Chapter 1

1520 Words
Kasalukuyang nasa biyahe ang magkakaibigang sina Sandy, Delo, Brix, Yuri at Elena. sila ay patungo sa isang liblib na water falls resort na matatagpuan sa isang hindi kilalang probinsya. Masayang nagkukwentuhan ang mga magkakaibigan, habang pinag uusapan ang nalalapit nilang graduation. At Isang maliit na selebrasyon ang binabalak nila upang ipagbunyi ang kanilang labis na kasiyahan. "Finally it's time to free your minds, future journalists!" Sigaw ni Brix sa masiglang tono. "Wait until we get to the resort okay? Delo nasan na ba tayo?" Pag-aalala naman ni Sandy. Napakamot naman ng ulo si Delo ng mapansin na tila mali ang direksyon na pinupuntahan nila. Napatingin naman dito si Sandy na nakakaramdam narin ng kakaibang kaba. “Kanina pa tayo, were suppose to be in the the resort right now.” Tensyonadong tugon nito. “Just calm down, were all not familar with this place, for sure makakarating din tayo dun” Pilit namang pinapakalma ni Delo ang kaibigan habang sinusuri ang mapa na dala nito. ........ Napakapit naman si Yuri sa braso ng kasintahang si Brix. Dahan-dahan nitong pinikit ang kanyang mga mata at isinandal ang ulo sa balikat ng lalaki. “Feeling tired already?” Pag-aalala ni Brix “It’s a long ride.” Malumanay na tugon naman ni Yuri. “Just rest,malapit na tayo” Malamyang sagot ni Brix. Bigla namang napansin ni Yuri tatoo sa braso ng kasintahan. Bahagya niyang itinaas ang sleeve ni Brix upang makita iyon at ng makita niya iyon ay bigla nalang itong napangiti. “My name? How come I didn't notice it?" Masayang sabi ni Yuri. “Surprise, Tattoo is forever, I put your name there so I can be with you wherever I am." Nakangiting sabi ni Brix. Sa labis na tuwa ay napayakap nalang si Yuri sa kasintahan at hinalikan ito sa pisngi. "Thanks Hon." Tugon nito. ..................... “ Hey, Elena wake up!!” Biglang nagising si Elena mula sa mahimbing na pagkakatulog at sa pagmulat nito ay bakas na bakas sa mukha nito ang pagkabahala. “Anong ginagawa ko dito? Where are we heading?” Pagtataka ni Elena na isa-isang pang tiningan ang mga kaibigan. Bigla namang nagsitawanan ang mga kaibigan nito at binigyan siya ng nakakalokong tingin. “We’re having our Graduation trip remember? matulog ka na nga lang ulit at mukhang stress ka pa.” Malambing na sabi ni Sandy. Pilit namang inaalala ni Elena ang mga nangyari at napailing naalang ng maisip iyon. “Are we going to that Villa?” Tensyonadong tanong nito. Mabilis namang humarap si Sandy at napangiti nalang. “Of course dear.” Tipid na sagot nito. Napakamot naman ng ulo si Elena at muling bumakas sa mukha nito ang pag-aalala. Bigla nalang pinagmasdan ni Elena ang paligid mula sa bintana ng sasakyan, hanggang sa napailing nalang ito at napasigaw. “Stop the car!” Napakunot noo naman si Sandy at tiningnan ng mariin ang kaibigan. “What? Elena are sure you’re alright?” Pag-aalala nito. “I said stop the car! Bumalik na tayo.” Sigaw ni Elena na bakas na sa mukha ang takot. “We’re almost there. Ano bang nangyayari sayo Elena?” Tanong naman ni Brix na nasa likurang bahagi ng sasakyan. “We can’t go there, please bumalik na tayo.” Sagot naman ni Elena. “Hindi namin naiintindihan, just tell us us what’s going on?” Tanong naman ni Yuri na nag-aalala na rin. Ilang sandali pa ay napasigaw naman ang lahat nang biglang pumpreno ang kanilang sinasakyan. “Ahhh.” Napatigil naman ang lahat at pinakiramdaman ang buong paligid. “Come on Del, Thanks God we’re still alive.” Naiiritang sambit ni Brix . . Hindi naman iyon ininda ni Delo bagkos ay napatawa pa ng malakas. “Well, well, well. After almost forever, we’re finally here.” Napatingin naman bigla ang lahat sa labasan. Ilang saglit pa ay napatigil naman si Elena at muling namayani ang takot sa kanyang isip. “This isn’t happening.” Nangangambang sabi nito sa kanyang sarili. Maya-maya pa ay mabilis namang binuksan ni Delo ang pintuan nang sasakyan at humarap sa mga kaibigan. “Guys, here we are, welcome to the land of nowhere. Maligayang pagdating sa BARYO.” Nakangiting sabi nito. …………… Matapos ang mahabang biyahe ay narating narin nila ang liblib na baryo na kung saan tanging ilaw lang mula sa buwan ang nagsisilbing liwanag sa buong paligid. Mabato ang