Aleisha's POV
Five thirty palang ng hapon ay nakahanda na ang mga gagamitin ko para mamaya. Nandito ako ngayon sa kwarto at papunta na sa banyo para maligo.
Matapos kong maligo ay napatingin ako sa orasan, at ayon doon ay mayroon pa akong forty-nine minutes para maghanda, kaya naman dali-dali kong tinuyo ang buhok ko gamit and blower at nang matuyo na ang aking buhok ay saka ko ito ginamitan ng hair straighter.
Nagbihis narin ako pagkatapos ay naglagay ng konting make-up sa mukha. Kinuha ko rin ang velvet box na may lamang mga alahas na siyang ibinigay ni Xavier sa'kin kanina. Actually, hindi ko pa ito nabubuksan dahil matapos kong makita kanina ang gown at stiletto ay umalis agad ako ng kwarto para maglaba at gawin pa ang ibang gawaing bahay na hindi ko pa natatapos.
Nang mabuksan ko na ang box ay agad akong namangha sa nakita ko, isa itong set ng alahas na may design na maliit na rosas na kulay pula na sa wari ko'y gawa sa isang pulang diyamante. Tingin palang ay halatang mamahalin ito. What to expect? Del Luca Group of Companies also own a Mining Company, at isa ang Mining Company na 'yun sa mga konpanyang nage-export ng mga precious stones sa ibang bansa.
Isa-isa kong sinuot ang mga ito, nang matapos ay humarap ako sa human size kong salamin at halos hindi ko na makilala ang sarili ko. I look totally different from myself a while ago, that woman was pale and...boring looking.
Matapos kasi naming maikasal ni Xavier ay bihira nalang akong makapag-ayos ng sarili, bihira na rin akong makalabas ng bahay, nakakalabas lang ako sa tuwing bibili ng mga groceries at mga importanteng bagay. Kahit nasa bahay lang ako buong maghapon ay hindi ko parin kayang bigyan ng oras ang sarili ko para mag-ayos, malaki ang bahay namin ni Xavier, malawak rin ang hardin at lawn at ako lang ang mag-isang naglilinis nito araw-araw.
Sinuot ko na rin ang high heels. At muli ay pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili sa salamin. Medyo napangiwi pa ako sa kasexyhan ng damit na suot ko.
Habang nakatingin sa salamin ay biglang tumunog ang alert message tone ng cellphone ko, agad ko itong kinuha at binasa, it was from Xavier.
From: Hubby
I'm on my way, make sure when I get there you're already prepared, I hate waiting, and get the invitation card on the bedside table in my room.
Matapos kong mabasa ang mensaheng ‘yun ay agad akong pumunta sa kwarto niya. Isang beses palang akong nakapasok sa silid na iyon, hindi naman kasi kailangan pang linisin ‘yun dahil maingat at maalaga siya sa mga gamit at pag-aari niya. Siya na rin mismo ang naglilinis ng mga iyon.
Pumasok na ako sa silid niya at agad na bumungad sa‘kin ang mabangong amoy, amoy ng pabango ni Xavier. Hanggang ngayon ay namamangha parin ako sa ayos ng silid niya, napakamoderno at ganda kasi, kulay itim at puti ang mga kulay ng kagamitan na makikita dito.
Agad akong nagtungo sa bedside table niya at hindi naman ako nahirapang hanapin ang invitation card dahil nasa itaas lang naman ‘yun ng table, habang kinukuha ko ito ay nakita ko ang larawan ng dalawang tao sa isang picture frame na nakatayo sa lamesang iyon, parehas ang dalawa na masayang nakangiti sa kamera, ngiting puno ng pagmamahal at contentment. Larawan ito nina Xavier at Samantha, sa larawang ito ay may malaking teddy bear na hawak si Xavier at isang bouquet ng bulaklak naman ang hawak ni Samantha.
Habang nakatingin sa larawan ay nilulukob naman ako ng selos at inggit. Samantha is lucky dahil naranasan niyang mahalin ng isang Xavier Dreik Del Luca, at hanggang ngayon ay mahal na mahal parin siya nito.
Ano kaya ang pakiramdam na mahalin ka din ng taong mahal mo? Na nasusuklian niya ang pagmamahal mo para sa kanya?
Nasasaktan ako at natatakot, natatakot na baka iwanan ako ni Xavier na unti-unti ng nangyayari, kahit anong gawin ko, wala parin akong laban kay Samantha, kahit balig-baliktarin man ang mundo, siya at siya lang ang babaeng mamahalin ni Xavier. Pero kahit ganon ay lalaban parin ako. Hindi ko basta-basta nalang isusuko ang pagmamahal ko kay Xavier.
Malay mo? Malay mo baka mabago ko pa ang nararamdaman niya. At kahit kailan, hindi ko siya isusuko sa babaeng 'yun, hindi ko siya isusuko kay Samantha.
Nabalik lang ako sa tamang wisyo ng biglang may bumusinang sasakyan.
Nagmamadaling lumabas ako ng silid habang hawak-hawak ang invitation card. Paniguradong galit na naman ‘yun sa‘kin.
Pagkalabas ko ng bahay ay kaagad kong natanaw ang madilim na mukha ni Xavier habang nakasandal sa itim na Lamborghini nito.
“Didn’t I tell you that I hate wai—” handa na sana akong marinig ang singhal niya ng bigla itong napahinto. Ako naman ay nakayuko lang.
“Damn it! What the hell are you wearing?!” Galit na galit na tanong nito. Wala sa sariling napatingin ako sa suot ko ngayon. Siya naman ang pumili nito ah? Bakit siya galit?
Medyo na pangiwi din ako ng makitang kitang-kita sa suot kong gown ang cleavage ko pati na rin ang kanang hita ko ay nakikita sa tuwing maglalakad ako though—the gown is beautiful, hapit na hapit ito sa katawan ko and it hugs my every curves perfectly. Now I wonder kung sino ang gumawa nito at saktong-sakto sa sukat ko, bumagay din ang kulay nitong pula sa maputi kong balat at nakalugay naman ang straight kong buhok na hanggang siko.
“f**k! Damn that designer. Change your clothes now!” Anger is visible in his voice. Ano bang ikinakagalit niya? Okay naman ah? Revealing nga lang. Hindi kaya ayaw niya lang akong pumunta sa Ball ng ganito ka expose and suot ko? Is he being protective right now? Biglang may umahong pag-asa sa puso ko.
Magsasalita pa sana siya nang makitang hindi pa rin ako gumalaw nang biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong sinagot.
“Who's this?” He irritatedly asked habang magkasalubong ang kilay.
“Yes, we’re coming.” He paused and— “We’re on our way there." he said then hanged it up.
“Don’t change your clothes, we’re running out of time. Tsk.” He said annoyed at pumasok na sa kotse.
Pumasok narin ako sa loob, bigla naman akong napatingin sa oras na nasa cellphone ko, seven o'clock na pala. Tinignan ko din ang invitation card at ayon doon, eight o'clock pa magsisimula ang event at sa isang five star hotel ito ihe-held.
Tumahimik nalang ako at tumingin sa labas ng bintana, habang nasa byahe ay paminsan-minsan akong tumitingin sa gawi ni Xavier na hanggang ngayon ay magkasalubong parin ang kilay.
Ano bang problema niya?
Kanina, hindi ako gumalaw nang sinabi niyang magbihis ako, wala naman ‘din akong pamalit at baka pag sinabi ko ‘yun ay iwanan niya nalang ako at ‘di na isasama pa, gustong-gusto kong sumama sa kanya.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating narin kami sa nasabing Hotel.
Nagpark muna kami at habang nasa loob ng kotse ay kitang-kita ko na ang mga photographers at reporters na nasa entrance ng Hotel. This really is a big event, kaya naman kinakabahang napatingin ako kay Xavier na ngayon ay walang emosyon ang mukha at nakatingin pala sa’kin. Our eyes meet and it makes my heart skipped a beat. He is the only man who can take my breath away just by giving a stare.
“This is a big event Aleisha, don’t you dare make a scene.” Maotoridad nitong bilin. “Stay still.” Aniya at lumabas ng kotse, akala ko ay iiwan niya na ako, ngunit bigla itong umikot at pinagbuksan ako. Hindi na ako nagulat sa naging turan niya, he always act sweet and caring kapag nasa harapan kami ng maraming tao, ang alam ng lahat ay close friends lang kami dahil nagmerge ang mga kompanya ng mga pamilya namin, at pinagpaplanuhan palang ng mga magulang namin na pagkasunduin kami, ang hindi nila alam ay kasal na talaga kami ni Xavier. Mabilis ang mga journalists at media sa pangangalap ng mga balita tungkol sa mga Del Luca, sapagkat isa sila sa mga maimpluwensiya at makapangyarihang pamilya sa bansa, ngunit sadyang maingat si Xavier kaya hindi parin alam ng mga ito na kasal na kami.
Pagkabukas niya ng pinto ng sasakyan ay agad din nitong inilahad ang kamay kaya naman inabot ko ito.
At habang naglalakad kami papunta sa entrance ng Hotel ay panay ang nginig ng kamay kong nakahawak sa kamay niya, hindi talaga ako sanay sa mga ganitong event. Oo, kanina na-excite ako nang malaman kong nandito si grandpa pero ‘di ko naman akalaing ganito kalaki ang event na ito to the point na may mga reporters at photographers pa.
Maraming tao ang napapatingin sa’min lalo na kay Xavier. Bukod kasi sa kilala siya ay ang gwapo rin nito ngayon sa suot nitong black three piece suit. Wala itong pakialam sa mga taong nasa paligid namin, parang hindi nage-exist sa kanya ang mga ito. Samantalang ako naman ay panay ang ngiwi ko ng kada hakbang ko ay nakikita ang kanang hita ko.
Nang malapit na kami sa entrance ng Hotel ay biglang bumaling sa amin ang mga nakaabang doon, panay ang kuha nila ng mga litrato at habang papalapit kami ay naramdaman ko ang kamay ni Xavier na unti-unting pumapalibot sa beywang ko. Para akong kinukuryente sa bawat pagdampi ng kamay niya sa balat ko, para ring may mga paru-parung nagsisiliparan sa tiyan ko.
“Mr. Del Luca, kailan niyo po ia-anunsiyo ang araw ng kasal ninyo ni Ms. Gonzales?” Mabilis na tanong ng isang kalbong reporter.
“Nagkabalikan na po ba kayo?” Tanong naman ng isang babaeng reporter habang tinuturo ako. Nagkabalikan? Hindi naman naging kami dati ni Xavier.
“Totoo po ba ang balitang hindi na matutuloy ang kasal ninyo ni Ms. Gonzales?” Palipat-lipat ang tingin ng babaeng reporter sa aming dalawa ni Xavier. Hindi matutuloy? E, kasal na nga kami. Kahit gusto kong ipagmalaking asawa ko na si Xavier at sabihin sa mga nagtatanong ang totoo ay hindi ko naman magawa. Paniguradong madadagdagan lang ang galit ni Xavier sa'kin kapag ginawa ko ang bagay na 'yun.
Marami pang naging tanong ang mga reporters, ngunit ni isa sa kanila ay walang sinagot si Xavier, bagkos ay nagpatuloy lang kami sa paglalakad, hanggang sa nakapasok na kami sa hall matapos kong maibigay ang invitation card.
Maraming babae ang nalilink kay Xavier at totoo lahat ang mga iyon, ilang beses na itong naging laman ng mga balita at artikulo na may kasamang iba't-ibang babae, may mga local models and celebrities, meron din mga internationals, kaya hindi talaga nila mapagkakamalang may asawa na si Xavier. Mag-asawa lang daw naman kami sa papel ika nga niya, at wala raw akong karapatang pigilan siya sa mga gusto niyang gawin sa buhay. Masakit pero wala akong magagawa, lalo pa’t totoo ang mga sinabi niya. What we have is a loveless marriage—mali pala, meron palang love na involve, pero unrequitted nga lang. Dahil sa aming dalawa, ako lang ang nagmamahal at patuloy na nagmamahal.
Pagkapasok palang ay bumugad na kaagad sa’min ang isang engrandeng set-up. May mga tumutugtog din ng malamyos na classical music which makes the ambiance more grandious. At lahat ng taong makikita rito ay halatang galing sa mataas na estado ng lipunan, mga elites kumbaga, at kasali na roon ang mga pamilya namin ni Xavier. Yes, namin. I can say that I came from a wealthy family, my father is one of the most successful business man in Asia afterall.
Nakita ko agad si grandpa na nasa unahang lamesa kaya napangiti ako, ngunit napawi rin iyon agad ng makita kong kompleto roon ang pamilya ni Xavier at higit sa lahat, ang pamilya ko.
Bago pa kami makarating sa lamesang ‘yun ay nakipagbatian muna si Xavier sa mga businessmen na naroroon.
“Mr. Del Luca, it’s nice to see you here.” Masayang saad ng isang matandang may hawak ng wine.
“Me too, Mr. Monteverde.” Pormal na sagot ni Xavier at nakipag-shake hands sa matanda.
Napabaling ang tingin ng matanda sa’kin na hanggang ngayon ay hawak-hawak parin ni Xavier sa beywang.
“And who’s this beautiful woman beside you? I though Ms. Samantha Sloviski will be your date tonight?” Tanong nito na bakas ang paghanga sa mata habang pinapasadahan ako ng tingin.
“Someone I know. Well, if you will excuse us.” Xavier excused us at tumango naman ang matanda at nakipagkwentuhan na sa iba.
Okay lang naman sa’king itanggi, like what I said, walang masyadong nakakaalam na kasal na si Xavier. Pero minsan hindi ko parin mapigilang makaramdam ng lungkot at sakit, siguro kung si Samantha lang ang nakasal sa kanya ay magiging proud pa siya, ipagsisigawan niya pa sa lahat na kasal sila pero sa’kin, sobrang labo.
Bawat taong nadadaanan namin ay bumabakas ang paghanga sa kanilang mga mata, naramdaman ko naman ang pagdiin ng kuko ni Xavier sa beywang ko na siyang ikinangiwi ko.
Hanggang sa nakarating na kami sa lamesang 'yun ay pilit nalang akong ngumingiti, masakit ang pagbaon ng kuko ni Xavier sa beywang ko, gusto ko mang alisin iyon ay hindi ko magawa, maraming mata ang nakatingin sa'min. Ano na naman ba ang ginawa ko? Bakit parang galit na naman siya?
“Oh, they're finally here.” Mom Elizabeth said, ang ina ni Xavier. Matamis ako nitong nginitian pati narin ang butihin nitong asawa ay tipid akong nginitian.
Lumapit ako sa kanilang dalawa’t bumeso, humalik narin ako sa pisngi ni grandpa at parang batang mahigpit itong niyakap, tatawa-tawa naman ang huli nang kumalas na ako sa yakap, napabaling naman ako sa pamilya ko.
Nakataas lang ang kilay ni Alexa sa’kin habang hinahagod ako nito ng mapangutyang tingin, Alexa is my step-sister, magkapatid kami sa ama. Katabi nito si Dad at si Tita Lucy, ang step-mother ko, peke lang itong ngumiti sa’kin ngunit halata naman sa mukha nito ang pagkadisgusto, samantalang si Dad naman ay walang emosyong nakatingin sa’kin.
Kahit kailan hindi ko parin magawang masanay sa mga tinging iyon. Lumapit ako sa mga ito at nakipagbeso, kahit alam kong labag ‘yun sa kalooban nila ay hindi nila magawang tumanggi, masyado nilang pinapahalagahan ang mga reputasyon nila.
“How are you hija? Magkakaapo na ba ako sa tuhod?” Pabirong tanong ni grandpa na ikinapula ng pisngi ko.
“Oo nga naman, it’s been a year since you two get married, baka naman gusto niyo na kaming bigyan ng apo? Thus, malapit na rin ang second wedding anniversary niyo ni Xavier, maybe having a child would be your anniversary gift to each other.” Sang-ayon naman ni daddy Emmanuel, ang ama ni Xavier.
“It’s still not in the plan dad.” Bored na sagot ni Xavier saka sumimsim ng wine sa wine glass niya. Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot. Kahit ako ay gusto ko na ring magkaroon ng anak, ayaw nga lang ni Xavier.
“Asus. You guys are not getting any younger, promise me na gagawin niyo na ang apo ko pagkatapos ng party.” pabirong kantyaw naman ng ina nito.
‘Di ko naman nakaligtaan ang pag-irap ni Alexa at ng step-mother ko, si dad naman ay as usual walang pake. Kailan pa kaya siya magkakaroon ng pakialam sa anak niya? Sa akin?
Matapos ang batian ay umupo na rin kami dahil magsisimula na ang event, isa itong thanks giving party dahil sa successful na pagbubukas ng isang branch ng Hotel ng mga Saavedra.
Nagkaroon rin ng speech ang young CEO ng Saavedra Group of Companies na si Zacharius Venidect Saavedra, isa sa mga matalik na kaibigan ni Xavier at kasusyo din niya sa negosyo. Nang matapos ang mahaba nitong speech ay nagsimula ng kumain at magkwentuhan ang lahat. Pati ang mesa namin ay napuno ng kwentuhan at batian ng pumunta ang mga mag-asawang Saadvedra, ang mga magulang ni Zacharius.
Umalis naman si Zach at Xavier dahil may importanteng pag-uusapan daw ang mga ito tungkol sa susunod nilang proyekto.
“Excuse me, restroom lang ako.” paalam ko sa mga panauhing naroon. Tumayo na ako at naglakad papuntang restroom. Halos dalawang oras na ata kaming narito sa party, at patapos na rin ito.
Pagkapasok ko ay umihi muna ako sa isang cubicle.
“Samantha, did you already finish making the contract?” A familiar voice said at hindi ako pwedeng magkamali, its Alexa's voice. So nandito rin si Samantha? Hindi ko siya nakita kanina. Pero baka naman hindi talaga siya ang Samantha na ‘yun, marami namang Samantha sa Pilipinas.
“Yes, I already did.” Maarteng sagot ng kausap ni Alexa at nagulat pa ako ng makilala ko kung kanino 'yun, boses nga ni Samantha. Samantha Sloviski, ang babaeng mahal ni Xavier!
“That's great! All we have to do now is to make that pity stupid step-sister of mine sign.”
“Yeah. And also I need to get Xavier from her. Xavier needs to marry me.” Samantha replied, I very well know her voice. Ano ang pinag-uusapan nila? At ano ang kailangan nilang pirmahan ko?
“Don’t worry my dear friend, sooner or later, you’ll get Xavier from that desperate bastard b***h, manang-mana sa nanay!” Ani Alexa and they both started laughing.
“Well, like mother like daughter, desperate bitches!” Puna naman ni Samantha. Bigla akong nakaramdam ng inis, kahit hindi ko nakilala ang nanay ko ay mahal ko parin ito, kaya anong karapatan niyang laitin ito? Kung ako nga hindi nakilala ang nanay ko siya pa kaya?
Mamaya-maya pa ay narinig ko na ang pagbukas at sara ng pinto, hudyat na lumabas na ang dalawa, kaya naman lumabas narin ako sa cubicle.
Kunot-noo akong naghugas ng kamay. What is that contract that they are talking about na kailangan kong pirmahan? At aagawin ni Samantha si Xavier sa’kin? Well, hindi ko hahayaang mangyari ‘yun, hindi ko hahayaang magtagumpay ang mga plano ng Samantha na ‘yun para sa’kin at kay Xavier. Alam kong may masama siyang balak, after a year na nawala siya na parang bula, bigla nalang siyang babalik? Sigurado akong may mga plano na siya, at kung ano man ang mga iyon, kailangan kong maging handa.
Matapos kong maghugas ng kamay ay lumabas na rin ako at dumeretso sa isang garden na nandito sa Hotel, nakita ko ito kanina nang dumaan ako papuntang restroom.
Pagkapasok ko sa mini-garden ng Hotel ay namangha ako sa nakita ko. In the right side of the garden there stood a beautiful sampaguitas, kaya pala ang bango kanina pagkapasok ko. Siguro mas maganda kung magtanim din ako ng sampaguita sa garden ng bahay. At dahil sa isiping ‘yun ay napangiti ako. I’ll plant some sampaguitas there, nang sa ganon ay magkaroon ng mabangong halimuyak ang hardin ko.
“Well, look who’s here? The desperate b***h!”
Napalingon ako sa taong nagsalita, only to see Samantha's disgusted face. Maganda si Samantha, sexy rin, isa ito sa mga rising model sa Asya.
“Ayoko ng gulo, Samantha.” Mahinahong sagot ko.
“Really? Noong oras na inagaw mo sa’kin si Xavier you already started a war, witch.” Nakataas ang kilay nito.
“Ginawa ko lang ‘yun para ilayo siya sa’yo at sa mga pansariling balak mo. At hindi ko siya inagaw sa’yo, wala kaming nagawa dahil ‘yun ang desisyon ng mga pamilya namin.”
“Balak? I Don’t have any balak para kay Xavier.”
“Wag ka nang maghugas kamay pa Samantha, narinig ko lahat ang pag-uusap niyo ni Marcus one year ago.” kalmadong saad ko. Bakas ang gulat sa mukha nito, unti-unti rin itong namutla pero agad din ‘yung nawala.
