Aleisha's POV
KINABUKASAN, nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko, kaya naman bumangon na ako at tinignan ang wall clock na nakasabit.7:34 AM palang ayon sa orasan.
Umalis na ako sa kama at inayos ang higaan ko bago pumanhik sa banyo para maligo at maglinis ng katawan.
Nang matapos ay nagbihis na ako, isang puting loose shirt at black na short shorts lang ang napagpasyahan kong isuot bago bumaba.
Habang bumababa sa hagdan ay wala sa sariling napatingin ako sa malaking picture frame kung saan nakalagay roon ang wedding picture namin ni Xavier. I looked so happy in the picture kahit pa nga maliit na ngiti lang ang nakapaskil sa labi ko, bakas kasi sa mga mata ko ang tuwa, while Xavier's face on the other hand looks cold and emotionless.
Napangiti nalang ako ng mapait ng maalala ang dahilan kung bakit galit na galit si Xavier sa’kin, at ang dahilan kung bakit ako ikinasal sa kanya. Napadako ang tingin ko sa pinto ng kwarto nito.
Malamang hindi na naman siya umuwi, hinintay kong umuwi siya kagabi dahil nagluto ako ng paborito niyang chicken caldereta ngunit alas-dose na ng madaling araw ay wala parin siya, kaya naman natulog nalang ako at hindi na hinintay pa ang pag-uwi niya.
Siguro magkasama sila ni Samantha kagabi. Sa ideyang 'yun ay nilukob na naman ng sakit ang puso ko. Bakit pa siya bumalik? Bakit pa ba bumalik si Samantha sa buhay niya?
He must be really happy right now dahil kasama niya na ang babaeng mahal niya after a year, am I that selfish kasi pinapahirapan ko siya? Pwede ko namang ipa-annul nalang ang kasal namin, because this marriage isn't working anyway. I am just making it hard for the both of us, at parang ako pa ang naging kontrabida at hadlang sa pagmamahalan nila. Pero hindi ko magawang ipa-unnul nalang ang marriage namin, kasi naniniwala parin akong mag-wowork ‘to, kahit napakaimposibleng mangyari pa ang bagay na ‘yun. Hindi ko rin kayang ipaubaya nalang si Xavier kay Samantha, dahil alam ko ang pakay ng babaeng ‘yun. Kung ano man ang binabalak niyang gawin, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang hadlangan ito. Kung nagawa ko siyang pigilan dati, magagawa ko rin 'yun ngayon.
Tuluyan na akong bumaba ng hagdan at dumeretso sa kusina, simple lang ang lulutuin ko ngayon, tutal wala naman si Xavier. Siguro tapos na ‘yun ngayong kumain kasama si Samantha, ipinilig ko nalang ang ulo ko para mawala ang mga isipin namumuo sa utak ko, mga isiping masasaktan lang ako.
Itlog, hotdog, bacon at fried rice lang ang niluto ko. Habang naghahanda ng plato at baso ay muntik ko nang mabitawan ang mga ‘yon dahil sa gulat.
Sa hamba lang naman ng pinto nakasandal ang lalaking kanina pa laman ng isipan ko. Sa suot niya ngayon ay mukhang kakatapos lang nitong mag-jogging na lagi nitong ginagawa araw-araw.
Naka-jogging pants ito na kulay itim at puting loose sando at rubber shoes habang may nakasalampak na earphones sa isang tainga, may dala rin itong bottled water. At ang hot lang nitong tignan, dagdag pa dito ang maliit na butil ng pawis na tumutulo sa gilid ng noo niya pababa sa leeg at—
“Stop staring at me like an idiot, bitch.” Masungit na sita nito habang magkasalubong ang kilay. Para namang kinurot ang puso ko sa itinawag niya sa‘kin. I’m just an idiot and a b***h to him. Pero hindi ko siya masisisi kung bakit ganito nalang trato at tingin niya sa'kin.
Kung mayroon lang sana akong lakas ng loob upang magpaliwanag sa kanya, at kung hahayaan niya lang sana akong magpaliwanag, baka sakaling maintindihan niya ako at ang naging desisyon ko. Pero kung sakali mang magpaliwanag ako sa kanya, maniniwala ba siya?
“S-sorry.” Umiwas nalang ako ng tingin at ipinagpatuloy ang naudlot na paglalagay ng plato at baso sa lamesa.
“Akala ko ba hindi ka uuwi?” Pagbubukas ko nalang ng usapan habang kumukuha ng kutsara’t tinidor. Para kasing hindi na ako makagalaw dahil sa tensyong namamagitan sa'min. It was always be like this, him staring at me with so much hatred, and he loves seeing me being intimidated, scared and uncomfortable around him.
“I don't remember saying I will not coming home, stop asking shits, b***h. You're voice is so annoying.” Walang emosyong sagot nito habang pinupunasan ang sariling pawis at umupo sa upuan. Hindi ko nalang pinansin pa ang sinabi nito, sanay na naman ako sa pagsusungit niya, pero kahit pa nga yata nasanay na ako ay may hatid parin iyong sakit sa puso ko, pinilit ko nalang na huwag iyong isipin. He can call me anything he wants, but still, I won't give up on him like how I am still holding on to our lifeless marriage.
Nagulat ako sa ginawa nitong pag-upo, kakain siya? Kakainin niya ang mga niluto ko? Hindi kasi talaga ito kumakain dito sa bahay, sa mahigit isang taon naming pagsasama ni minsan hindi ito umupo sa hapag-kainan para kumain, ni magkape ay hindi nito ginagawa.
What's with him right now?
Pagkatapos kong maghanda ay nagsimula na itong kumain, gumawa na rin ako ng kape para sa kanya. Ganon nalang ang galak sa aking puso nang tanggapin nito ang kapeng ginawa ko at masaganang kumain. He's being weird and I wonder why.
Umalis nalang muna ako sa kusina, baka kasi magalit ito at mawalan pa ng gana kapag nakita niya pa ang mukha ko roon.
Nagtungo nalang ako sa garden ng bahay.
This is the part of the house that I love the most, lahat ng bulaklak rito ay ako ang nagtanim, I love flowers specially roses and sunflowers. Kaya naman halos mapuno na ang hardin na ito ng mga sunflowers at iba't-ibang kulay ng rosas. Upon seeing those flowers danced because of the air makes my heart calm. Mas lalo pa itong gumaganda dahil sa mga makukulay na paru-paru, at habang pinagmamasdan ko ang mga itong palipat-lipat sa mga bulaklak ay gumagaan ang pakiramdam ko at parang lahat ng problema ko ay biglang nawawala, lahat ng lungkot at sakit ay panandalian kong nakakalimutan.
How I wish someday I can no longer feel pain and sadness. Siguro mas masaya ang buhay kapag ganoon, magaan at masarap mag-exist.
“Ready yourself tonight, we're attending a Ball, Grandpa wants you to be my date.”
Bigla akong napatingin sa pinto ng garden ng biglang may magsalita. It was Xavier, nakahilig ang isang braso nito sa pinto. Napakurap ako ng dalawang beses habang nakatingin sa kaniya, I was mesmerized by his handsome face and mascular body—oh Aleisha Vienne! Stop eye raping him kung ayaw mong masigawan ulit! Agad kong iniiwas ang tingin ko ng wala sa sarili kong natignan ang bukol sa pagitan ng mga hita nito. Oh my! His huge! Napapikit nalang ako, bakit ba pagdating sa lalaking 'to, nagiging manyakis ako?
“T-talaga? Nakauwi na pala si grandpa?” tanong ko nalang kahit na sobrang obvious naman na nakauwi na si grandpa. Bakit ba ang tanga ko at 'yon pa talaga ang itinanong ko? Pero dahil sa balita na narinig ay bigla akong napangiti habang inaayos at tinatanggal ang mga tuyong dahon ng mga bulaklak, hindi na ako tumingin pa kay Xavier dahil naiilang ako. I’m happy, excited na akong makita ulit si grandpa, kung may isang tao ‘mang nakakaintindi at alam ang mga sekreto ko ay si grandpa iyon, ang paternal grandfather ni Xavier.
“Be presentable tonight, I don't want my name to be put in shame so you better fix yourself and don‘t do something stupid there. You understand?” Walang emosyong wika nito. Tango nalang ang isinagot ko. Bigla ko namang naisip kung ano ang susuotin ko, magsasalita na sana ako para ipaalam sa kanya na wala akong damit na maisusuot nang magsalita ulit ito.
“I already bought you a dress, you don‘t have to worry about that.” He said at na pa okay nalang ako.
“I’m leaving now, a have appointments to attend. I’ll pick you up at seven so be ready.” He said, ngayon ko lang napansin na naka business suit pala ito, pagkatapos non ay umalis na nga si Xavier.
Mayamaya pa ay narinig ko na ang pag-andar ng makina ng sasakyan sa garahe kaya dali-dali akong lumabas ng bahay upang pagbuksan siya ng gate. Bago pa makalabas ang sasakyan niya ay sinabi ko na ang lagi kong sinasabi sa kanya kapag paalis na ito papunta sa trabaho.
“Ingat ka hubby, mahal na mahal kita.” bilin ko habang nakangiti ng matamis. Alam kong narinig niya ‘yun dahil nabukas ang bintana ng sasakyan niya ngunit wala man lang itong naging reaksyon. Hanggang sa nawala na nga sa paningin ko ang itim na Lamborghini niya. How I wish that someday, he'll reply to that and say ‘I love you too, wife’. But that is too impossible.
Isinara ko na ang gate at pumasok na sa loob ng bahay. Dumeretso na ako sa kusina at nagluto ulit ng itlog para gawing ulam dahil ‘yun lang ang madaling lutuin, kanina pa kasi ako nagugutom. Napangiti nalang ako ng makitang naubos niya ang lahat ng mga niluto ko. Sana ganon nalang siya lagi, kahit galit at malamig ang pakikitungo niya ay ayos lang sa'kin, hindi katulad ng dati na para lang akong kaluluwa rito sa bahay, hindi niya pinapansin at kinakausap man lang.
Kumain na ako at pagkatapos ay naghugas na ng mga pinagkainan namin.
Wala kaming katulong dahil ‘yun ang gusto ni Xavier, wala naman daw akong gagawin kaya ako nalang daw ang gumawa ng mga gawaing bahay at okay lang naman ‘yun sa’kin. Nilinis ko na rin ang buong bahay at nagdilig ng mga halaman.
Pagkatapos ay umakyat na ako at pumasok sa kwarto ko. Oo, kwarto ko, magkaiba kasi kami ng kwarto dahil ayaw niya akong makatabi sa pagtulog, masakit man ‘nong una pero nasanay narin ako ng tumagal. He's mad at me and I understand that, I just hope that someday, he will understand kung bakit ako pumayag sa kasal, at balang araw ay mahanap niya sa puso niyang patawarin ako.
Pagkapasok ko ay may nakita akong isang malaking kahon at isang paperbag sa itaas ng kama ko. Siguro ito na ‘yung damit na binili niya para sa‘kin na susuotin ko mamaya sa Ball.
Pinuntahan ko ito at binuksan, halos mapanganga nalang ako sa ganda ng night gown na hawak ko, kulay pula ito at gawa sa isang malambot na silk, may slit din ito na hanggang hita. Sunod ko pa namang binuksan ay ang paperbag at nakita ko doon ang isang set ng alahas na halatang mamahalin at isang red stiletto.
Mabuti nalang at marunong akong gumamit ng ganoong kataas na sapatos kahit pa nga bilang lang sa daliri ko ang mga pagkakataong gumamit ako ng matataas na heels. Bigla tuloy akong na-excite and at the same time kinabahan. Nakakailang man ang susuotin ko mamaya, wala naman akong magagawa pa, at isa pa, si Xavier ang pumili no’n. I just hope this night will not be bad.