BELLA’S POV Talagang nakasimangot ako habang nakasakay sa taxi. Hindi na rin ako nakapag-grocery dahil sa lintik na London na iyon. Ang lakas ng amats. Talagang bigla na lang akong sapilitang isinama para lang utusan akong lumipat ng rental space na para bang napakadaling gawin. Sa mayamang tulad niya, talagang madali lang iyon pero sa kagaya ko, hindi. Hindi ko rin maunawaan kung bakit may offer siyang ganoon. Minsan, hindi ko maintindihan ang trip niya sa buhay. Balak pa yatang maging sugar daddy ko. Hindi ko siya sugar daddy, pero siya ang baby daddy ko. Pero bahala siya sa buhay niya, hindi ako lilipat, wala naman dahilan para sundin ko siya. Medyo madilim na nang makarating ako ng bahay. Agad akong sinalubong ng mga anak ko at parang biglang naglaho ang lahat ng inis na nararamdam

