"Romantic Date"

1799 Words

CHAPTER 16 Third Person POV Mula sa ranch, bumalik sina Syd at Liv sa kanilang hotel, ngunit sa kanilang mga puso, mas magaan na ang pakiramdam. Parang bawat hakbang nila ay mas malalim na ang kahulugan, mas malapit sila sa isa't isa kaysa dati. Nakatingin si Syd kay Liv habang tahimik silang naglalakad papunta sa elevator ng hotel. Sa bawat tingin niya, hindi niya maiwasang mapangiti. Pagpasok nila sa elevator, walang ibang tao kundi sila. Tahimik na ang paligid, at tanging ang malalim nilang paghinga ang maririnig. Inabot ni Syd ang kamay ni Liv at mahigpit niyang hinawakan ito. "You know," bulong ni Syd, "hindi ko akalaing ganito kasarap ang pakiramdam na makasama ka. Parang hindi ko na gustong matapos ang trip na ito." Ngumiti si Liv, nakatingin sa kanilang magkahawak na mga kamay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD