Kabanata 26

1525 Words

BELLA’S POV Naglilinis ako ngayon ng bahay habang si Gray naman ay nasa sofa at nanonood ng cocomelon kaya hindi ko kailangang bantayan muna. Hindi naman siya naglilikot kapag nanonood siya noon. Wala si Nanay dahil nagpaalam siya na may pupuntahan sila ng kaibigan niya kaya kaming dalawa lang ni Gray ngayon ang nandito sa bahay. Nasa school si Ben at mamaya ay susunduin ko rin siya. Nagwawalis ako sa sala nang may kumatok kaya nagmamadali akong lumapit sa pinto at nakita ko si Kuya Samuel. Agad akong napangiti at nilakihan ang bukas ng pinto para papasukin siya. “Hello, buddy,” bati niya na agad lumapit sa anak ko at binuhat ito. Nagulat naman ang anak ko at parang natakot kay kuya Sam dahil naiiyak ito. Hindi kasi gaya ni Ben na close na ito sa kaniya. Ngayon lang ulit siya pumarito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD