Aleisha's POV “Hay naku! Ang init! Pahinga muna tayo Vienne.” Pawisang saad ni Anthonette habang pinupunasan ang sariling pawis. Umupo ito sa monoblock. “Oo nga, ang init.” Sang-ayon ko naman at tumabi ng upo rito. Mainit talaga ang panahon ngayon, malapit na kasing magsummer. Tagaktak na rin ang pawis ko. Nandito kami ngayon sa isang beach resort na pinagtatrabahuan namin, naglilinis kami ng mga table at upuan, may gaganapin kasing malaking event mamaya. Naandito na rin ang mga event organizers at catering service, sinisimulan na ng mga ito ang pag-aayos sa lugar. Pumasok ako ngayon kahit na nga dapat ay mamayang gabi pa ang shift ko. Nagkulang kasi ng tao na maglilinis sa venue dahil may importanteng lakad daw ang isa sa mga ito, kaya naman nagprisenta na ako ng masabi ito sa'kin ni

