bc

Hot Nights with My Ex-Husband

book_age18+
6.0K
FOLLOW
91.6K
READ
love-triangle
HE
opposites attract
second chance
badboy
kickass heroine
confident
neighbor
heir/heiress
bxg
city
addiction
like
intro-logo
Blurb

”I want you in my bed, katawan mo ang magiging kabayaran sa ginawa mong pagtatago sa akin ng totoo,” umiigting ang pangang saad ni Apollo sa dating asawa.

“Hindi ako papayag!” mariing tutol naman ni Lia. Hindi siya papayag maging parausan ng dating asawa.

--------

One year contract marriage. Just a contract, no strings attached. Iyon ang naging usapan nina Apollo at Natalia, kaya matapos ang isang taon ay maayos silang naghiwalay na dalawa kahit na alam nilang tututol ang kanilang mga magulang. Ngunit kung kailan pa sila nagdesisyon na mag-divorce ay saka pa may nangyari sa kanila. Pero kinabukasan ay tumakas si Natalia at iniwan ang ex-husband niya.

Makalipas ang apat na taon ay muling nagbabalik si Natalia, pero hindi niya inaasahang ang dating asawa ang sasalubong sa kaniya ngunit nalaman niyang may bago na itong nobya. 

Hindi malaman ni Natalia ngunit nagseselos siyang makita ang lalaki na may kasamang iba. Gusto niya itong ipagdamot pero wala siyang magawa dahil wala siyang karapatan.

 Hanggang sa hindi inaasahang pangyayari, muli silang nagsalo sa isang mainit na gabi na naging mitsa upang malaman niya kung gaano sila kasabik sa isa’t isa. Pero maatim ba niyang makasira ng relasyon? Papayag ba siyang kabit ng dating asawa. Pero paano kapag nalaman nila ang mga lihim na pareho nilang tinatago sa isa't isa? Paano niya matatakasan ang nakaraan na pilit siyang hinahabol hanggang sa kasalukuyan? Paano niya muling maiiwasan ang dating asawa kung ito lang ang tanging makakatulong sa kaniya?

chap-preview
Free preview
Prologue
Natalia's POV “Sign this.” Napatingin ako sa hawak ni Apollo. Divorce papers. Ngumiti ako sa kaniya bago ko iyon tinanggap. Inaasahan ko na bagay na ito. Gaya nang napag-usapan naming dalawa, isang taon lang. Isang taon lang kaming mananatiling kasal upang pagbigyan ang hiling ng mga magulang namin. Kinuha ko ang ballpen na nasa ibabaw ng table niya at agad kong pinirmahan ang divorce paper naming dalawa. Hindi kami sa Pilipinas kinasal kaya mas mabilis mapa-process ang divorce naming dalawa. “So, this is it,” saad ko at pinilit na manatili ang ngiti sa mga labi ko. “Yeah.” Inilahad niya ang isang kamay sa akin para makipag-shake hands. Agad ko namang tinanggap iyon pero mabilis ko ring binitawan. “I’ll go ahead, I know you can handle that alone,” tukoy ko sa divorce naming dalawa. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at mabilis na akong lumabas ng opisina niya. Agad akong sumakay ng Elevator. Tumingala ako at kumurap-kurap upang pigilan ang pagpatak ng luha ko dahil nararamdaman ko nang namamasa ang mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako kahit hinanda ko naman na ang sarili ko. Alam ko naman na kapag natapos ang isang taon ay magdi-divorce kaming dalawa gaya ng napagkasunduan namin. Gusto ko siya kaya pumayag ako, pero pakiramdam ko parang ang bilis ng isang taon. Parang isang iglap lang iyon. Nagtungo ako sa bahay kung saan kami nakatirang dalawa. Hindi ko mapigilang mapangiti nang mapait habang nakatingin ako sa buong paligid. Sa loob ng isang taon ay sa iisang bubong kami nakatira pero magkahiwalay ang kwarto naming dalawa. Hindi rin kami halos nagkikita dahil late na siya lagi umuuwi galling trabaho at pero maaga siya palaging pumapasok na para bang talagang iniiwasan niya ako, mabibilang nga sa daliri ko na ang mga pagkakataon na magkasabay kaming kumaing dalawa. Siguro ganoon talaga dahil papel lang naman ang nag-uugnay sa aming dalawa. Nagtungo ako sa kwarto ko upang maggayak ng mga gamit ko. Aalis ako ng bansa. Kung gusto kong maka-move on, kailangan kong lumayo. Isa pa, alam kong pagagalitan ako ng parents ko kapag nalaman nilang hiwalay na kami ni Apollo. Wala silang alam sa naging kasunduan namin, dahil kapag nasa harap kami ng mga magulang namin, umaakto kaming masaya at nagmamahalan. Nang maigayak ko ang mga gamit ko ay lumabas na ako ng kwarto ko. Dalawang malaking maleta ang dala-dala ko. Ngunit nang makababa ako ng hagdan ay nakita ko si Apollo na kadarating lang. “You are leaving.” Tumingin siya sa dalawang maletang dala ko. “I don’t have any reason to stay here,” sagot ko sa kaniya. Napatingin ako sa wine rack niya na may nakalagay na iba’t ibang alak. Kumuha ako ng isa, bago ako kumuha ng dalawang mataas na wine glass at nilagyan ko iyon ng alak. Inabot ko sa kaniya ang wine glass na hawak ko. “How about we drink first, as a celebration of our freedom?” alok ko sa kaniya. Kinuha niya ang inabot ko at inisang lagok lang niya ang laman noon. “Where are you going?” seryosong tanong niya sa akin. “It’s none of your business. You never cared about me. Why are you asking now?” I answered bitterly. “We can still be friends.” Umiling ako sa kaniya at ginaya ko ang ginawa niyang paglagok sa alak na ibinigay ko sa kaniya. Friends? I never wish to be his friend. I want more than that, sadly, I became his wife, but will never be his lover. “I decline. You are still my ex, I don’t want complication in the future,” tanggi ko. Napansin kong niluwagan niya ang necktie niya na para bang naiinitan siya. “I’ll go ahead,” paalam ko sa kaniya. Ngunit napaikit ako nang mariin nang maramdaman kong parang umiikot ang paligid. Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko dahil biglang uminit, namatay ba ang aircon? Lalapasan ko na sana si Apollo nang bigla niyang hawakan ang isang braso ko. “What? Let me go,” saad ko pero kulang sa conviction ang boses ko. Napakunot ang noo nang mapansin kong namumungay ang mga mata niya. Lasing ba siya? Pero mataas ang tolerance niya sa alak at imposibleng malasing agad siya sa isang glass lang. “Apollo…” I called his name. I felt something weird inside me. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang sakupin ang mga labi ko. Ngunit imbes na itulak ko siya palayo ay mabilis na yumakap ako sa leeg niya at tumugon sa halik niya. I should push him, but I can’t think straight. His kisses ignite the fire inside me. I feel hot. I feel like I am craving for something and when Apollo kissed me, I already know what I want. Him. My ex-husband.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Push It Harder (SSPG)

read
148.9K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
42.5K
bc

Uncle Governor [SSPG]

read
83.4K
bc

Royal Blood: Hot and Wild (SPG)

read
109.7K
bc

Landscaper's Lust (SSPG)

read
30.8K
bc

Manong Rex (SSPG) Virgin men series 1

read
91.9K
bc

RIDING MY FATHER-IN-LAW

read
35.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook