Aleisha's POV
“Manong, dito nalang po.” paalam ko sa driver ng taxing sinasakyan ko. Pagkaabot ko ng bayad ay agad din akong bumaba.
Wala sa sariling napatingin ako sa hawak kong lunchbox, nandito ako ngayon sa labas ng matayog at magarang gusali ng Del Luca Group of Companies para hatiran ng pagkain ang asawa ko, si Xavier.
Naglakad na ako papasok sa entrance ng building at nang makapasok na ay dere-deretso akong sumakay sa elevator, I pressed the 64th button na siyang kinaroroonan ng opsina ng asawa ko. Kahit kinakalma ko na ang sarili ay hindi ko parin mapigilang kabahan.
Naka-private lang ang kasal namin dahil na rin sa kagustuhan ni Xavier na itago ito sa publiko at sa mga tao. Well, hindi ko naman siya masisisi, he's a well-known young successful business tycoon in Asia afterall, he's the standard, and having that kind of reputation gained him so much respect specially in the Business World, at ang isang kagaya ko ay hindi nakakaproud para sa kanya. He completed his Industrial Engineering degree in University of Oxford, samantalang ako ni hindi na nakapagtapos ng kolehiyo, wala akong maipagmamalaki sa mga tao.
Limitado lang ang mga naging bisita sa kasal, mga taong malalapit sa kaniya, pamilya ko at syempre ang pamilya niya, kahit nga empleyado ng sarili niyang kompanya ay hindi alam na may asawa na pala siya.
“Nakita mo ba si Ms. Samantha Sloviski kanina? Ang sweet nila ni Sir Xavier!” Tila kinikilig na hiyaw ng isang babaeng kasabay ko ngayon dito sa elevator habang kausap ang kasama nito.
Napakunot ang noo ko, sinong Xavier? 'Yung asawa ko ba ang tinutukoy niya? at teka— si Samantha?
Bigla akong nanlamig ng maalala ang pangalan ng babaeng 'yun. This can't be true!
“Oo nga eh! Bagay na bagay sila, siguro kung magkaka-anak sila ay ang gaganda at gagwapo ng mga magiging anak nila!” sang-ayon naman ng kasama nito, bakas rin sa boses ang kilig kagaya ng babaeng kasama nito.
“Sigurado 'yun 'no, nakakainggit nga eh, ang ganda ni Ms. Samantha.” puri ulit ng babae, bakas ang inggit sa boses.
“Hay, kaya nga siguro mahal na mahal 'yun ni Sir Xavier eh, nakaka-inggit nga. Nakita mo yung ngiti ni sir kanina? Grabe mas gumagwapo pala siya tuwing ngumungiti!” kinikilig na puna ng babae habang papalabas na ang mga ito sa elevator.
Bigla akong napatulala, umuwi na pala siya? Agad akong napahawak sa puso ko ng biglang bumilis ang t***k nito. Kung ganon, 'yun pala ang dahilan kung bakit matagal siyang umuuwi at kung minsan ay hindi na nakakauwi sa bahay namin?
Sa isiping 'yun ay hindi ko maiwasang masaktan, hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako pero agad ko din itong pinunasan ng marinig ang tunog ng elevator, hudyat na nandito na ako sa destinasyon ko. Mabuti nalang at mag-isa lang ako sa elevator, kasi kung nagkataong may kasama ako ay baka akalain nilang nababaliw na ako dahil sa pag-iyak ko nalang bigla.
Nang bumukas na ay agad din akong lumabas.
“Jennie, Si Xavier?” Tanong ko sa sekretarya ng aking asawa nang makarating ako sa table nito.
“M-Mrs. Del Luca...” mahinang sambit nito at bakas ang pagkabalisa sa mukha, kung may nakakaalam man na kasal na si Xavier dito sa kompanya niya ay ang sekretarya niya ito, may asawa na si Jennie at may tatlong anak, siguro mas matanda siya sa'kin ng mga tatlong taon.
“Andiyan ba siya sa loob?” Tanong ko ulit, may sakit ba 'to? Bakit parang namumutla siya?
“K-kasi ma'am ano... ano kasi... si a-ano...” 'di na niya natuloy ang sasabihin niya pa sana ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Xavier, kaya napalingon ako roon, bagay na hindi ko na sana ginawa pa. Seeing Xavier's happy face broke my heart into pieces, ngayon ko lang kasi ito nakitang ngumiti ulit, at nasasaktan ako sa katotohanang ang katabi nito ngayon lang ang kayang magpangiti sa kanya ng ganon, napaka-sweet nito sa kasama niyang walang iba kun'di si Samantha Sloviski, ang babaeng mahal niya.
“Are you hungry, babe?” Xavier's voice sounded so sweet at lalo lang akong nasasaktan, he never use that kind of tone whenever his talking to me.
“Medyo. How about let's have our lunch in our favorite restaurant? Hmm?” Samantha answered in a flirty tone at nagiinit ang ulo ko. How dare her come back here again? Pagkatapos ng lahat ng mga pinlano at ginawa niya?!
“That would be a great ide— Aleisha?” Naputol ang isasagot sana ni Xavier ng makita niya ako. His voice instantly changed into a cold one upon saying my name.
“What the f-ck are you doing here?!” Anger is visible in his voice and my heart is dying hearing it.
Lumapit siya sa’kin at mahigpit na hinila ang braso ko papasok sa loob ng opisina niya, nakita ko pa ang pagngisi ni Samantha ng makitang nasasaktan ako sa higpit ng pagkakahawak ni Xavier sa braso ko, bakas naman sa mukha ni Jennie ang matinding pag-aalala, parang gusto pa ata nitong awatin si Xavier pero hindi niya magawa.
Nang makapasok na kami ay pabalibag niyang isinara ang pinto na ikinatakot ko.
Not again...
“b***h! I already told you not come here didn’t I?!" His eyes are dark and anger is visible in it, na kani-kanina lang ang puno ng pagmamahal habang nakatingin kay Samantha.
“G-gusto ko lang namang hatiran ka ng p-pagkain...” Mahina't nauutal na sagot ko. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong sampalin.
“You piece of s**t! Do you have a brain? Huh? What are you? A f-ck who doesn’t know how to understand?! I hate seeing you here in my property and you f-cking know that! Will you please leave my iffin life alone Aleisha?! You already ruined it and I f-ckingly hate seeing your damnful face, it disgust the hell out of me!” Malakas na bulyaw niya sa akin at mabilis na lumabas ng opisina habang ako naman ay naiwang sapu-sapo ang kanang pisngi na sinampal niya.
“Ma'am? Ayos lang ho ba kayo?” Puno ng pag-aalala ang boses ni Jennie, hindi ko namalayang nakapasok na pala siya rito. Lumapit ito sa’kin at niyakap ako, hindi ko na kailangan pang mag-explain dahil alam na ni Jennie kung ano ang nangyayari sa pagitan namin ni Xavier, sa lakas ba naman ng boses nito kanina? Hindi na nakakapagtaka kung narinig nito lahat ng mga masasakit na salitang sinabi ni Xavier sa'kin.
Hindi ko na mapigilan pang mapahagulgol, I’m hurt physically and emotionally. Pero wala akong dapat sisihin kung hindi ang sarili ko. Alam ko naman noon pa na ayaw nitong nakikita ako rito sa loob ng kompanya niya, pero nagpumilit parin ako, ginawa ko parin kahit na alam ko na ang magiging kahihinatnan ng gagawin kong aksyon.
Pero masama ba ang magbakasakali? Magbakasakaling isang araw, matutunan niya na rin akong mahalin? Na baka isang araw makita niya na ang halaga ko at mabigyan niya ako at ang kasal namin ng pagkakataon?
“Dapat po sigurong hindi nalang po kayo pumunta rito.” May himig ng kalungkutang saad nito.
Gusto ko lang namang gampanan ang pagiging asawa ko sa kanya, hindi ba’t ‘yun naman talaga ang obligasyon nating mga babae pag kasal na tayo? Ang pagsilbihan at alagaan ang asawa’t anak natin?
Makalipas ang ilang minutong pag-iyak ay napagpasyahan kong umuwi na. Wala naman akong ibang mapupuntahan pa, I have no friends whom I can run to, wala rin akong pamilyang matakbuhan at masandalan. Kahit si Jennie ay hindi ko kayang lapitan at sandalan kahit pa nga alam nito ang nagyayari at mga pinagdadaanan ko, alam ko kasing marami rin itong sariling problema at ayoko ng dagdagan pa ang mga iyon.
Sino nga lang ba ako rito sa mundo?
I am just the unwanted daughter of Alejandro Gonzales, and also the unwanted wife of Xavier Del Luca. Walang kamag-anak ko ang gusto ako, kahit nga ang lalaking mahal ko ay kinamumuhian ako. Minsan napapaisip ako kung bakit ganito ang uri ng buhay na meron ako. Wala naman akong inaapakang tao, pero bakit ganito ang mundo sa'kin? Bakit ganito ito kalupit?
“Jen, salamat ah?” Pasalamat ko habang inaayos ang sarili.
“At ‘wag mo na akong tawaging ma’am, nakakailang eh.” pangiwi kong dagdag na nagpatawa sa kanya.
“Sige na nga, pero ayaw mo ba talagang hiwalayan ang asawa mo? I mean—masyado kana niyang nasasaktan, hindi lang emosyonal kundi pati pisikal na rin... 'd-diba?” nag-aalangang suhestiyon nito.
Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong hininga. Tama ‘yun, nasasaktan ako. Hindi lang ito ang unang beses na nasaktan ako ni Xavier ng pisikal, sa katunayan lagi itong nangyayari kaya nasanay na rin ako, sa isang taon ba naman naming pagsasama ay parang nagiging manhid na rin ako. Pero iba ngayon, bumalik na ang babaeng mahal niya at natatakot ako sa mga pwedeng mangyari.
I smiled bitterly, kung kaya ko lang sanang gawin ang suhestiyon ni Jennie... but I just can't, and I don't want to. Katangahan mang isipin pero hindi ko talaga kayang makipaghiwalay sa kanya. I love him, I really love my husband so much.
“Kaya ko pa naman Jen, hindi ko susukuan si Xavier, mahal na mahal ko siya. Naniniwala akong matututunan niya rin akong mahalin, hindi paman sa ngayon pero naniniwala akong darating rin ang araw na 'yun, sa tamang panahon.” sagot ko. Kaya ko pa at gagawin ko ang lahat para mapa-ibig ko siya, hindi ko siya ibibigay kay Samantha. Hindi sa babaeng ‘yun. Maliit na ngiti lang ang isinukli ni Jennie sa'kin sabay tango.
"I think cupid really hitted you that hard. Pero kung hindi mo na talaga kaya, let go na teh!" Aniya na ikinatawa ko. Let go? Kaya ko bang gawin ang bagay na 'yun? Pasimple nalang akong napabuntong hininga. I think I can't.
Matapos ‘yun ay nagpaalam na ako kay Jennie at lumabas na sa gusaling iyon. Iniwan ko na rin ang lunchbox na may lamang pagkain na siyang paborito ni Xavier, si Jennie nalang daw ang kakain no'n, sayang naman daw kasi ang effort ko kung itatapon lang. She's right though, ilang oras ko rin 'yung inihanda para lang baliwalain niya.
Pumara na ako ng taxi at sinabi sa driver ang address kung nasaan ang bahay naming mag-asawa.