bc

His Children, Her Secret

book_age16+
200
FOLLOW
2.5K
READ
opposites attract
playboy
single mother
heir/heiress
blue collar
drama
sweet
office/work place
disappearance
addiction
like
intro-logo
Blurb

“Hinding-hindi ako matataguan ng anak gaya ni Daddy.” Iyan ang madalas na linya ni London pero paano kung hindi lang pala isa, kundi dalawa ang nagawang itago sa kaniya ng babaeng sinasabi niyang kailan man ay hindi niya magugustuhan.

-----

Gwapo, mayaman pero babaero. Ganito kung ilarawan ni Bella si London pero hindi iyon naging hadlang para magustuhan niya ang lalaki. Nagtatrabaho bilang kasambahay ang ina niya sa pamilya nina London kaya maituturing na magkababata silang dalawa pero palaging pinapakita ni London na ayaw niya kay Bella.

Hanggang sa magtapat ng nararamdaman niya si Bella kay London pero tinanggihan siya ng lalaki. Ngunit dahil sa labis na pagkagusto niya rito, nagawa ni Bella ang mga bagay na walang mag-aakalang magagawa niya. Isang gabing sobra ang kalasingan ni London, may namagitan sa kanila ngunit walang maalala ang lalaki sa nangyari kaya nagpanggap din siyang walang alam lalo na at wala na siya sa tabi nito ng magising ito.

Nagbunga ang gabing iyon. Ngunit nagawa ni Bella na itago ang kanyang pagbubuntis, lalo pa’t kinailangan niyang umalis ng bansa patungong Thailand upang magtrabaho. Walang nakaalam ng lihim na kanyang dinadala.

Sa kanyang pansamantalang pagbabalik sa bansa, muling nagtagpo ang landas nila ni London, at muling may nangyari sa kanila. Sa ikalawang pagkakataon, nabuntis siyang muli pero tulad noong una ay nagawa niyang itagong muli ang kaniyang pagbubuntis.

Dalawa. Dalawang anak ang tinatago ni Bella kay London. Ngunit paano kung mabunyag ang katotohanan? Paano niya ipapaliwanag ang mga desisyong ginawa niya? At higit sa lahat, kaya ba niyang harapin ang galit ng lalaking ama ng mga anak niya at lihim pa rin niyang minamahal?

