TBEG CHAPTER 1
ANIKA
Have you ever experienced pain that you asked God to take away your life?
Have you ever felt helpless?
Have you ever questioned your worth?
Ako, I did, multiple times that I lost count.
Sinundan ko ng tingin ang papalayong bulto ni Sebastian, gusto ko siyang pigilan sa pag-alis pero huli na ang lahat para ayusin pa namin ang kung anong mayroon sa aming dalawa.
Eight years. Sa loob ng walong taon na relasyon naming dalawa hindi ko lubos inakala na matatapos kami sa paraan na magkakaroon siya ng iba. Akala ko ay kami na, akala ko ay kaya niyang maghintay, na sapat na ang binibigay ko pero kulang pala ang lahat. Kulang ang sarili ko at naghanap siya ng iba.
I wipe my tears and stand up. Nahilo ako sa dami ng ininom ko para lang magkaroon ng lakas ng loob sa paghihiwalay naming dalawa. Naglakad ako palabas sa restaurant na paborito namin ni Sebastian, kumikirot ang puso ko. Hindi lang oras at panahon ang sinayang ko sa kanya, maging pagmamahal ay nasayang lahat.
So, this is it?
He is my first boyfriend, but not my first heartbreak. Napapikit ako nang sumagi sa isip ko ang unang beses na nawasak ang puso ko, mismong pamilya ko at magulang ang unang mga tao na nagbigay ng sakit sa puso ko.
Bakit ganito nalang palagi ang nangyayari sa buhay ko? Kung sino pa ang inaasahan ko na magmamahal sa akin ay sila pa ang mananakit sa akin.
How will I do this? Should I move on? Or wait for Sebastian a little longer? At baka magbago pa ang isip niya, that he will realize that I am the one he loves at hindi ang kung sinong random na babae na nakilala niya sa bar.
But I’m stupid just by thinking of it. I saw how he looks at her, how he cares for her, how he smiles when she looks at her.
Minahal ako ni Sebastian, alam ko ‘yon sa sarili ko but not the same love he is giving this new woman.
Naging tanga na ako ng paulit-ulit sa kanya, ayaw ko na.
Tinignan ko ang oras, three in the afternoon. Gusto ko nalang matawa sa ginagawa ko sa sarili ko. May photoshoot ako ng ala-una. I’m late, heartbroken, and drunk.
Nagawa kong makapunta sa location ng shoot, sa pagdating ko ay sinalubong kaagad ako ng manager ko na si Mommy Tash. She’s like my second mom. Well, she’s the mom I want to have. Sobrang layo ni Mommy Tash sa tunay kong ina, ni minsan ay hindi niya ako naisip gamitin para sa pansarili niyang interest, hindi niya nagawang paghimasukan ang buhay ko kahit minsan.
Napahinga ako ng malalim, bumalik sa akin ang lahat noong hindi pa ako nakakaalis sa poder ng mga magulang ko. I am only wanted if I am useful.
“Nika, bakit late ka na naman?” bungad na tanong niya sa akin. Puno ng pag-aalala ang mukha niya. Aware naman siya sa lahat ng pinagdadaanan ko pero hindi namin napag-uusapan.
Nilapit niya ang mukha sa akin at inamoy ako. Napaatras siya at tinignan ako ng puno ng pag-aalala.
“Nik, uminom ka na naman ba?”
“No, my. Let’s do the shoot na.”
Nilagpasan ko siya, sinalubong ako ng hair and make-up team. I didn’t mind their judgemental stares, this isn’t my first late sa loob ng isang buwan. Kalat na rin sa internet how unprofessional I am sa nangyari noon sa pag-iwan ko ng malaking gig sa New York. I wasn’t fired like I told Sebastian, I ditched my job to be with him, to save our realationship.
Pinaupo nila ako sa harap ng salamin at sinimulang ayusan. I'm feeling kind of dizzy, pinikit ko ang mga mata ko, pinilit na hindi isipin ang nangyaring official na hiwalayan namin ni Sebastian.
Sumasama lang lalo ang loob ko.
Matagal ko ng alam na niloloko niya ako, that he has another woman living with him pero hindi ako nagsalita, I tried to fix our relationship, I tried to prove myself. Magpapakasal na nga ako sa kanya kahit hindi pa ako handa but nothing made him stay with me, pinili niya pa ring iwanan ako.
Few times I asked myself what is wrong with me. Is it my face? My work? My outlook in life? No, nothing of it matters, ganito na ako bago pa kami magsimula. Ganito na ako bago pa niya ako makilala. Walang mali sa akin pero hindi lang talaga ako naging sapat para sa kanya.
“Nakainom na naman si Miss Anika. Grabe ano kaya ang problema niya?”
“Hindi mo ba narinig ‘yong tsismis? Break na raw sila ng boyfriend niya.”
“Totoo ba ‘yan? Ano raw dahilan?”
“Third party syempre.”
“Third party? Sa ganda niya?”
“Hello, day! Daig ng malandi ang maganda.”
Pinagpatuloy ko ang pagpapanggap na natutulog, hinayaan ko lang silang dalawa na magbulongan sa kung anong nangyayari sa akin. Ilang linggo na ring kumakalat ang tsismis patungkol sa ginagawa ni Sebastian, simula ng isa sa kasamahan ko sa agency ang nakahuli sa kanya na kasama ang babae niya. But I suck everything up, hindi ako nagsalita, hindi ko hinayaan na masira si Sebastian.
I love him.
Mahal ko siya at may pinagsamahan kaming dalawa. Kung sisirain ko siya, sila ng babae niya, wala namang magbabago. Hindi mawawala ang sakit sa puso ko.
Gusto ko nalang matapos ang lahat ng ito, gusto ko nalang mawala ang sakit, gusto kong makalimot.
Ginising ako ni mommy Tash para sabihin na hindi na tuloy ang shoot, ayaw na ng director na makipagtrabaho sa ‘kin kasi mabilis pa sa hiwalayan namin ni Sebastian ang pagkalat ng balita sa set na lasing na naman ako.
Yes, nakainom ako but I can still carry myself. Gusto kong makipagtalo sa director pero wala na akong lakas, I’m tired, gusto ko nalang mahiga at matulog.
“Nik, ayusin mo muna sarili mo. Magpahinga ka, ako na kakausap kay Lao.”
Tinanguan ko lang si Mommy tsaka pumasok sa kotse ko. Nakita ko pa sa rear-view mirror ang pagkaway niya sa papalayong kotse. Hindi lang photoshoot ang hindi natuloy, my contract with the endorsement is terminated.
I’m broken hearted at kung mawawalan ako ng career I’ll be broke. What kind of life I have?
Dumaan ako sa convenient store tsaka bumili ng ilang litro ng ice-cream, gusto kong magkulong sa kwarto at iiyak ang sakit ng puso ko. Wala namang problema kung tumaba na ako, wala naman na akong trabaho.
Pag-akyat ko ay nilagay ko ang ibang ice-cream sa fridge, ang isa ay hinaloan ko ng inumin bago dalhin sa kwarto. Nilakasan ko ang aircon, naghanap ng mapapanuod na movie at sumalampak sa higaan.
I don’t get it, bakit ang isang tao na heartbroken ay gusto palagi manuod ng sad movie o makinig sa sad songs? Para sa ‘kin kasi gusto kong mas umiyak, ‘yong isang bagsakan lang at wala na akong maiyak.
I badly want to move on, hindi ako pwedeng maghabol kasi wala na akong pag-asa.
Last night is a bad idea. The liquor mixed with ice-cream is hell. I woke up with a bad cramps on my stomach, hindi ako makakain dahil sa sinusuka ko lang naman lahat.
I don’t want to go to the hospital with a stomach pain dahil ang utak pa naman ng mga tao ay madumi, kung may makakakilala sa ‘kin sa hospital ay baka simulan pa ng tsismis na buntis ako.
Hell, I don’t like another burden.
I called my manager and let her know kung anong kalagayan ko, she advised me to go to the hospital pero ayaw ko nga. Kaya naman tinawagan niya ang kakilala niyang doctor to ask for prescription, nang matanggap ko na ang mensahe ng bibilhin kong gamot ay nag-ayos na ako.
I put on a hoodie and dark sunglasses.
To my surprise nang pagbukas ko ng pinto ay kung wala akong sunglasses ay baka nabulag na ako sa kislap ng kamera sa mukha ko. I was taken a back, gusto kong tumakbo papasok pero nacorner na ako.
Nasa gitna ako ng paparazzi at patuloy na kinukuhanan ng litrato.
“Miss Anika is it true hiwalay na kayo ng businessman na si Sebastian Enriquez?”
“Anong masasabi mo sa unprofessional comments sa ‘yo ni Direct Erik Lao?”
“Anika, ano ang reason ng hiwalayan ninyo ni Mister Enriquez?”
“Miss Anika, totoo ba na third party talaga ang dahilan?”
I am overwhelmed, hindi ako makasagot sa kahit anong tanong nila. Tinulak ko sila at patakbong pumunta sa parking lot. I don’t feel safe sa sarili kong unit.
I drive to Mommy Tash house, hindi ko alam kung ano ang dapat ko na gawin, siya lang ang alam ko na kaya akong tulongan sa mga oras na ito.
“Nika, anong nanyari sa ‘yo?” puno ng pag-aalala ang mukha ni Mommy Tash nang abutan ko sila ng kanyang lesbian partner na si Ate Marie na kumain sa garden.
“M..Mommy..."
I can’t help it, naiyak ako ng yakapin niya ako.
“It’s okay, maupo ka muna.”
Pinaupo ako ni Mommy Tash tsaka naman ako inabutan ng tubig ni Ate Marie. They are really good people. Before I became a model sila ang tumulong sa ‘kin. Nang makapasa ako sa scholarship sa college ay umalis ako ng Bataan at pumunta rito sa manila. Nakipagsapalaran ako, walang kakilala at hindi alam ang pupuntahan, tanging application form ko lang ang dala ko at ang scholarship grant.
Mommy Tash discovered me nang kasama ang mga kaklase ko ay nag-audition kami para maging extra sa movie. I will never forget that day, gutom ako at walang tulog mula sa night work, hindi ako natanggap maging extra sa pelikula pero nabigyan naman ako ng pagkakataon na makilala si Mommy Tash. It took me only a year at nagkaroon ako ng big break. Marami akong pinagdaanan pero later on ay nagbunga lahat ng pinaghirapan ko. At ngayon sa ginagawa ko sa buhay ko nahihiya ako kay Mommy Tash, parang binalewala ko ang lahat ng tulong nila sa 'kin ni ate Marie.
“Anong nangyari Nik?” si ate Marie na ang nagtanong sa ‘kin.
I look at them. Nakapulupot ang isang kamay ni ate Marie sa bewang ni Mommy Tash. They are the sweetest couple I know.
“I’m sorry kung napasugod ako rito,” paghingi ko ng tawad sa kanilang dalawa. They are having a good breakfast at ako itong nagdala sa kanila ng problema.
“Ano ka ba Nika, you’re like our own child. Ano ba ang nangyari?”
That’s the truth, tinuring nila ako parehas na parang tunay na anak. Kung saan at ano man ang narating ko it’s because they helped me.
“Wala naman My, may mga press lang na sumugod sa akin sa condo.”
Nagkatinginan silang dalawa. Alam ko ang iniisip nila, kahit naman ako napatanong na rin sa kung paano sila nakaakyat sa unit ko. Sa loob ng halos sampung taon ng karera ko kahit minsan ay hindi ako nagkaroon ng problema sa privacy ko, marami na rin akong kinasangkutan na issue pero ni minsan ay hindi pa ako nagawang gulatin ng press sa mismong tapat ng condo ko.
“Kailangan mo na silang harapin Nik. You need to clear your name para masalba ang career mo. You see hindi na ako magsisinungaling sa ‘yo, nakausap ko ang producer ng New York gig ayaw ka na nilang makatrabaho, you are blacklisted sa lahat ng company nila. Kasi naman Nik, umalis ka, walang paalam at walang binigay na reason. Even Direk Lao, alam mo naman ang attitude ng baklang ‘yon, dati pa hindi ka na gusto kaya naging dahilan na rin sa kanya na lagi kang late at lasing kapag may shoot.”
Napahilot ako sa sintido ko. I sacrificed a lot para marating lahat ng ito pero mukhang mawawala lang din pala sa ‘kin.
“Nik, umatras na lahat ng endorsement and gigs mo. Ngayon wala na nga akong choice kundi tanggapin ‘yong offer sa ‘yo ng isang detergent brand. Kung masisira career mo baka wala ka ng magiging trabaho unless papayag ka maging nanay sa mga teleserye at movies or worst eh maging sexy star ka nalang. Kaya mo bang lunukin 'yang pagiging mahinhin mo at maging hubadera?"
Ayaw ko na sanang intindihin pa ang lahat, hahayaan ko nalang ang mga tao sa iisipin nila sa ‘kin but Mommy Tash is right. Masisira ang career ko kung tatahimik ako sa isang tabi.
Walang taong sasalba sa akin kundi mismong ako rin, kung hindi ako gagalaw ay malulugmok lang ako lalo.
“Okay, my. Gawin niyo po kung ano sa tingin niyo ang tama.”
Pinapaubaya ko na sa kanya ang lahat, mas alam naman niya ang dapat na gawin.
Pagkatapos naming mag-usap ay pinaakyat niya ako sa guestroom, kailangan kong magpagaling at magpahinga. The presscon is tonight. Mabilis nakagawa ng paraan si Mommy Tash para maresolve na kaagad ang mga issues. Ang bawat minuto ay mahalaga, dahil sa bawat patak ng oras ay paglala ng mga balita tungkol sa 'kin.
I lay down on the bed. I remember what my biological mom said when I told her na gusto ko ng lumayo sa kanila, na hindi ko na kaya ang pananakal at pangongontrol nila sa buhay ko. She told me na uuwi ako ng luhaan kasi wala akong mararating. Akala ko noon wala ng mawawala sa ‘kin, na hindi ako nagkamali sa ginawa kong pagtalikod sa pamilya ko, but I was wrong. Iniwan ako ni Sebastian at mukhang mawawalan ako ng career.