Hindi natuloy ang dapat na press conference ko noong nakarang araw. It was moved today, sabay sa laundry detergent endorsement contract signing ko. Sa tingin kasi ni Mommy ay mas makakabuti iyon, na iisipin ng mga tao na buhay na buhay pa rin ang career ko.
Naupo ako sa gitna ng local general manager ng detergent at ni Mommy Tash. Sanay na ako sa camera, wherever I go nasusundan nila ako but this time pakiramdam ko masusuka ako sa kaba, namamawis ang kamay ko. I know how cruel the media is, wala silang takot sa mga bagay na itatanong nila.
“Smile Nik, ‘wag kang kumunot. They’re taking your pictures,” bulong ni Mommy Tash.
Ngumiti ako. I made sure it will appear genuinely.
I am fully aware na wala naman talagang pakialam ang mga tao sa mga pinagdadaanan ko, hahangaan lang nila ako kung maganda ang pinapakita ko. If my life become miserable ay maghahanap ang mga fans ng bago nilang hahangaan, I have to be perfect.
Walang tigil ang pagkislap ng camera nang pumirma ako, pagkatapos kong tiklopin ang folder ng contract ay mas lalo akong kinabahan. This is it. They will gun me down with their insensitive questions.
“Miss Anika, I am Nori from ABC news, ano po ang masasabi niyo sa kumakalat na balita na you are fired from your million-dollar gig in New York dahil sa pagiging unprofessional niyo raw sa naturang photoshoot?”
I hold the microphone firmly, natatakot ako na malaglag ko ‘yon sa panginginig ng katawan ko. Huminga ako ng malalim. I can do this. I have to do this.
“That’s not true I am not fired,” maikling sagot ko.
Mommy Tash told me less talk means less mistake, hindi na dapat malaman ng publiko ang totoo pero hindi na rin dapat ako magsinungaling, it will only cause a much bigger problem.
“If you are not fired bakit hindi ka natuloy sa cover ng Valkyre?”
“I have my personal reasons.”
Nagbulong-bulongan ang mga tao sa loob ng silid, they are speculating the worst.
“Miss Anika, I am Kristin from Candle Mag, ang personal reason ba ay ang paghihiwalay niyo ng businessman na si Sebastian Enriquez?”
I expected it, na itatanong talaga nila ang tungkol sa hiwalayan namin ni Sebastian but hearing his name again hurts me. Hindi ko lubos matanggap na wala na kaming dalawa.
“Totoo, hiwalay na nga kami ni Sebastian Enriquez pero hindi ‘yon ang dahilan sa kung bakit ako nagresign sa New York gig ko. It’s more of my personal relationship with myself.”
“Are you depressed Miss Anika?”
Natigilan ako, napabaling ang tingin ko kay Mommy Tash. Am I depressed? I am sad but not suicidal. Kapag ba broken-hearted automatic depress na kaagad?
“Anika is not depressed, may mga personal na bagay lang talaga na hindi na dapat isapubliko,” pagsalba sa akin ni Mommy Tash.
“Gaano po ka totoo ang balita na pinagpalit daw ho kayo ni Mister Enriquez sa ibang babae?”
Pinagpalit? She can use a better term pero mas ginusto niya akong saktan. Gusto kong murahin sila isa-isa, I am a model, what I do is different with my personal life. Bakit nila inuungkat ang mga sakit na tinatago ko?
Hindi naman kami artista ni Sebastian, hindi kami sikat na love-team, hindi affected ang trabaho ko kung maghiwalay man kaming dalawa.
Magkaiba kami ng karera, kayang-kaya naming makaiwas sa isa't isa kung hindi lang uungkatin ng media ang lahat.
“We broke up months ago, kung may girlfriend na siyang bago karapatan niya ‘yon. Our break-up is a mutual decision, to end all the speculations, ako ang nakipaghiwalay. I fell out of love and want to grow outside of our long-term relationship. Maraming salamat sa pagpunta niyo, wala na akong maisasagot sa susunod niyo pang mga tanong, thank you,” anas ko at tumayo na tsaka naglakad papalabas sa hall.
Masyado ng masakit ang mga tanong na naririnig ko, bahala na si Mommy Tash na asikasuhin ang lahat ng ito. Kahit pa gusto ko ng aminin na kasalanan nga talaga ni Sebastian ang lahat, I can’t do it. Mahal ko pa rin siya at may kasalanan naman ako kung bakit siya naghanap ng iba.
I am boring and doesn’t know how to please him.
Sa mga sumunod na araw ay nagkulong lang ako sa unit ko. Nagpapahatid ako kay Mommy Tash ng pagkain at grocery. Takot ako na lumabas, I don’t even check my phone, takot ako sa mababasa ko.
Paulit-ulit ang buhay ko sa araw-araw, gumigising para maligo at kumain, tsaka manonood ng movie hanggang sa makatulog na ako.
I am sad. Alone.
Nakahiga ako sa kama habang nakapatong sa tiyan ko ang macbook kung saan ako nanunood ng movie, sa dibdib ko ay nagkalat ang popcorn na kinakain ko. Nagring ang telepono sa tabi ko, nag-aalangan ko pa iyong dinampot bago pikit matang sinagot kung sino ang tumawag.
“Anika..”
Nahigit ko ang paghinga ko; it’s Sebastian.
“Sebastian..”
Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko. Yes, umaasa ako na nagbago ang isip niya at napagtanto niya na ako ang mahal niya.
“Tumawag lang ako para magpasalamat. You saved my name, thank you Anika.”
Napapikit ako, hindi na niya kailangan na tumawag pero ginawa niya. Wala siyang alam na pinaasa niya lang ako ulit tsaka sinaktan.
“No problem.”
“How are you?”
“I’m doing good. May kailangan ka pa ba?”
“Ha? Ah, wala naman na..."
Pinutol ko na ang sasabihin niya, pinatay ko ang cellphone at bumalik sa pagkakahiga. Hindi ko na kaya ang masaktan pa dahil lang sa pagtawag niya. Tsaka para saan pa ba?
Magkakamustahan kami then what? Wala na. Ako lang din ang masasaktan at siya masaya kasama ang pinalit niya sa ‘kin.
Inayos ko ang sarili ko, hindi ko inasahan na ang pagtawag ni Sebastian ay kinailangan ko para matanggap na ang nangyayari. Ngayon na malinaw na ang lahat sa akin, na wala na talaga kaming pag-asa na magkabalikan ay wala na akong inisip kundi ang ayusin ang career ko, iyon nalang din kasi ang natitira sa akin.
“Miss Anika, ang ganda niyo po today.”
Ngiti lang ang sinukli ko sa hairstylist ng brand, kahit na anong ibigay niyang papuri sa ‘kin alam ko naman na sa isip niya may iba siyang iniisip tungkol sa ‘kin. Worst case ay pinagtatawanan niya ako sa loob niya.
“Hindi naman ito ang unang commercial niyo Miss Anika?” tanong ng production head sa ‘kin.
“No,” tugon ko.
Before I became a runway model naging commercial model ako ng halos isang taon pero naninibago ako ngayon. Ilang taon na ‘yon, bata pa ako at wala pa masyadong pera.
“Gusto kasi ng client na natural lang siya, kung hindi po kayo comfortable sa words ay pwede po kayong mag-adlib.”
Tumango lang ako at sinimulang basahin ang script, kung ako lang ang masusunod hindi ko na ito gagawin kasi hindi naman talaga ako naglalaba. That’s ironic na mag-endorse ako ng sabon panglaba tapos ni hindi nga ako nakakahawak ng labahin.
“Ready na po kayo Miss Anika?”
“Yes.”
Tinignan ko sandali ang sarili sa salamin bago pumunta sa green screen. I lost weight, pumayat pala ako lalo. I promise myself pagkatapos ng araw na ito ay aalagaan ko ang sarili ko ng mabuti.
It is hard adjusting to the new project I’m in. Pakiramdam ko naninibago ako na kailangan kong magsalita sa harap ng camera. I’m used to projecting and doing straight faces.
“Congratulations, Miss Anika. You did a great job,” papuri sa ‘kin ng director.
“Thank you rin direk.”
Nagkamay kaming dalawa pagkatapos ay tumalikod na sa isa’t isa. Sa paglapit ko kay Mommy Tash ay niyakap niya ako kaagad. Pinag-alala ko siya, halata iyon sa kilos niya.
“I’m so proud of you Nika. Ayusin mo ang sarili mo para rin naman sa ‘yo ang lahat ng ito, ipakita mo kay Sebastian kung ano ang iniwan niya,” bulong niya bago siya humiwalay sa pagyakap sa akin.
Ngumiti ako sa kanya, hindi ko nalilimutan si Sebastian pero tanggap ko na na hindi na siya babalik pa.
“Noted po,” ani ko na ikinangiti niya.
“Uuwi ka na ba? Gusto mo ba sa bahay ka na muna matulog?”
Umiling ako, hindi na ako sanay na may kasama sa bahay. Alam ko na kapag andoon ako sa kanila ay masyado nila akong aalagaan, ayaw ko na masakal at mawalan ng gana na kasama sila.
“Gusto ko muna makapag-isa mommy.”
“Bakit hindi ka nalang magbakasyon sa ibang bansa? Wala ka pa namang nakakontrata na trabaho.”
I already think of it pero ayaw ko na hayaan ang sarili ko na mag-enjoy sa kalungkutan. Hindi naman si Sebastian ang huling lalaki sa mundo, kung kaya kong mag-improve sa mga bagay na hinanap niya sa iba ay baka sa susunod na lalaki na makikilala ko ay iyon na talaga.
I can move on.
I will do everything I can to move on.
“Don’t worry about me, kaya ko na ang sarili ko,” ani ko at niyakap siyang muli tsaka nauna nang umalis.
Kung bibigyan ko siya ng pagkakataon na magsalita pa ay baka makumbinsi niya akong magbakasyon sa malayo. I can’t move on by doing that. Kilala ko ang sarili ko, hindi ako makakalimut sa paglayo.
Nangako na ako sa sarili ko, ngayon na ang huling araw na gagawa ako ng hindi maganda sa sarili ko. Tumigil ako sa malapit na bar.
Five in the afternoon.
Wala pang tao nang pumasok ako. Naglilinis pa lang ang mga staff, nang maupo ako sa harap ng bartender ay tinignan niya ako na parang nagugulohan.
“Ma’am hindi pa po kami bukas.”
“Give me a martini.”
Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahilan para mapakamot siya sa kanyang ulo. Hinugot ko sa bag ko ang ilang thousand cash at nilapag sa harap ko.
“That’s your tip. Now, give me my martini.”
Nag-aalangan man ay kinuha niya ang pera at mabilis akong nilagyan ng inumin sa harap. Uminom ako ng uminom hanggang sa wala na akong maramdaman.
Tonight, I’ll be a slut if needed. I want to get wasted and end up with some stranger’s bed.
I don't plan to become a kaladkarin pero ngayong gabi gagawin ko, kailangan ko 'to para mapatunayan sa sarili ko na kaakit-akit ako.
Nang dumami na ang tao ay lumipat ako sa kanilang VIP table. I’m drunk but not drunk enough to flirt around.
“Hi, can I join you?”
A man, with a really neat face is standing in front of me. Sa magkabilang kamay niya ay may hawak siyang inumin. Kilala ko pa rin naman ang sarili ko and he isn’t my type.
“I’m sorry I like to be alone,” pagtataboy ko sa kanya.
Bumagsak ang mukha niya pero nagawa niyang ngumiti muli. Nilahad niya ang isang baso sa kamay ko.
“At least get this drink. Kinapalan ko na ang mukha ko sa paglapit sa ‘yo don’t disappoint me, please?”
Tinignan ko ang baso tsaka tinignan siya, nagkibit balikat ako tsaka kinuha mula sa kanya ang baso. Hindi na ako muling bumaling pa sa kanya, hindi naman siguro siya bobo para hindi maintindihan na gusto kong mag-isa.
Nang humakbang na siya palayo sa akin ay tinapon ko ang laman ng baso sa lapag. First time ko na pumunta sa bar lalo at mag-isa ako but I’m not ignorant. I can’t trust a man because he is gentle or kind, hindi ko mabasa ang nasa isip niya, hindi ko siya kilala kaya hindi ko rin alam kung may nilagay siya sa inumin na binigay niya.
I want to have a one-night stand pero hindi ibig sabihin noon ay kahit kanino nalang. Kung bukas ay magigising ako sa hindi pamilyar na kwarto ay gusto ko naman na ang nasa tabi ko ay makapasa naman sa tipo ko.
After another round of drink lumakas na ang loob ko. Bakit nandito pa ako kung matatakot lang din naman pala ako na gawin ang pinunta ko? Walang lalapit sa akin na lalaki kung hindi ako magbibigay kahit kaonting motibo.
I fix my clothes and find my way to the dance floor. Palakad pa lang ako papunta kung saan ang pole ay nagsihawian na ang ibang sumasayaw.
That’s right; bow down before me, I want you all to recognize what I can be.
When my palm touches the cold pole, I felt excited. I’m doing this, and I’ll be good at this.
I’ll make every single guy inside this bar crave for me. I want all of them to want me, only me, and never look at any other woman.
I started swaying my hips following the upbeat tune of the DJ.
Naramdaman ko na rin ang pag-init sa gawi ko, more and more people circling around me.
Napangiti ako. Sige lang, pag-agawan niyo ako.
Hindi ko na alam kung sino na ang nakadikit sa likod ko o kung sino na ang nakahawak sa bewang ko but I didn’t mind. Ito ang gusto ko, yes, this is what I want.
I’m not boring or unattractive.
I am Anika Flores and I can be whatever I want to be; no man will ever cheat on me again.