Chapter 1
COZY, pleasant and romantic ang ambiance ng restaurant na pinagdalhan sa kanya ni Mr. Efrain Laurenco-ang limampung taong gulang na negosyanteng nagmamay-ari ng vineyard plantation na pinagtatrabahuhan ng kanyang ama.
Dahil sa pakiusap ng ama niya ay nakipagkita siya ngayong gabi sa matandang lalaki, at hindi lang pagka-ilang ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. She felt a wave of unease, her discomfort heightened by his serious aura, despite the twenty five year age gap they had in each other.
"Jane," Efrain’s deep voice cut through the silence, drawing her attention. She met his gaze, her expression guarded as she waited for him to speak further.
"Natutuwa akong pinaunlakan mo ang pakikipagkita sa 'kin ngayong gabi. And I must apologize for for speaking your father. He's been a good friend of mine for decades. Malalim na ang pinagsamahan namin. Kaya hindi ko siya basta na lang maaaring bitawan bilang punong tagapangasiwa sa planta." pormal na wika ni Efrain.
Kasunod niyon ang pagdating ng dalawang waiter na may dalang carving trolley. Inihain sa kanilang mesa ang mga in-order na pagkain. Pagkatapos ay ibinigay naman sa kanya ang isang malaking palumpon na bulaklak.
Nabigla man ay malugod siyang nagpasalamat sa dalawang waiter, giving them a polite smile as she accepted the flowers. Her father's boss had struck her as both romantic and platonic. Nang magtayo si Efrain ng pundasyon para sa mga kapus-palad na makapag-aral sa kolehiyo, Jane had been one of the scholars. She had fulfilled her dream of becoming a teacher, and just three months ago, she had passed the board exam. Ngayon ay kasalukuyan nang guro sa isang pampublikong paaralan sa lugar nila sa Mountain Province.
It was her first time in such an upscale place, a restaurant typically frequented by the elite. Ang mga kristal na chandelier sa mataas na kisame ay nagbibigay ng malambot na liwanag sa buong silid, gayundin ang mga dekorasyon na nagpapahiwatig ng karangyaan. Mabuti na lang at bumagay sa kanya ang suot na pulang dress na nabili niya sa thrift shop, na ang eleganteng disenyo at matingkad na kulay ay lalong nagpalitaw sa kanyang likas na kagandahan.
Inamoy niya ang masarap na halimuyak ng mga bulaklak. Biglang naalala ang yumaong ina, si Gemma. Mahilig ito sa iba't ibang uri ng bulaklak. When she was a little girl, mayroong mga plantita ang ina niya sa maliit na espasyo sa kanilang bakuran. Malimit ay naroon ito upang magtanim at maglibang. But Gemma got sick with acute pneumonia, dalawang linggo itong na-confine sa hospital bago bawian ng buhay. Ang saad ng doktor ay matagal ng iniinda ng kanyang ina ang sakit nito pero sa kakapusan sa pera ay hindi nito nakuha pang magpagamot. Her garden, much like Jane’s heart, withered with her loss.
Her lips curved into a bittersweet smile, at hindi iyon nakaligtas sa paningin ng lalaking kaharap.
"You’ve always been a beautiful lady, Jane," hindi mapigilang puri ni Efrain habang nabibighaning nakatitig sa dalaga.
Umangat ang tingin niya tungo sa may-edad na lalaki. "Thank you, Mr. Efrain, but we’ve never met in person until tonight," she replied, a hint of suspicion lacing her words. Wala siyang natatandaan na nagkakilala na sila nito ng personal, ngayon pa lang ang unang beses.
Efrain smiled and nodded. "You’re right. This is indeed our first meeting in person. However, I’ve known about you for quite some time."
Her brow furrowed. "Known about me?"
"Yes," he continued, leaning slightly forward. "Madalas na ipinagmamalaki ka ng iyong ama. Lagi ka niyang nakukuwento sa 'kin, higit na kapag may mga parangal kang nakukuha sa eskuwelahan niyo. That time, I have always admired your dedication and hard work. You deserve all the good things in life, and I want to help you achieve them more."
His words left her momentarily speechless. She hadn’t realized how much the man knew about her.
Ilang sandali ang bumalot sa katahimikan bago ito binasag ni Efrain sa pamamagitan ng isang mahinang tawa. "What I mean is," he continued, carefully choosing his words, "I’m proud that you were one of the scholars in my program. That’s why I invited you tonight, to celebrate your success and offer a proposition. Batid mo naman siguro kung ano ang pag-uusapan natin, hindi ba?" he said discreetly.
Bigla niyang naalala ang usapan nila ng amang si Abel kamakailan sa ospital, nang bisitahin niya ang nakababatang kapatid na may dengue fever.
"Huwag ka nang mag-alala sa gastusin, anak. Si Mr. Efrain na ang bahala sa mga bayarin dito sa ospital, mula sa pagpapagaling ni Choy hanggang sa kanyang tuluyang paggaling."
Biglang umaliwalas ang mukha ni Jane nang marinig ang magandang balita mula sa kanyang ama. "Kung gayon, maraming salamat kay Mr. Efrain, Itay. Napakalaking tulong nito sa atin," aniya na puno ng pasasalamat. It was a tremendous relief for their family. Nagtataka na nga siya sa kabaitan ng amo ng kanyang ama kung bakit noon pa man ay laging handang tumulong sa kanila sa oras ng pangangailangan.
Napalitan ng pangangamba ang kanyang tuwa nang mapansin ang kawalan ng reaksyon ng kanyang ama. "Tay, bakit parang hindi ka masaya? May problema pa ba? Sabihin niyo sa 'kin."
Huminga nang malalim si Abel at seryosong tumingin sa kanya. "Jane, anak, Alam mo naman na malaki ang utang na loob natin kay Mr. Efrain dahil sa pagtulong niya sa pamilya natin. Nais kong sabihin sa iyo na ang lahat ng iyon ay matagal ng mayroong kasamang kondisyon."
"Kondisyon? Anong kondisyon?" Nag-aalalang tanong ni Jane.
Muling napabuntong-hininga si Abel. "Nais niyang maging bahagi ka ng buhay niya," sagot nito na bahagyang nanginginig ang tinig.
"Bahagi? Paano Itay? Ano'ng ibig ninyong sabihin?" naiiyak na tanong ni Jane.
"Nais ni Mr. Efrain na magpakasal kayo."
The shock had rendered her speechless. It was as if the world had stopped for a brief moment before reality set in.
"Tay, bakit?"
"Patawarin mo ako, anak." tanging naisambulat ng nagmamakaawang ama.
Problemadong nasabunutan niya ang buhok. Hindi niya alam kung paano tatanggapin ang biglang hamon na ito. Sa isang iglap, magbabago ang ikot ng buhay niya. Nasisimula pa lang siya sa oangarap niyang maging guro pero paano niya magagawa iyon? Paano niya pakikisamahan ang lalaking hindi niya kilala, sa kabila ng lahat ng tulong na ibinibigay nito sa kanilang pamilya?
"Pagod na 'ko sa kakaisip ng problema sa buhay, anak. Anong gusto mo? Hiwalayan ko ang Tita Doris mo at iwan ang mga kapatid mo?" balik na interogasyon ni Abel sa kanya, na tumagos sa kanyang puso. Naiintindihan niya ang kanyang ama, ngunit nararamdaman rin niya ang bigat ng hinihingi nito.
"Alam mong noon pa man ay mahirap na ang pamumuhay natin. Naging saksi ka, Jane. At bilang ama, mahirap para sa akin ang magtaguyod ng pamilya sa tulad kong dukha at walang edukasyon na grade two lang ang tinapos. Kaya, sana'y maunawaan mo ang sinasabi ko."
"Alam kong mahirap." patuloy ni Abel, puno ng hinagpis. "Ngunit ito ang matagal ng hinihiling ni Mr. Efrain. Sa iyo nakasalalay ang lahat para mabayaran ang utang na loob ng pamilya natin sa kanya."
Nang maalala niya iyon ay napailing siya.
This night to her was a huge dilution. Pinaunlakan niya ang imbitasyon ni Efrain na mag-dinner sa labas. Umaasang mababago niya ang hinihingi nitong kapalit. At gusto niyang makuha ng lalaki ahora mismo na hindi pa siya handa sa anumang sinabi nito sa ama.
And that's just it, no more, no less; subalit malinaw pa sa tubig na hindi ito tatanggap ng anumang pangangatwiran o' pagmamakaawa.
Matapos kumain ng dinner ay sinunod naman ang dessert. Inalis niya ang tingin sa lalaki at itinuon ang atensiyon sa inahin na cake. Hindi niya batid kung ano at para saan iyon?
"Para saan ang cake?" she asked.
"It's my birthday." he answered formally, quietly surprising her.
"Actually, I haven’t celebrated it in years. I didn't have any reason to celebrate, but lately, things feel different. I wanted to spend this night with the woman who has been on my mind and in my heart. Gusto kong baguhin ang nakagawian ko sa maraming taon." makahulugang saad nito.
"Mr. Efrain…" she began, but he interrupted her gently. Hindi nito binigyan ng pagkakataon na makapagsalita ang dalaga.
"You don’t have to decide tonight, Jane," sabi ni Efrain habang nakatingin nang diretso sa kanya. "I just want you to know how I feel. I have genuine feelings for you, and I believe we could build something special together." Inilibas nito ang isang itim na kahon sa harap niya. And she gasps in surprised nang makita ang isang engagement solitaire diamond ring. Sa gitna niyon ay isang diyamanteng bato na mayroong mataas na uri at kalidad na kumikinang sa kariktan.
"I was hoping you give me this as a gift. Will you marry me?"
She didn’t know what to say at that moment. All she wanted was to disappear.
"OKAY, he's old but I have to be fair. The man is romantic! His feelings for you are quite obvious. Now, may I take a look at the precious ring on your finger?” Kinikilig na parunggit ng kaibigang si Eula sa video chat nang ikinuwento ni Jane ang nangyari sa hapunan nila ni Efrain.
She shrugged her shoulder. “I haven’t accepted his proposal, yet he insists on helping us with the hospital bills. I feel so helpless." malungkot niyang wika. Her voice carried a note of sadness. Not to sound ungrateful, but her family would only sink deeper into debt, kung patuloy aasa ang pamilya niya sa kabutihang-loob ng lalaki.
"Base naman sa kuwento mo, Efrain is a devoted and generous person. At masuwerte ka, girl! I mean, it's not because he's rich. It's because he doesn't force you to jump right into marriage. Just try to get to know him more. Maybe you’ll come to like him too. Besides, in this generation, it’s rare to find a man who’s persistent in his love, honest, and respectful of a woman’s decisions."
Jane sighed deeply. "I know, Eula. But I’m still not sure if I’m ready. There are things about him I need to understand first."
"You're right. Hindi mo kailangang madaliin ang desisyon mo. Mahalaga na kilalanin mo muna siya nang husto."
Nagpatuloy sila sa kanilang pag-uusap, habang paminsang napapailing si Jane, may halong pangamba at pag-asa sa mga susunod na pangyayari sa kanyang buhay.
Should she take her friend's advice and give Efrain a chance? He had shown nothing but kindness and respect towards her. Mukhang magandang lalaki rin naman ito noong medyo bata-bata pa ito. Alam niyang mahirap ang sitwasyon, pero nais niyang maging patas, lalo na sa sarili niya. Sa kabila ng lahat ng tulong ni Efrain, gusto niyang maging sigurado na hindi lang utang na loob ang nag-uudyok sa kanya para pumayag sa alok ng matandang negosyante.
Habang nakikinig sa payo ni Eula, napagtanto niyang hindi siya dapat magmadali. Kailangan niya ng panahon upang timbangin ang lahat—ang pamilya, ang sariling pangarap, at ang damdamin niya. Ngunit isang bagay ang malinaw sa kanya, hindi dapat pilitin ang isang desisyon na maaaring magdulot ng pangmatagalang epekto sa buhay niya.
“Thanks, Eula. I guess, I just need to take things one step at a time.”
"Always, Jane. Nandito lang ako kung kailan kailangan mo ako," sagot ng kaibigan niya na nakangiti sa screen ng video.
Matapos ang kanilang pag-uusap, muling inalala ng dalaga ang pag-uusap nila ni Efrain Laurenco. She was searching for clarity. Alam niyang hindi simpleng desisyon ang gagawin niya at kailangan niyang maging totoo sa sarili niya sa kung ano ang dapat gawin.