kanilang dinadaan at iilang mga bahay lamang ang kanilang napansin, halos alas otso na ng gabi at sa pagkakataong iyon ay wala na ni isang tao ang lumalabas sa kani-kanilang mga tirahan. “Creepy, where are the people?” Mahinang bigkas ni Yuri. “You know we can’t go back right? we’ve been on the road the whole day sayang naman.” Sambit naman ni Delo na patuloy lang sa pagmamaneho. ………………… Bigla namang hinawakan ni Sandy ang kamay ng kaibigang si Elena nang mapansin nito na tila aligaga parin ang kaibigan. “El, relax, you’ll get be better soon, Malapit na tayo okay.” Kalmadong sambit ni Sandy. Dahan-dahan namang humarap si Elena sa kaibigan at tiningnan ito ng mariin. “My nightmares were never gone wrong.” Nanginginig na sambit ni Elena. Napakunot noo naman si Sandy at bumakas na din ang pangamba sa mukha. “Nightmares? Anong ibig mong sabihin?” Nangangambang tanong nito. “It was exactly the same place, you were there, kayong lahat and we’re all end up dead.” Seryosong sabi ni Elena. Napailing nalang si Sandy at pinagmasdan ang takot na takot na mukha ng kaibigan. “El, It’s all in your head, we’re here to have fun and nothing else matters. Just think about that.” Tugon naman ni Sandy na pilit naman pinapakalma ang tono ng boses. ……………. Ilang minuto pa ang lumipas ay itinigil naman ni Delo ang kanilang sasakyan nang mapansin ang isang bahay kubo na may ilaw at ilang mga residenteng nakatambay na tila ba ay nagkakasiyahan doon. “Well this place isn’t a ghost town after all.” Agad namang nabaling ang tingin ng lahat sa bintana at napansin ang ang ilang mga kalalakihan na mistulang nag-iinuman. Bigla ay napatingin nalang ang mga iyon sa kanilang sasakyan. Maya-maya pa ay nagulat nalang sila ng unti-unting lumapit ang mga iyon ang ilan ay may dala pang itak at pang-taga. Dahan-dahan ang kanilang mga hakbang. Walang bakas ng kahit anong emosyon sa kanilang mga mukha. “What’s the matter with this people?” Sambit ni Sandy. Dahan-dahan namang binuksan ni Delo ang bintana at buong lakas na nagsalita. “Hel-hello magandang gabi po. Nawawala po kami, gusto lang sana naming magtanong, kung nasaan yung-” Hindi na naipagpatuloy pa ni Delo ang kanyang sasabihin nang maramdaman na unti-unti na silang napapalibutan ng mga lalaking iyon. Mariin silang nakatingin hanggang sa maramdaman nalang nila ang malakas na pag-alog ng kanilang sasakyan. “Ahhhh!” Sabay silang nagulat sa ginawa ng mga lalaki. “Ano bang problema nila? They’re shaking our car!” Sigaw ni Sandy. “Del, just tell them to stop.” Sigaw naman ni Brix. Patuloy lang sa pagtulak at pag-alog ng kanilang sinasakyan ang mga lalaki. Binutas din ang kanilang gulong gamit ang mga itak na dala-dala ng mga ito at marahan pang hinampas ang bintana ng kanilang sinasakyan. “What are your problems freaks?!” Sigaw ni Yuri na bakas na ang takot sa mukha. “Please, stop it. We don’t mean any harm okay!” Tensyonadong sigaw ni Delo. Maya-maya ay isang babae naman ang napansin nilang lumabas mula sa kubo. Napa-angat naman ng tingin ang mga lalaki at itinigil ang kanilang ginagawa. “Awat mga kabaryo. Hindi iyan ang tamang paraan sa pagharap sa mga panauhin.” Ma-awtoridad na sambit ng may edad na babae. Dahan-dahan lumapit ang babae sa sasakyan at sinuring maigi ang mukha ng mga nandoon. “Dayo? “ Agad itong lumapit sa may bintana na kung saan nandoon naka pwesto si Delo. Napayuko naman si Delo at hindi maiwasan ang makaramdam ng pangingilabot. “We’re just here for direction” Nanginginig na sabi nito. Sinuri ng babae ang paligid ng sasakyan at bahagya pang inamoy-amoy iyon, maya-maya pa ay napatigil nalang ito at hinarap ang kanyang mga kabaryo. “Mga kabaryo, dumating na ang mga dayo, oras na upang tayo’y magbunyi sa pagdating ng ang mga panauhin ng ating pinuno.” Mariing sambit ng babae. Napatigil naman ang mga lalaki hanggang sa unti-unti nilang binitawan ang mga hawak nilang pantaga. Napahinga naman ng malalim ang mga magkakaibigan. Ilang saglit pa ay napaharap naman sila sa babae na sa oras na iyon ay bakas na ngiti sa mukha. “Kanina ko pa kayo inaabangan, Maligayang pagdating mga dayo, Maligayang pagdating sa Baryo.” Misteryosong bigkas ng may edad na babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD