Kabanata 5

2321 Words
Kabanata 5 Time Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang nakita sa labas ng room. Parati kong naaalala ang labi nilang magkasugpo habang nakangisi sa akin si Max. Aminado akong nasaktan talaga ako lalo pa’t ramdam ko na siya sa puso ko. Hindi ko lang lubos akalain na mabibigla ako at makikita ko iyon. All this time, I feel so full whenever together but when I saw it, it broke all my hopes. See? Hindi ko pa nga siya boyfriend pero ang sakit-sakit na ng naidulot niya sa akin. Hindi ako nakapukos sa pagtuturo pagdating ng hapon. Lutang na lutang ang diwa ko habang nakaharap sa mga istudyante ko. Pilit ko mang ibalik ang sigla, hindi ko na magawa dahil nabahiran iyon ng kasakitan. Kaya sa huli, tinapos ko nalang ang klase at bumalik sa faculty room. Namalagi ako doon ng ilang oras hanggang sa sumapit ang gabi at uwian na. Halos hindi ko nga napansin na gabi kung hindi lang ako sinabihan ng co-teacher ko. Niligpit ko ang mga gamit, binitbit ang laptop habang naglalakad papunta sa kotse kong naka park. Pinatunog ko muna ang sasakyan bago pumasok sa loob at pinaharurot iyon palabas ng university. Dala-dala ang nakita kanina, mas lalo kong binilisan ang pagmamaneho hanggang sa makarating ako sa bahay. Napahinga pa ako ng malalim habang pinagmamasdan ang bahay namin. Hindi ko alam ang gagawin ngayon, pakiramdam ko ang laki-laki ng kasalanan ko sa pamilya. Sobrang guilty ako dahil pumatol ako sa istudyante ko. Hindi ko na alam, ayaw kong makita si papa dahil baka malaman niya ang katotohanan kapag magkausap kami. Lumabas ako sa kotse at nilakad ang pintuan namin. Kinagat ko ang labi ng makapasok sa loob, agad kong narinig ang boses ng TV, indikasyon na nanonood si papa sa sala. Napahinga ako ng malalim, dahan-dahang naglakad papunta sa hagdan habang hindi nililingon si papa. Ayoko talaga siyang makaharap ngayon, baka umiyak lang ako sa bigat na nararamdaman ko. Mariin ang hawak ko sa laptop habang dahan-dahan na umaakyat sa hagdan namin. Nasa ikatlong palapag na ako ng magsalita si papa. Napahinto ako at napahinga ng malalim. s**t! Anong mukhang ihaharap ko sa kanya ngayon? “Talitha, come here.” he said seriously. I sighed heavily. “Yes, pa.” sagot ko. I have no choice but to obey my father. Kaya bumaba ako at lumapit sa kanya. I put my things on the table and sit beside him. He sighed as he staring at me. “Are you fine?” I bit my lower lip. “Y-yes papa.” I said stutteredly. “Really?” I nodded and smiled fakely. “Opo, pa. Bakit?” tanong ko. He smirked. s**t, kahit may edad na si papa alam kong gumagana pa rin ang matalino niyang utak. Syempre nagtapos ‘to sa mataas na pag-aaral kaya alam kong hindi niya pa rin makakalimutan ang lahat ng natutunan. “You look stress. And your eyes swallowing. You have problem to share?” he asked concernedly. Umiling ako at ngumisi. No! Ayokong sabihin sa kanya ang tungkol kay Max. It would bring harm to him so I should keep it secretly. Maaaring magdulot pa ito ng kasamaan sa kalusugan niya. For now, I should think the health of my parents. Tutal may ibang babae na si Max na pwede niyang paglibangan kaya oras na ito para alagaan ko ang magulang ng mabuti. “Nothing papa. Just stress for the exam and lesson. It’s my own problem so think less about it…please?” masuyo kong sabi. He sighed. I know how much he want to help me but I always refused his shoulder to help. Ayokong pati problema ko sa school ay isipin niya pa. I want him to rest and be with my mother. They need rest, and thinking about my problem isn’t healthy for them. “I can help—” “Papa, no. I can handle it.” putol ko sa kanya. Bumuntonghininga siya bago tumango-tango. “I need to change my clothes. Akyat muna ako sa taas papa.” paalam ko. He smiled and let me go. Tumayo ako at umakyat sa kwarto. Sinarado ko pa ang pinto at nagbihis ng pambahay ko. Narinig ko pang tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng tukador pero hindi ko iyon pinansin. May kutob akong si Max ang tumatawag kaya hindi ko nalang sinagot. Ayoko muna siyang makausap o marinig manlang ang boses niya. I need to rest from everything. Masyado na siyang naging masalimuot sa akin simula ng magkakilala kami. Pakiramdam ko may nawalang bahagi ng buhay ko, and I couldn’t feel it anymore. Ayokong magalit sa kanya kasi may rason naman ang ginawa niya kanina. Ayokong magtanim ng sama ng loob dahil may sala din naman ako. Pero sadyang hindi tanggap ng kalooban ko ang nakitang halikan nila kaya iyon ang hindi lumulubay sa isip at puso ko. Paano kung pagtapos ng halikan nila umabot pa sa kung saan-saan? Paano kung may nangyari sa kanila? I know Maximilian, and he is a great philanderer! Kahit pa naging physical attach kami sa isa’t-isa, alam kong hindi pa rin mawawala sa kanya ang pagiging ganoon. It’s his nature, and I don’t know if there’s a chance to change him. Bata pa siya, magtatapos palang sa kolehiyo. Siguradong maraming oportunidad ang makukuha niya kapag matapos na siya sa pag-aaral. Alam kong maraming kukuha sa kanya na magagaling na kompanya dahil magaling din siya at may skill. Dagdagan pa ang itsura niya, tiyak na pasok siya sa banga! Kaya dapat maging open ako sa kanya kapag nangyari iyon. Hindi ko naman pwedeng pigilan ko siya sa mga gagawin niya. He has the life to function. Kaya dapat hayaan ko nalang siya sa mga gagawin niya. I should distant myself and let my feeling fade away. Marami pa namang pagkakataon na maramdaman ko ulit ‘to sa ibang lalaki e. After thinking those thoughts, bumaba na ako para sa dinner namin. Kaharap ang magulang ko habang kumakain kami, tahimik ako at hindi nagsasalita. Nakikinig lang ako kapag nag-uusap sila. I drink my water after eating my food. Saktong-sakto at nagsalita si papa. “Talitha, sunduin mo sa airport si Alrus. Wala siyang bitbit na sasakyan at gusto niyang magpakuha sayo.” si papa. Napakunot ang noo ko. “Bakit pa? Umuwi siya?” I asked. Bakit naman uuwi ang lalaking iyon? Nasa dagat siya ngayon nag-iipon ng pera para sa kasal nila ni Samantha. Why is it his home? “Oo. Gusto niya munang magpahinga. Bukas din ang balik niya sa Manila dahil nandoon ang nobya niya.” sagot ni papa. Napatango ako at huminga ng malalim. Ganoon ba? Bakit hindi nalang siya umuwi sa girlfriend niya? Kung gusto niyang magpahinga, bakit hindi sa nobya niya? Imbes na sabihin ko iyon, tumayo nalang at nagpaalam na aalis para sunduin ang kapatid ko. Nagsuot ako ng sweater dahil malamig, sumakay sa sasakyan at umalis papuntang airport. Hindi naman malayo ang paliparan kaya ilang minuto lang ang tinagal ko sa biyahe. Pagkarating ko sa airport, bumaba ako at tumayo sa waiting area. Seryoso ang mukha ko habang hinihintay si Alrus. Naagaw lang ang atensyon ko ng marinig ang boses ng lalaking pamilyar sa akin. Mabilis kong hinanap iyon, at nagulat ng makita si Max habang yakap-yakap ang isang may edad na babae. W-what? What is the meaning of this? Don’t tell me…sugar mommy niya iyon? Halos hindi ako makakilos sa kinatatayuan habang kitang-kita pa rin silang magkayakap. s**t, seryoso ba ‘to? Ganito ba talaga ka-playboy ni Max pati ang may edad na babae ay pinapatos niya? This is impossible and my heart is aching in pain again. Who is this woman? Mabilis kong inalis ang paningin sa kanila ng bumaling sa akin si Max. Saktong-sakto ng salubungin ako ng mahigpit na yakap ni Alrus. Napahinga ako habang iyon pa rin ang tumatakbo sa isip ko. Humiwalay ng yakap ang kapatid ko at tinitigan ako. “Wow ah, sobrang seryoso ng professor namin ah! Grabe, parehong-pareho kayo ni papa.” nakangising sabi ni Alrus. Umiling-iling ako at ngumisi sa kanya. “Sira!” sagot ko. He continue saying joke word. Umiling nalang ako at naunang lumakad sa kanya. Binitbit niya ang maleta habang sumusunod sa akin. Daldal siya ng daldal habang pasakay na kami sa kotse. “You know what, muntik na akong malunod sa gitna ng Indian ocean. Seriously? Kabisado ko naman ang dagat na iyon pero bakit nangyari pa ‘yun sa akin?” he said unbelievably. I smirked. I maneuvered the car and leave the airport without hesitation. Kung ano man ang nakita ko ngayong gabi, siguradong uusigin ako kakaisip no’n! “Buti hindi ka nalunod?” sarkasmo kong sabi. He shook his head. “Hindi malamang! Todo-todo ang pagdarasal sa akin ni Samantha kaya siguro ginabayan ako ng Diyos.” nakangisi niyang sagot. Umirap ako at umiling-iling. Landi din ng kapatid ko e! Katulad din ni Karlmart, jusko hanggang ngayong nasa Manila para sundan ang babaeng pinakamamahal niya. Hindi ko na talaga alam ang takbo ng isip ng mga kapatid ko. Mga baliw sa pagmamahal! Mabilis kaming nakarating sa bahay. Syempre kinamusta si Alrus ni mama at papa. Nag-usap pa sila sa sala at sinamahan pa ang kapatid kong kumain. Umakyat naman ako para isipin ang nakita kong eksena kanina sa paliparan. Sinarado ko ang pinto at humiga sa kama. Mabilis na pumasok sa isip ko si Max at ang kayakap niyang babae. Sino kaya iyon? At ano ang ugnayan nilang dalawa sa isa’t-isa? Malakas ang kutob kong malalim pa ang ugnayan nila, hindi ko man masabing sugar mommy niya ba iyon o may iba pa? Ever since, hindi ko pa nakikilala ang magulang niya. Wala din siyang nabanggit sa akin tungkol sa mama at papa niya. Hindi ko naman pwedeng ipagpilitan na tanungin ang ganoong bagay kasi pribado na iyong usapan. Ngunit labis pa rin ang pagtataka ko kung wala akong mabalitaan tungkol sa pamilya niya. Buhay pa ba ito? O, hindi na? Nasa malayong lugar ba ito? Yun ang mga tanong na pumapasok sa isip ko. Kung buhay pa ang magulang niya, bakit hindi ko makita? Bakit hindi niya masabi sa akin? Kinakahiya niya ba ang mama at papa niya? Honestly, nasabi ko na sa kanya ang lahat tungkol sa pamilya ko. Wala akong nililihim sa kanya tungkol sa kanila kasi alam kong karapatan niyang malaman iyon dahil may nangyayaring ugnayan sa amin. So I tell him about my family. Pero siya? Ni pangalan ng mama at papa niya ay hindi manlang masabi sa akin. Why? Kaya malaki ang posibilidad sa iniisip ko e, kung hindi niya sugar mommy iyon malamang mama niya! Nasa dalawang option lang ‘yan. Sobrang nakakadire naman kung magiging girlfriend niya iyon, s**t hindi ko maaatimang makita silang maghalikan. I shake my head to lose those thoughts. It’s very unhealthy to me! Masyado akong nadadala sa emosyon ko. I need to rebuild myself. I need to bring back the old me, yung hindi pa kilala si Max. Yung walang katulad niyang nag-e-exist. Yung hindi ko pa siya nakikita at nahalikan. Yung pure Talitha, walang bahid niya at ng labi niya. I should bring it back. Masyado na akong nato-toxic sa aming dalawa. Kailangan ko ding mag-focus sa lesson kasi parating na ang exam. Ayokong may maiwang aralin lalo pa’t dapat marami akong maibigay na kaalaman sa mga istudyante ko. Sa sobrang pag-iisip ng mga bagay, nakatulog nalang ako sa malambot na kama. Nagising dahil sa araw na pumapasok mula sa bintana ko. Tinanggal ko ang muta sa mata at pinagmasdan ang buhay na araw. It’s a good day, so I should be positive today. Tumayo ako at naligo, gaya ng morning ritual ko. After taking the bath, I wore my assigned uniform and combed my hair softly. When I finish putting my lipstick, bumaba ako para magpaalam na sa magulang ko. I know for sure umalis na si Alrus. At tama ako dahil wala akong naabutang bulto ng lalaking ‘yun sa lamesa. My mother smile at me when she saw me. “You look so much beautiful in your uniform, hija.” she said happily. I smiled genuinely. “Thank you, ma.” tugon ko. Nagpaalam ako sa kanila na maagang aalis dahil may flag raising pa kaming gagawin. I will take my breakfast in the school. Mabuti nalang at may hinandang baon sa akin si mama kaya hindi na ako nag-abala pang gumawa. Pagkarating ko sa paaralan, bumaba ako at sinarado ang pinto ng kotse. Ngumiti ako sa mga istudyanteng nadadaanan ko. Habang nilalakad ang pasilyo papunta sa department ng faculty namin, nakita ko mula sa malayong parte si Max. Nakatayo at titig na titig sa akin, gamit ang seryosong mukha at umiigting na panga. I looked at him blankly as I walked confidently. Tinatagan ko ang loob kahit pa kinakabahan ako sa kaloob-looban ng puso ko. He stood straight, I sighed heavily. Nang malapit na ako sa kanya, iniwas ko ang tingin at hindi na siya pinansin. Paulit-ulit kong sinabi sa sarili na kailangan kong ibalik ang sarili sa pagiging seryoso at masungit. Kaya iyon ang ginawa ko. Hindi ko siya pinansin at dire-diretso lang ang lakad ko. When I passed him, I heard his deep sighed. Manigas ka! Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin. I walked confidently again. “Ma’am, can we talk?” he said gently. I sighed. “I’m busy.” maikli kong tugon. “Hindi mo ba pwedeng gawin iyon pagkatapos nating mag-usap?” dagdag niya pa. Ngumisi ako ng hinarap siya. Gaya ng dati, kuhang-kuha niya pa rin ang loob ko. “Mr. Elizaga, my time is very precious. If it’s not for my subject, then I don’t have time to talk with you.” I said coldly. I smirked and turn myself to continue walking. As I said, bring back the old me. A serious and stern version of me. --- Alexxtott
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD