CHAPTER 8 Liv’s POV Hindi ko akalaing aabot kami sa ganito ni Sir Syd. Ang relasyon namin ay mas lumalim pa mula noong gabing iyon, pero napagdesisyunan naming itago ito. Hindi ako pwedeng maging pabigat sa kanya, lalo na’t alam kong may posisyon siya sa pamilya at negosyo nila. Ako, isang simpleng kasambahay, walang karapatan sa mga ganitong uri ng relasyon—pero nandito na kami, at hindi ko na mapigilang mahalin siya. “Liv,” bulong ni Sir Syd isang gabi habang kami’y nag-uusap sa kwarto ko. Dumating siya ng tahimik para walang makapansin sa kanyang pagpunta. Ang gabi’y tahimik at tanging mga yabag lamang sa labas ang naririnig. “Hmm?” sagot ko habang nakayakap sa kanya, ramdam ko ang init ng kanyang katawan. “May iniisip ka ba?” “I’ve been thinking... hanggang kailan natin itatago ‘t

