga para siyang haunted house but the real treasure is here, wonderful.” Masayang sabi naman ni Yuri. “I told you.” Sabat naman ni Sandy na siniko pa si Delo. “Nasa ikalawang palapag ang mga silid, wala kaming ibang bisita kaya pwede kayong mamili kung saan niyo gustong matulog, ang kainan naman ay nasa dulong bahagi ng unang palapag, pwede na kayong bumaba kapag naayos niyo na ang mga gamit niyo.” Pormal na salaysay naman ni Delia. “Thanks Delia, anyway maganda ang lugar, sadly no one’s there aside from us. You should introduce it to public for sure it’ll be a good venture.” Sambit ni Sandy. “Bahay ito ni Casandra at itinuturing itong paraiso ng aming taga baryo. Kaya sa abot ng makakaya niya ay gusto niyang panatilihing pribado ang lugar. Matagal na panahon na noong dito nanirahan ang halos lahat ng taga baryo sa gusaling ito. Hanggang sa mabili ni Casandra ang ang katabing mga lupain na siya ngayong tinutuluyan ng aming mga kabaro” Paliwanag naman ni Delia. “I see, we are so grateful na naimbitahan kami ni Casandra dito, this place is so historic, anyway where is she now? Alam niya bang darating kami?” Tanong uli ni Sandy. Napangiti naman si Delia at tumugon. “Oo, pero sa makalawa pa ang dating niya galing Maynila, kaya ako muna ang inatasan niyang mag-asikaso sa inyo.” Napatango nalang si Sandy bilang pagtugon. …………… Habang abala sa pag-aayos ng gamit ay napatigil naman si Sandy nang mapansin na balisa parin ang kaibigan nitong si Elena. Agad naman itong napatigil at nilapitan iyon. “Hey, what’s the matter. Iniisip mo parin ba yung panaginip mo?” Nag-aalalang tanong naman ni Sandy. “Si Casandra, paano mo siya nakilala?” Napakunot noo naman si Sandy at bahagyang nagtaka. “Why did you ask? Anyway she was my school mate way back in high school years. She was few years ahead kaya nung nagtapos siya nawalan kami ng contact. Until we met again at the convention few months ago. “ Napailing nalang si Elena at napatulala. “Elena you have to calm yourself, don’t forget why we’re here.” Giit ni Sandy. “I can’t trust her nor this place, ewan ko Sandy but looking back what happened earlier noong pinapalibutan tayo ng mga kabaryo nila, Isn’t it felt weird? “ Nangangambang sabi uli ni Elena. Napayuko nalang si Sandy at biglang bumakas ang pagkadismaya sa mukha. “Just give this place a chance El, for the sake of your friends na gustong sumaya kahit papaano.” Sambit nito sabay tinalikuran na rin ang kaibigan. ........... Halos maghahating gabi na ng magtipon-tipon ang mga magkakaibigan para sa hapunan. “Hello guys, Did you know that there is an existing paradise in the middle of nowhere? Welcome to the Villa Cassandra and experience the luxury, the freshness and of course the foods! So As you can see on the table we have this native dishes like grilled fish, pork dinuguan, barbeque and a lot more! Tara kain tayo.” Bigla namang napatigil si Sandy nang maramdaman ang kamay ni Brix sa kanyang balikat. “Pwede ba Sandy tigil-tigilan mo muna yang pagiging blogger mo. Mapapanis na yung pagkain.” Nang-aasar na sambit ni Brix. Napasimangot naman si Sandy at ibinaba ang hawak niyang camera. “Fine, Kill joy!.” Sabay-sabay namang nagsitawanan ang lahat habang nakatingin sa kinauupuan ni Sandy. Habang sarap na sarap sa kanilang pagkain ay nagulat naman ang lahat ng biglang tumayo si Yuri sa kanyang kinauupuan. Putlang-putla ang mukha nito, Napatakip pa ito ng bibig na tila ba ay naduduwal. “Babe are you okay?” Pag-aalala ni Brix. “Yeah, I just need to go the rest room.” Maya-maya pa ay patakbo na itong tumungo sa banyo. “Too bad, she hadn’t enjoyed it.” Sambit naman ni Delo sabay hinigop ang mainit na sabaw ng dinuguan sa kanyang plato. ………….. Ilang minuto nang nasa labas ng pintuan si Elena hindi parin maalis sa isip nito ang pag-aalala para sa kaibigang si Yuri. Nang makalabas ng banyo ay kapansin –pansin ang mapapawis at pamumutla ng mukha nito. “Yuri okay ka na ba?” Tanong nito nang makita ang kaibigan. “Yeah, sorry to make you worry, maybe I was just really tired, paki sabi nalang kay Brix mauuna na ako sa kwarto.” Mahinahong sambit ni Yuri. Napatango nalang si Elena bilang tugon. .............. Pagkatapos ng hapunan ay agad namang dumeretso sa pool area ang mga magkakaibigan maliban kay Yuri. Masayang naligo ang ilan sa mga ito sa malamig na tubig habang ang iba naman ay nasa gilid lang at piniling uminom nalang nang alak. “Eight hours drive is worth it! Let’s party!” Sigaw ni Delo habang itinataas pa ang baso nang alak na hawak nito. “Whooo!” Agad namang umindak ang lahat sa saliw ng malakas na musika. Hanggang sa hindi na nila napansin ang pagtakbo ng mga oras. ............... Ramdam na ramdam naman ni Yuri ang panghihina ng sariling katawan. Habang nahihimbing sa kanyang pagtulog ay naramdaman nalang nito ang mahihinang hakbang na tila nagmumula sa pintuan ng kanilang silid. “Brix? Ikaw na ba yan?” Sambit nito habang nakapikit parin ang mga mata. Walang tugon na nakuha si Yuri bagkos ay hindi na niya iyon ininda dahil sa labis na antok. Maya-maya lang ay naramdaman nalang nito ang isang malamig na palad na unti-unting gumagapang mula sa kanyang tiyan. “Brix, stop it. I really need to sleep okay..” Mahinang sambit nito habang hinahawi ang malamig na kamay na humahaplos sa kanyang tiyan. Ngunit patuloy patuloy parin iyon, hanggang sa nakaramdaman na ito ng pagkairita. “Brix, how many times do I have to tell you to..” Bigla ay nanlaki nalang ang mga mata ni Yuri nang makita ang isang lalaki na kasalukuyang nakahiga sa tabi niya. Itim ang balat nito at mapupula ang mga mata, basa ang labi nito at tila ba ay naglalaway pa. “Ahhhh! Sin-sino ka?” Sigaw nito na napatalon at napatayo sa kanyang kama. Hindi naman tumugon ang lalaki bagkos ay nanlisik nalang ang mga mata nito at dahan-dahang bumangon din sa kama at gumapang sa sahig. Tila napako naman ang mga paa ni Yuri sa sahig, gusto niyang tumakbo pero hindi niya magawa. Gusto niyang sumigaw ngunit tila ba ay walang boses na lumalabas mula sa kanyang bibig. Maya-maya pa ay nagulat nalang ito ng biglang nakalapit ang lalaki at tumayo sa harapan niya. Ibinuka ng lalaki ang kanyang bibig at inilabas ang kanyang dila. Unti-unting humahaba iyon at naglakbay patungo sa tiyan ni Yuri. Dahan-dahang gumapang ang malagkit na dila ng lalaki sa kanyang tiyan hanggang sa pumasok iyon sa kanyang pusod. Nakaramdaman nalang ng panghihina si Yuri at paninilim ng paningin hanggang sa tuluyan na itong nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD