CONTINUATION: Aleisha’s point of view... Nang marating na namin ang mga kwarto namin ay agad kaming pumasok para magpahinga. Naglinis muna ako ng katawan saka nagbihis. Mayroon na akong damit rito dahil kumuha kami ni Anthonette kanina sa locker habang papunta rito. Nakahanda na rin ang unipormeng susuotin ko mamayang gabi para sa event. Napatingin ako sa labas ng bintana, papalubog na ang araw kaya naman ang ganda nitong tignan. Ang mga kwarto sa beach resort na ito ay nakaharap sa dagat kaya naman makikita mo rito ang papalubog na araw kahit pa nga nasa loob kalang ng iyong silid. Maganda ang naging repleksyon ng araw sa karagatan, nakakahalina ang ganda nito. Agad naman akong lumabas at umupo sa may hamba ng pinto. Parang gusto ko lang pakatitigan ang papalubog na araw. Mayroo

