Third Person POV Nakasalampak lang si Xavier sa sahig ng kwarto nila ni Vienne habang may hawak na bote ng alak, hindi na niya mabilang kung ilang alak na ang naitumba niya pero wala siyang pakialam, gusto niyang mabawasan ang sakit na nararamdaman, ang pangungulila sa asawang tatlong buwan ng pumanaw dahil sa isang pagsabog na naganap sa Palawan. He's wasted, broken and hopeless. Hindi niya alam kung paano magsisimula, kung paano sisimulan ang buhay na walang Vienne ang naroon, lahat ng kasiyahan na mayroon ang puso niya ay biglang naglaho na parang bula, parang panaginip lang ang lahat. Lahat ng kasiyahan at kagalakang nararamdaman sa puso niya ay nagmistulang isang lobo na nilapatan ng karayom at sa isang iglap ay nawala lahat. Walang patid ang pagtulo ng luha nito, gustuhin man n

