Continuation of Aleisha's point of view... “I-I just want to talk to you.” Sagot nito na bakas parin sa mukha ang kaba. Magsasalita na sana ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Lalabas na sana ako para kunin ang mga sinampay nang biglang pumasok si Nanay Miranda dala ang mga ito. Agad naman namin itong tinulungan ni Anthonette na ilagay sa upuan ang mga damit. Sinara din namin ang pinto para hindi makapasok ang tubig ulan, nadadala kasi ito dahil malakas rin ang hangin sa labas. “Naku! May bagyo pala ngayon? Iba na talaga ang panahon. Tag-init na pero bumabagyo parin.” Ani nanay Miranda habang umiinom ng tubig. “Oh. Andito na pala kayo.” Dagdag pa nito nang makita kami ni Anthonette. “Papa!” Napatingin kami sa sumigaw na walang iba kun'di si Alleah, patakbong lumapit i

