I
Thank you so much for reading! (:
Present Time
"MICA, PINAPATAWAG KA NI SIR FEDERI SA OFFICE NIYA." Napahinto ako sa pagtype sa aking laptop at napalingon sa kaibigan kong si Cherry dahil sa sinabi niya.
"Bakit daw?" Taka kong tanong.
"Aba malay ko." Nagkibit-balikat pa siya para talaga i-imphasize na wala siyang alam kung bakit ako pinapatawag ng aming principal.
"May ginawa kang katarantaduhan 'no?" suspetsa ni Aila,kaibigan at co-adviser ko, habang naniningkit ang kaniyang mga mata.
"Wala ha," pagtanggi ko habang nag-iisip. Tumayo ako tsaka lumabas ng aking classroom.
Ganoon nalang ang kaba sa aking dibdib habang naglalakad papunta sa office ng aming principal. Wala akong ka-ide-ideya kung bakit niya ako pinatawag. Wala naman akong ginawang masama this past few days. Naipasa ko naman on time yung report na pinapagawa niya kahapin. Nakapag-online seminar rin naman ako doon sa link na ipinasa niya sa amin sa group chat last Monday.
So, bakit?
Dahil kaya miss niya lang ako?
Natapik ko ang aking noo sa naisip. Ang gaga lang!
Humugot ako ng malalim na paghinga nang makarating ako sa labas ng pintuan ng kaniyang office. Kumatok ako ng tatlong beses bago ko pinihit ang seradula ng pintuan para makapasok. Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi nang magtama ang aming paningin.
Kahit kelan talaga ang gwapo ni Sir kapag nakangiti!
"Good afternoon, Sir." Magalang kong bati sa kaniya. Sumegway ako ng mabilis na tingin sa bandang kanang bahagi ng table ni Sir at napansing walang ang kaniyang secretary.
Meaning, kami lang dalawa sa office niya. At meaning nun, masosolo niya ako!
Gaya ko ay naka suot din si Sir Federi ng aming school sublimation jersey. Ito na kasi ang aming napagkasunduang suotin every first Friday of the month.
Kahit simple lang ang aming sublimation jersey mukhang naging mamahalin kay Sir Federi.
Matangkad si Sir at matipuno pa ang pangangatawan. Bukod kasi sa pagtatrabaho ay nakagawian na nitong mag-gym. Wala naman kasing pamilya dahil nga single kaya lahat ng oras at atensiyon niya ay nasa kaniyang sarili sa ngayon.
Gwapo si Sir Federi. He has expressive eyes that convey depth and intelligence. His smile is warm and genuine. He has Defined jawline and well-groomed facial hair that enhance his masculine appeal, while his skin appears healthy and radiant.
Oppa na oppa ang dating. Yung tipong kapag nakita mo ang picture niya masasabi mo nalang na, jojowain, pakakasalan, luluhuran, aasawahin, papakasalan ulit sa church, sa beach o kahit sang lupalop niya pa gustuhin.
Hindi ko nga alam kung bakit single pa rin siya gayong malapit ng mawala sa kalendaryo ang kaniyang edad.
Siguro hinihintay ako nito? Feeling ko lang.
"Good afternoon, Miss Jamaica. Upo ka." Umupo ako sa iminuwestra niyang upuan na wooden chair na nasa harapan ng kaniyang table.
"Pinapatawag n'yo raw po ako sabi ni Ma'am Tadeo." Umpisa ko kahit na parang may mga dagang nagrarambulan sa dibdib ko.
Kahit madalas kong nakikita sa flag ceremony at mga meetings si Sir ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan kapag kaharap ko siya. Don't judge me. He has this aura na sobrang intimidating niya na hindi mawawala ang kaba mo kapag kausap o kaharap mo siya.
"As a matter of fact, yes." Aniya. Napakagat labi ako. Mukhang dudugo ang ilong ko nito. Wala pa naman akong baong English ngayong araw.
"I wanted to discuss something important with you today." Bigla na naman ang kada sa aking dibdib.
Anong something important naman kaya 'yon?
Don't tell me, attractive siya sa akin at yayayain niya akong magdate?! Hell, yes!
Kinurot ko ang aking sarili para tumigil sa mga kalandiang naiisip. "Ano po iyon?" magalang kong tanong.
"We've been considering a transfer for you to another station within the district. There's an opportunity that aligns well with your skills and experience."
Wait lang, dumudugo ata ilong ko.
Ilang segundo akong napatitig sa mukha ni Sir. "Miss Jamaica?"
Napakurap ako ng tatlong beses nang maproseso ang kaniyang sinabi. "T-Transfer po, Sir?" Parang hangin na lumabas iyon sa aking bibig.
Nabingi ba ako?