Hello po, kung maligaw man po kayo sa account ko. Pa-follow po. Thank you!
Mostly ay romcom po ang sinusulat ko with sexy scenes, light lang para sa lahat.
You can add me on fâcebook - Aexyz Stories
STORIES
CAPTIVE SERIES
1. Enemies with Benefits (Completed)
2. Devirginizing My Hot Boss (Completed)
3. The Real About My Husband (Completed)
4. My Sexy Tomboy (Completed)
5. His Dangerous Wife (Soon)
CHASING SERIES
1. The Twin Mistake with Mr. CEO (Completed)
2. Drunk on Margarita (Completed)
EX SERIES
1. Marrying My Arrogant Ex-boyfriend ( Completed)
2. Hot Nights with My Ex-husband (Completed)
ESCALATE SERIES
1. Ramona's Obsession (Completed)
2. Roberta's Affection (Soon)
3. Rafaela's Possession (Soon)
4. Renata's Confession (Soon)
STAND ALONE
1. Wife for a Year (Completed)
2. Desiring the Nanny ( Completed)
3. Touch Me Engineer (Completed)
4. The Seven-year Itch (Completed)
5. Tempted by the other Alcaraz ( Ongoing)
‘Isang gabi. Isang gabing puno ng pagnanasa ang magiging dahilan ng pagbabago ng lahat.’
Isang sikat na artista si Enzo Del Prado, gwapo, mayaman at kinababaliwan ng mga kababaehan, pero sa likod ng kamera, isa siyang makulit at maarteng lalaki na minsan ay nagiging pusong babae sa harap ng mga kaibigan niya. Pero ang totoo ay may lihim siyang pagnanasa sa maangas at sexy niyang personal bodyguard na si Kisha.
Napilitan lamang si Kisha na maging bodyguard ni Enzo dahil sa kahilingan ng kakambal nitong isang mafia, pero hindi niya inakalang magiging clingy sa kaniya ang lalaki na tila ayaw nitong mawala siya sa paningin nito, na kaniyang iniiinis. Pero isang gabi, dahil sa party drugs na kaniyang nainom ay may nangyari sa kanila ng lalaki. Iyon ang naging dahilan para mas kulitin siya nito at pilitin na pakasalanan ito.Noong una ay hindi pumayag si Kisha, pero muling may nangyari sa kanila ni Enzo dahilan para hindi na siya tuluyang makawala sa lalaki. Ikinasal silang dalawa at kahit na palagi silang aso't pusa ay hindi niya namalayang nahuhulog na pala siya sa asawa niya. Lalo na at nang aminin nito na matagal na siya nitong gusto.
Pero paano kung kailan nangsisimula nang maging maayos ang pagsasama nila ay saka niya unti-unting matuklasan ang mga lihim ni Enzo? May mga tao mula sa nakaraan angagbabalik upang sirain sila. Ano ang gagawin niya kapag nalaman niyang may ibang pagkatao ang lalaking mahal niya? Dahilan para malagay ang buhay niya sa panganib.
Si Enzo, ano ang gagawin niya kung ang buhay na ng babaeng mahal niya ang manganganib, magagawa ba niyang hubarin ang maskarang suot niya upang mailigtas ito? Handa ba siyang kalabanin ang sariling kadugo para kay Kisha?Sa ngalan ng pag-ibig, ano nga ba ang kaya nilang gawin para sa isa't isa?
”I want you in my bed, katawan mo ang magiging kabayaran sa ginawa mong pagtatago sa akin ng totoo,” umiigting ang pangang saad ni Apollo sa dating asawa.
“Hindi ako papayag!” mariing tutol naman ni Lia. Hindi siya papayag maging parausan ng dating asawa.
--------
One year contract marriage. Just a contract, no strings attached. Iyon ang naging usapan nina Apollo at Natalia, kaya matapos ang isang taon ay maayos silang naghiwalay na dalawa kahit na alam nilang tututol ang kanilang mga magulang. Ngunit kung kailan pa sila nagdesisyon na mag-divorce ay saka pa may nangyari sa kanila. Pero kinabukasan ay tumakas si Natalia at iniwan ang ex-husband niya.
Makalipas ang apat na taon ay muling nagbabalik si Natalia, pero hindi niya inaasahang ang dating asawa ang sasalubong sa kaniya ngunit nalaman niyang may bago na itong nobya.
Hindi malaman ni Natalia ngunit nagseselos siyang makita ang lalaki na may kasamang iba. Gusto niya itong ipagdamot pero wala siyang magawa dahil wala siyang karapatan.
Hanggang sa hindi inaasahang pangyayari, muli silang nagsalo sa isang mainit na gabi na naging mitsa upang malaman niya kung gaano sila kasabik sa isa’t isa. Pero maatim ba niyang makasira ng relasyon? Papayag ba siyang kabit ng dating asawa. Pero paano kapag nalaman nila ang mga lihim na pareho nilang tinatago sa isa't isa? Paano niya matatakasan ang nakaraan na pilit siyang hinahabol hanggang sa kasalukuyan? Paano niya muling maiiwasan ang dating asawa kung ito lang ang tanging makakatulong sa kaniya?
Paano kung alukin kang maging fvck buddy ng lalaking kinaiinisan mo?
********
Mula nang mamatay ang ina ni Victoria ay inampon siya nang mayamang amo nito na si Don Sicario. Lumaki siyang parang prinsesa, iyon nga lang may asungot na prinsipe siyang kasama palagi. Sixto Augustus Buenaventura, ang tunay na apo ni Don Sicario, gwapo, mayaman, matalino pero mainitin ang ulo. Palaging ipinamumukha sa kaniya ni Six na kailan man ay hindi siya magiging totoong apo ng Don at hindi sila magkaano-ano. Alam naman niya iyon at tanggap niya pero naging ugali na nang lalaki ang i-bully siya hanggang sa lumaki sila.
Akala niya pagiging aso't pusa na lang ang magiging relasyon nilang dalawa pero sa mismong kaarawan ni Don Sicario ay may nangyari sa kanilang dalawa. Nagawa niyang ibigay ang pagkababae niya sa lalaking ayaw sa kaniya. Inakala niyang hindi na iyong mauulit pang muli pero nagulat siya nang alukin siya ni Six ng relasyong aabot lang hanggang kama. Relasyong katawan lang ang nagkakaintindihan, ngunit paano kung mahulog siya sa lalaki? Paano niya maisasalba ang puso upang hindi mawasak sa huli, lalo na kung unti-unti na niyang nabubunyag ang lihim ng pamilyang umampon sa kaniya.
Si Max ang titibo-tibo pero ubod ng sexy na crush ng babaerong si Warren Smith. Ngunit paano niya mapapaibig ang babae kung babae rin ang gusto nito? Lalo na at abala si Max para buhayin ang kaniyang pamilya, habang si Warren naman ay sanay na lahat ng bagay ay nakukuha gamit ang pera.
Magawa kaya ni Warren mapalambot ang puso at pagkatao ng tanging babaeng nakapukaw ng kaniyang atensyon? Pero paano kapag nalaman nito ang kaniyang nakaraan? Baka tuluyan siya nitong layuan at hindi na niya ito mapaamo pa ng tuluyan.
Paano kung mabuntis ka ng boyfriend ng bestfriend mo?
*******
Nakagawa si Rebecca ng pinakamalaking pagkakamali sa kanyang buhay nang hindi sinasadyang may mangyari sa kanila ni Dwayne ang nobyo ng kanyang matalik na kaibigan. Higit sa lahat, nabuntis siya.Tumakas at nagtatago siya. Ngunit makalipas ang anim na taon ay muli siyang nagising sa tabi ni Dwayne at sa pagkakataong ito ay may singsing na sa kanyang daliri.Makakatakas kaya siyang muli at makakapagtago sa ikalawang pagkakataon?
Totoo nga bang sumpa ang ika-pitong taon sa isang relasyon? Paano kung ang inaakala niyang perpektong relasyon ay hindi pala totoo? Paano kung ang lalaking akala niya ay mamahalin siya hanggang dulo ay nagawang magloko? Mapapatawad pa kaya niya ito? Is there a second chance for them or it will be over?
He needs a wife for a year, so I volunteered.
“Kahit pansamantala lang, handa akong magpakatanga, maranasan ko lang na maging akin siya.” — Celestina
Ngunit paano kung sa loob ng isang taon, mawasak siya ng husto? Paano siya babangong muli sa sakit na mararanasan niya? Maari bang umibig sa kaniya ang asawa kahit alam niyang may mahal na itong iba at siya ay pansamantalang asawa lamang?
“Hinding-hindi ako matataguan ng anak gaya ni Daddy.” Iyan ang madalas na linya ni London pero paano kung hindi lang pala isa, kundi dalawa ang nagawang itago sa kaniya ng babaeng sinasabi niyang kailan man ay hindi niya magugustuhan.
-----
Gwapo, mayaman pero babaero. Ganito kung ilarawan ni Bella si London pero hindi iyon naging hadlang para magustuhan niya ang lalaki. Nagtatrabaho bilang kasambahay ang ina niya sa pamilya nina London kaya maituturing na magkababata silang dalawa pero palaging pinapakita ni London na ayaw niya kay Bella.
Hanggang sa magtapat ng nararamdaman niya si Bella kay London pero tinanggihan siya ng lalaki. Ngunit dahil sa labis na pagkagusto niya rito, nagawa ni Bella ang mga bagay na walang mag-aakalang magagawa niya. Isang gabing sobra ang kalasingan ni London, may namagitan sa kanila ngunit walang maalala ang lalaki sa nangyari kaya nagpanggap din siyang walang alam lalo na at wala na siya sa tabi nito ng magising ito.
Nagbunga ang gabing iyon. Ngunit nagawa ni Bella na itago ang kanyang pagbubuntis, lalo pa’t kinailangan niyang umalis ng bansa patungong Thailand upang magtrabaho. Walang nakaalam ng lihim na kanyang dinadala.
Sa kanyang pansamantalang pagbabalik sa bansa, muling nagtagpo ang landas nila ni London, at muling may nangyari sa kanila. Sa ikalawang pagkakataon, nabuntis siyang muli pero tulad noong una ay nagawa niyang itagong muli ang kaniyang pagbubuntis.
Dalawa. Dalawang anak ang tinatago ni Bella kay London. Ngunit paano kung mabunyag ang katotohanan? Paano niya ipapaliwanag ang mga desisyong ginawa niya? At higit sa lahat, kaya ba niyang harapin ang galit ng lalaking ama ng mga anak niya at lihim pa rin niyang minamahal?
Isang gabing sinimulan ng isang mapusok na dare ang tuluyang nagpabago sa buhay ni Elara Flores. Isang dare na hindi niya inakalang magbabago ng malaki sa buhay niya. Nabuntis siya pero hindi lang isa, kundi tatlong bata ang nasa sinapupunan niya. Nang malaman ng ina niya ang kaniyang pagbubuntis ay agad siya nitong pinadala sa probinsya kung nasaan ang kaniyang abuela upang makaiwas ang pamilya niya sa eskandalo at kahihiyan.
Sa piling ng kaniyang lola ay natutunan ni Elara kung paano maging matatag. Naging isang ina siyang handang isakripisyo ang lahat para sa kaniyang mga anak. Pinilit niyang itaguyod ang kaniyang mga anak na walang hinihinging tulong mula sa kaniyang ina.
Nagtrabaho si Elara bilang assistant ni Donya Marcela De Silva, ang may-ari ng malawak na lupain sa kanilang bayan . Dahi sa sa tagal ng paninilbihan ng kaniyang Lola bilang mayordoma sa mansion ng mga De Silva ay naging mabait sa kaniya ang matandang babae, lalo na sa mga anak niya.
Sa loob ng walong taon, tahimik at payapa ang buhay nilang mag-iina. Pero hindi niya akalaing may hangganan ang lahat.
Ngunit sa pagdating ni Sean Alexander De Silva, ang panganay na apo ni Donya Marcela ay muling bumalik ang nakaraang pilit niyang ibinabaon sa limot. Pinilit ni Elarang iwasan ang lalaki, madali naman niya iyong nagawa lalo na at hindi naman siya nito kilala o natatandaan man lang.
Ngunit hindi niya akalaing habang umiiwas siya rito, tadhana mismo ang gumagawa ng paraan para paglapitin silang dalawa. Naging malapit si Sean sa mga anak niya kaya wala siyang magawa. Hanggang hindi niya namamalayang maging sa kaniya ay nagiging malapit na ang lalaki at unti-unti na nitong nakukuha ang puso niya.
Dahilan upang umasa si Elara na maaring maging isang masayang pamilya sila kung sakaling aminin niya kay Sean ang totoo, pero paano niya magagawa ang bagay na iyon kung malalaman niyang may nagmamay-ari na pala rito? Na ikakasal na pala ito.
Habang buhay na lang ba niyang itatago kung sino ang tunay na ama ng mga anak niya? May pag-asa pa bang mabuo sila o isang pangarap lang iyon na kailan man ay hindi magkakatotoo?
Paano kung may mangyari sa inyo ng boss mo at malaman mong ikaw pala ang nakakuha ng virginity niya?
********
Limang taong naging sekretarya si Georgette ng isang gwapo at happy-go-lucky niyang boss ngunit magbabago ang lahat ng malasing sila at may nangyari sa kanila.Handa niyang kalimutan ang nangyari pero ang boss niya mismo ang nag-demand na pakasalan niya ito dahil siya raw ang naka-virgin rito. Giniit nitong dapat daw niya itong panagutan dahil hindi raw ito kaladkaring lalaki.
Tumangi siya sa kasal na inaalok nito ngunit nang malaman niya kung sino ang ipinagkakasundo rito ay mabilis siyang pumayag. Gagamitin niya ang lalaki para makaganti ngunit paano kung may ibang pakay din ito sa kaniya?
One night stand lang dapat pero nauwi sa shotgun wedding.
------
Maraming utang at nawalan ng trabaho ang dahilan kaya pumayag si Nikita na tanggapin ang inaalok sa kaniya ng isang matandang babae. Babayaran siya nito ng isang milyon, basta magawa niyang paghiwalayin ang apo nito at ang babaeng gusto niyang pakasalan.
Alam niyang mali ang sumira ng relasyon ng iba pero kailangan niya ng pera. Ngunit hindi niya inaasahan na ang apo ng matanda ay ang lalaking una niyang minahal pero naglahong parang bula, siyam na taon na ang nakakaraan.
Nagawa niyang sirain ang relasyon ni Xerxes at ng fiancée nito pero hindi niya inaasahan may mangyayari sa kanila ng lalaki dahilan para sapilitan silang ipakasal ng Lola nito.
Anong gagawin niya kung biglaan niyang naging asawa ang lalaking ayaw na niyang maging parte pa ng buhay niya. Ngunit paano kung ang usapang kasal lang sa papel ay maging seryosohan na? Pero kung kailan nagiging maayos na ang pagsasama nilang dalawa ay saka niya unti-unti matutuklasan ang lihim ng nakaraan na maaring dumurog sa puso niya?
Handa ba siyang manatili sa tabi ng asawa niya sa kabila ng lahat? O sa pagkakataong ito, siya naman ang maglalahong parang bula sa buhay nito?
Ops! Paano kapag nalaman ni Karen na mafia boss pala ang pinakasalan niya?
------
Pinilit ni Karen na magpakasal sa kaniya ang crush niyang artista upang takasan ang kasal na nais ng ama niya para sa kaniya. Ngunit paano kung may mayroong split personality pala ang lalaking pinakasalan niya, kung saan minsan ito ay nagiging pusong babae ito at minsan naman ay para itong isang Adonis na bumaba sa lupa para paligayahin siya. Iisang katawan, dalawang katauhan. Ganoon ang pagkakakilala niya sa asawa niya.
Pero paano kapag nalaman niyang maraming lihim ang asawa niya ? Hindi lamang ito isang sikat na artista kundi isa itong mapanganib na tao. Mananatili pa ba siya sa tabi nito kung palagi siyang makikipagsayaw sa mga bala at maaring mamganib ang buhay niya sa piling nito?
“I want you to touch me, Engineer.” She's not begging. It's an order.
Xantina is willing to play a dangerous game with Yohan Escobar. They had a carnal affair, just pure pleasure, no pressure. Ang unang ma-in love ang siyang talo. Ngunit pareho silang sanay na manalo at makuha ang kanilang gusto, kaya sa larong kanilang sinimulan, sino ang uuwing luhaan?
They are ready to ruin each other.
It began as an ego-boosting game but ended with hearts being shattered.
Paano kung magkagusto ka sa bestfriend ng ate mo na hindi raw pumapatol sa bata?
*********
ESCALANTE SISTERS SERIES 1: Ramona's Obsession
Ginawa ni Ramona ang lahat para makuha ang atensyon ni Nero pero sa daming beses niyang pagtatangka kahit isang beses hindi siya nagtagumpay. Pero bakit tuwing nababaling ang atensyon niya sa iba ay tila nagagalit ito?
Hanggang saan aabot ang kanyang obsesyon para sa lalaki? Kaya ba niyang tanggapin ang paulit-ulit nitong pagtanggi sa nararamdaman niya? Paano kung kailan sumuko na siya saka naman ito naghahabol at ayaw siyang pakawalan? Handa ba siyang mabaliw muli para dito o talagang tinapos na niya ang kahibangan niya para lalaki?
Paano kung ang bagong boss mo ang ama ng batang itinatago mo sa lahat?
********************
Walong taon na pilit kinakalimutan ni Margarita ang nangyari sa kanila ni Attorney Cohen Delgado pero sa muli nilang pagkikita ay muling pilit pinapaalala sa kaniya ng lalaki ang isang mainit na gabing kanilang pinagsaluhan. Pinilit niyang umiwas sa lalaki kahit na palagi siyang kinukulit nito. Hanggang kailan nga ba niya kayang iwasan ang lalaki? Kaya nga ba niyang umiwas sa tuksong dala nito? Ano nga ba ang pinaka-iingatan niyang lihim na ayaw niyang mabunyag nito?
Paano kung bigla kang maging yaya ng anak ng crush mo?
********
Stable job lang naman ang gusto ni Katarina. Kailangan niyang magkaroon ng stable job para magamit ang tinapos niya at maging proud sa kaniya ang mga magulang niya pero paano
kung alukin siyang maging yaya ng batang minsan ay tinulungan niya? Noong una ay pilit siyang tumanggi pero paano kung ang ama na ng bata na si Jude Alejandro and mag-alok sa kaniya ng trabaho, matatanggihan pa ba niya, lalo na at lihim siyang may crush sa lalaki? Bakit nga ba siya ang gusto ng anak nitong mag-alaga dito? Ano nga ba ang tunay na dahilan kung bakit siya inalok ng lalaki ng trabaho?