chap-preview
Free preview
Prologue
LONDON’S POV “Gusto kita.” Hindi ako makapaniwalang napatitig ako kay Bella habang diretso siyang nakatingin sa mga mata ko. Nandito kami sa library. Birthday party ni Mommy ngayon at may mga bisita rito sa bahay. Nagtungo ako sa kwarto ko para lang sana kunin ang gift ko kay Mommy pero bigla siyang sumulpot at hinila ako. “Nagseselos ako kay Melanie. Bakit siya pinapansin mo tapos ako hindi?” dagdag pa niya. Si Melanie ay anak ng kapitbahay namin. Kaklase ko siya at madalas ay magkasama kaming dalawa kaya inimbitahan ko siya sa birthday ni Mommy. Humigpit ang hawak ko sa regalong hawak ko. Hindi ito ang unang beses na may nagtapat sa akin, pero ito ang unang beses na kinabahan ako. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Kahit na sa iisang bubong kami nakatira ni Bella dahil kasambahay ang ina niya rito sa amin. Hindi kami close na dalawa. Si Kuya Samuel ang ka-close niya. Mas naasar pa nga ako sa kaniya kaya hindi ko inaasahan na magtatapat siya sa akin ngayon. Ngumiti siya sa akin. Hindi pa rin ako makapagsalita habang nakatingin sa mukha niya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o pinagti-tripan lang ako. Even in my wildest dream, hindi ko naisip ang eksenang nangyayari ngayon. Gusto niya ako? “Hindi ko sana sasabihin sa iyo. Kaso naasar ako. Bakit ba ang daming babaeng lagging dumidikit sa iyo ? Tapos parang gustong-gusto mo naman.” Humaba pa ang nguso niya. Cute. Parang gusto kong murahin ang sarili ko. Kailan pa naging cute sa paningin ko ang babaeng ito? Hindi siya cute. Mukha pala siyang pato. “Ano na, London. Hindi ka ba magsasalita? Kinakabahan na ako sa pagtatapat dito tapos ikaw, nakatitig lang sa akin. Gusto mo ba ako?” Huminga ako ng malalim. Hindi naman halatang kabado siya. Ang tapang pa nga niya ngayon kaya nakakapagduda. Hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo. Ngumisi ako sa kaniya. “Hindi kita gusto. Kahit ikaw na ang huling babae sa mundo, hindi ako magkakagusto sa iyo,” sagot ko sa kaniya. Medyo nakonsensya pa ako sa sinabi ko pero hindi ko naman iyon magawang bawiin. Natigilan siya sa sagot ko, pero unti-unti siyang ngumiti sa akin. “Okay,” simpleng sagot niya at tumalikod. Napatanga na lang ako nang makalabas na siya ng pinto. “Okay? Iyon lang ang sinabi niya? Okay?” hindi makapaniwalang saad ko. Hindi ko mapigilang maasar kay Bella. Sabi ko na nga ba, pinagti-tripan lang niya ako. Hindi kami magkasundong dalawa kaya imposibleng gusto niya ako. Hindi ko alam ang trip niya kung bakit sinabi niya ngayong gusto niya ako. Out of the blue kasi ang pagtatapat niya kaya hindi rin kapani-paniwala. Napailing na lang ako at lumabas ng kwarto ko. Lumapit ako kay Mommy at binigay ko ang necklace na regalo ko sa kaniya. “Thank you so much. I love it,” masayang saad niya sa akin habang hawak ang pendant ng kwintas na sinuot ko sa kaniya. “Anything for the most beautiful woman in my eyes,” malambing na sagot ko sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. “At ikaw din ang pinakagwapong lalaki para sa akin.” I chuckled. “Mom, I know you are lying. Si Daddy ang pinakagwapo para sa inyo. Halata naman sa dami naming magkakapatid,” pagbibiro ko sa kaniya. Humahigikhik siya sa sinabi ko. Dati hiniling ko na magkaroon ng maraming kapatid, pero hindi ko akalaing totohahanin ng ama ko. Mukha ngang sa lahat ng hiniling ko sa kaniya, iyon ang pinaka-eager siyang ibigay sa akin. “Come on, London. It was your wish,” paalala ni Daddy at humawak sa beywang ni Mommy. “Ang swerte ko talaga. Ang ganda ng misis ko,” aniya pa at hinalikan sa labi si Mommy kaya napailing na lang ako at iniwan sila. Sanay na ako sa pagiging sweet ng mga magulang ko. Minsan, parang may sarili talaga silang mundo. Nilibot ko ang tingin sa buong paligid. Mga kamag-anak at kaibigan lang naman ng ina ko ang nandito. Nakita ko si Kuya Samuel na tahimik lang na nakaupo sa isang tabi. Lalapit n asana ako sa kaniya nang may biglang umakbay sa akin at napangiti ako nang makita ko si Cindy. “Hey, Kiddo,” bati niya sa akin. Sumimangot ako sa sinabi niya. Tumingin ako sa kaniya. Naka-black two-piece siya at may puting cover up lang. Umaga kasi ang party at sa may pool side ginaganap. Family lang naman namin ang nandito at sina Tito Xerxes kaya nandito rin si Cindy. “Hindi na ako bata,” asar na sagot ko at inalis ang braso niyang nakaakbay sa balikat ko. Mas matanda siya sa akin ng dalawang taon. Magkasing edad sila ni Bella. Pero mula nang mag-15 ako ay hindi na ako tumatawag sa kaniya ng Ate. She’s my bestfriend kahit na mas matanda siya. Kung ako ay hindi close kay Bella, siya naman ay hindi close kay Kuya Samuel pero close sila ni Bella. “Oo, hindi ka na bata. Pwede ka nang gumawa ng bata. Baka nga may anak ka na,” pang-aasar pa niya sa akin. “Wala akong anak. Mura lang ang condom, magtitipid pa ba ako?” wika ko at humakbang papunta sa kinaroroonan ni Kuya Samuel. Sumunod naman sa akin si Cindy. “Malay mo, may anak ka na, hindi mol ang alam,” giit pa niya. Huminto ako at humarap sa kaniya. “Wala nga.” “Paano kung nakabuntis ka tapos tinago lang pala sa iyo?” pangungulit niya. “Imposible. Ito tandaan mo. Hinding-hindi ako matataguan ng anak. Hindi ako magagaya kay Daddy,” paniniguro ko sa kaniya. “Saka 20 pa lang ako. Kaya wala pa akong planong magkaroon ng anak.” 20 pa lang ako. Nag-aaral pa ako kaya bawal pa ako makabuntis. Baka atakehin sa puso si Mommy kung sakaling mangyari iyon. “Oo, bata ka pa. Kaya kahit kaya mo na gumawa ng bata, huwag muna,” aniya na para bang ang tanda na niya gayong matanda lang naman siya sa akin ng almost two years. Nauna na siyang maupo sa table kung nasaan si Kuya Samuel na agad kumunot ang noon ang makita si Bella. Naupo naman ako sa tabi ni Kuya Samuel at agad na kinuha ang juice na nasa ibabaw ng mesa saka tumingin sa may swimming pool. Naningkit ang mga mata ko nang makita ko si Bella sa may gilid ng pool. Kausap niya si Jaydon. Ang laki ng ngiti niya habang nakikipag-usap kay Jaydon. Hindi ko mapigilang mapasimangot. Sabi niya gusto niya ako, pero bakit kung makangiti siya habang kausap ang kumag kong pinsan. Ganoon na lang? Hindi man lang siya nalungkot na ni-reject ko siya. “Nagseselos ka ba?” biglang bulong sa akin ni Cindy kaya napalingon ako sa kaniya. Nakalapit ang mukha niya sa may tenga ko kaya nang lumingon ako ay muntik ko na siyang mahalikan sa sobrang lapit niya pero hindi ako lumayo at ngumisi lang ako sa kaniya. “Hindi ko siya type,” maangas na sagot ko. Ngumisi siya pabalik sa akin. Iyong tingin niya, para bang hindi naniniwala kaya gusto ko na namang maasar. “Talaga ba?” “Alam mo iyong feelings ko sa kaniya parang gaya lang ng feelings mo kay Kuya Samuel,” wika ko. Natawa siya sa sinabi ko. “Sure ka?” natatawang tanong niya at tumingin kay Kuya Samuel na parang wala namang pakialam sa amin. Napailing si Cindy sa sinabi ko. Umayos na siya ng upo. Muli naman akong sumulyap sa gawi nina Bella. Nakatayo pa rin sila ni Jaydon sa gilid ng swimming pool at nag-uusap. Kung makatawa siya para siyang kinikiliti. Mabilis akong uminom ng juice na hawak ko. Inisang lagok ko lang iyon. Hindi ko alam kung bakit naaasar ako habang pinapanood silang dalawa. Parang gusto kong tumayo at itulak sila pareho sa pool. Pero mas naasar ako kay Bella. Ang lakas ng trip niya kanina para sabihing gusto ako. Buti na lang pala, hindi ko seneryoso ang sinabi niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.8K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
32.0K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.9K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook