Aleisha's POV Continuation of her point of view in chapter twenty-nine… Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa paligid. Iminulat ko ang aking mga mata ngunit wala akong makita. Naramdaman ko ring nakagapos ang aking mga paa at kamay, ulit nakaupo na naman ako sa isang upuan. May tape rin ang bibig ko. “Wake her up! Wake that b***h up!” Ani ng isang pamilyar na matinis na boses. “Samantha! This isn't right! Hindi na kaya ng konsensiya ko! This is too much. Comeback to your senses! You are turning to be a monster.” Saad naman ng isang pamilyar rin na tinig. Naramdaman ko namang may lumapit sa'kin at marahas na tinanggal ang panyong tumatakip sa aking mga mata. Halos maiyak naman ako sa sakit. Ngunit nagulat ako nang unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at nakita roon an

