Aleisha's POV Continuation of her point of view in chapter twenty-four… Sabay kaming pumuntang tatlo sa kwarto. Karga-karga ni Xavier si Alleah na may malapad na ngiti sa labi. Para itong nanalo sa lotto, ako naman ay hindi na maawat ang lakas ng kabog ng puso ko. Why am I even nervous anyway? Matutulog lang naman kami sa iisang kwarto? Nang makapasok na ay agad akong napatingin sa kama namin. Maliit ito at tatlo lang ang pwedeng magkasya. Naandon narin si Xander sa kabilang bahagi ng kama at tulog na tulog na, hindi naman ito mahuhulog dahil nakadikit naman ang kabilang bahagi ng kama sa pader at may mga unan din. Saan ko patutulugin sa Xavier ngayon? “Ahmm… it's fine with me if I sleep on the floor.” Rinig kong sabi ni Xavier. "Sigurado ka? O-Okay lang sa'yo?" Nag-aalinlang