“Oh. Is that so? Bakit hindi mo sabihin lahat kay Xavier ang mga narinig mo? Ah! Hindi ka pala paniniwalaan n'on. He hated you so much, he didn't like even an inch about you. Kahit kasal na kayo ni Xavier ako parin ang mahal niya, and that would never change, so stop dreaming.” Ngisi nito.
“And one more thing—” She said at lumapit sa’kin “Babawiin ko ang dapat ay para sa’kin, mark that in mind itchy slut.” She said at akmang sasampalin na sana ako ng mabilis kong nahawakan ang kamay niya.
“Hindi ko hahayaang magyari ‘yun.” matapang kong sagot at mas diniinan pa ang pagkakahawak sa kamay niya. Ewan ko ba pero parang nag-iinit ang ulo ko sa tuwing iniisip kong mapapasakanya si Xavier. Pilit niyang inaagaw sa’kin ang kamay niyang hawak ko.
“Let go of me, you b***h!” Pagpupumiglas niya, didiinan ko pa sana ang pagkakahawak ko ng biglang may nagsalitang baritonong boses sa likod namin dahilan para mabitawan ko ang kamay ni Samantha, at dahilan rin ng pagkabunggo niya sa sementong upuan na nan'don.
“What the f**k!” Malakas na sigaw ni Xavier ng makitang nasaktan si Samantha.
“B-babe!”
Madilim ang mukha ni Xavier ng bumaling ito sa'kin.
“H-hindi ko sinasadya.” Mahinang boses na saad ko dahil sa takot na nararamdaman dahil sa klase ng tingin na ipinupukol ni Xavier sa’kin. He looks so dangerous, parang anytime ay sasakalin na ako nito.
Dumarami na rin ang mga taong nakakuha sa atensyon namin.
“B-babe nagpapahangin lang naman ako dito nang biglang pumasok si Aleisha, t-tapos pinagsabihan niya pa ako ng mga masasakit na salita a-at hindi pa siya nakuntento, tinulak niya pa ako, nakita mo naman 'diba? Gusto niya akong saktan dahil naiingit siya sa'kin, dahil hanggang ngayon ako parin daw ang mahal mo.” Sumbong ni Samantha habang umiiyak. Liar!
Napatingin ako kay Xavier na mas lalong nagdilim ang bukas ng mukha.
“Oh my God Samantha! What happened?” Eksahederang sigaw ni Alexa at dali-daling pumunta sa gawi ni Samantha at dinaluhan ito.
Mabilis namang tumayo si Xavier at mahigpit akong hinawakan sa braso, malalaki ang hakbang na lumabas kami sa Hotel at sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko ay alam ko nang magkakaroon ito ng pasa, at dahil sa sobrang bilis ng lakad niya ay natatapilok ako at feeling ko nagkasprain pa ako. Dahil sa sobrang sakit ng paa ko at higpit ng hawak niya ay hindi ko na mapigilan pang maiyak. Nasasaktan ako. Maraming tao ang napapatingin sa amin ni Xavier pero parang wala lang sa kanya ang mga iyon, marami ring kumuha ng litrato sa amin, ngunit hindi naman iyon nakakabahala sapagkat kayang linisin ng mga pamilya namin ang eskandalong ito.
Nagpapasalamat nalang ako dahil wala na sa party ang mga pamilya namin, kanina kasi bago ako umalis sa table namin para magbanyo ay nagpapaalaman na ang mga pamilya namin sa isa't-isa, siguro ay nasa bahay na ng mga Saavedra ang pamilya ni Xavier dahil nagkayayaan ang mga itong ituloy ang party sa bahay ng mga Saavedra ng sila-sila lang, matalik kasing magkaibigan ang mga Saavedra at Del Luca. Sina Tita Lucy at Dad naman ay nauna ng umuwi dahil may pupuntahan pa raw ang mga itong birthday party ng isang kakilala. At kaya naandito pa si Alexa ay dahil hinihintay nito ang sayawan mamaya.
Nang makarating kami sa parking lot ay mabilis niyang binuksan ang pinto ng kotse at malakas akong itinulak papasok. Malakas niya itong isinara at pumasok din sa loob. Mabilis akong napahawak sa upuan ng mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan na para bang nakikipagkarera.