Chapter 27

1274 Words
Pagbaba namin sa sala ay nandoon silang lahat at kami nalang ang hinihintay. Nakatingin silang lahat sa amin habang pababa kami ng hagdanan. “What are you going to do now?” Tanong ng mommy ni Sandro. “What? Nothing” sabi naman ni Sandro at nagkibit balikat lang ito. “Nothing? Ganyan ka ba namin pinalaki Sandro? Huh?!” Galit na sabi ng Daddy nito. “What? It’s just s*x!” Sabi naman ni Sandro at gulat na napatingin naman ako dito. Lalo na ang mommy nito. Just s*x? Yun lang? Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nito. “Watch your word young man!” Sabi ng mommy niya na halata na rin ang pagpipigil nito ng galit. Napahilot naman si Sandro sa sentido nito. “Look, mom, pareho naming ginusto ito. Right? Kara, magsalita ka naman!” Nagulat naman ako sa sigaw niya. “Hey! Bro calm down” sabi naman ni Matthew dito dahil hindi yata nito nagustuhan ang pagbulyaw nito sakin. “Iha, anong gusto mong mangyari? Gusto mo bang panagutan ka ng anak ko? Come on iha, don’t be scared.” Malumanay na tanong naman ng mommy nito sakin. Nagulat naman ako sa tanong nito kaya napatingin ako sa kanya. Pati na rin si Sandro. “What?! Mom? Are you crazy??” Singit ni Sandro. “No, I’m not crazy. Are you?” Balik tanong ng mommy nito. “Iha?” Tanong uli nito sakin at nang makita kong nakatingin ito sa akin mata sa mata ay naalala ko ang paguusap namin noon. Pikit mata at dahan-dahan akong tumango. “Oh f**k! Are you insane?!” Biglang tanong ni Sandro sa akin. “I’ll talk to Attorney Rodriguez about this. Kailangan mo siyang panagutan wether you like it or not! We’ll arrange everything as soon as possible” Sabi ng mommy nito at marahas na bumuntong hininga si Sandro. Nakayuko lang ako at lihim na nagpunas ng luha. “Mom! No!” Malakas na sigaw nito at napasinghap kaming lahat nang ang daddy nito ang sumampal sa kanya gamit ang likod ng palad nito. “Face the consequences!” Sabi ng daddy nito at maya-maya pa ay nagyaya na ang daddy nitong umuwi. “Let’s go home!” Sabi nito at sumunod naman ang mga kapatid nito dito pati na ang mommy niya. Nakakatakot ang daddy niya, palabiro ito pero kapag nagalit, parang bubuga ng apoy. Narinig ko namang sinipa ni Sandro ang sofa na malapit sa amin at humarap sakin. “You happy now?!” Sabi nito at umalis. Naiwan akong mag-isa doon at napaupo sa sofa dahil nanlambot ang mga tuhod ko sa mga narinig ko. “Kara” bigla ay may malumanay na boses ang lumapit sakin at binigyan ako ng isang basong tubig. Tumabi ito sakin at niyakap ako ng mahigpit. “Lilipas din lahat ng ito, Tahan na” sabi nito na mas lalo pang nagpaiyak sakin. ***** “Hindi mo ba sasabihin ito sa nanay mo Kara?” Tanong ni Nay Nena sa akin nang pagkatapos akong kausapin ng mga magulang ni Sandro kung kailan magaganap ang kasal namin ni Sandro, Civil wedding lang ito dahil parang minamadali ito ng mommy niya. Hindi naman nagsasalita si Sandro sa buong oras na kausap namin si Attorney Rodriguez para sa mga kailangan pang ayusin. “Hindi na po nay, kayo nalang ho ang sasama sakin, ayoko naman pong maistress si Nanay dahil hindi pa po iyon nakakarecover” “Ganon ba? O sige anak” sagot naman nito. Parang tumahimik ang buong bahay simula noong araw na naabutan kami sa kwarto ni Sandro. Pati sila Bridget, ate Connie at Ate Letty ay hindi rin nagtatanong dahil sa takot nila na baka marinig sila ni Sandro at mapatalsik sa bahay. Pero yung mga tingin nila sakin kapag nalikita nila ako ay hindi nanghuhusga kundi puno ng pagaalala ang mga mata nila. Ilang araw na rin akong walang ganang kumain dahil dito. Pinipilit nila akong kumain pero konti lang kinakain ko. Hindi ko rin nakikita si Sandro, kanina ko lang ito nakita nang magusap usap kami sa sala kasama ang mga magulang niya. Ilang beses din siyang nagtangkang kausapin ako para iurong ang kasal pero nakipagmatigasan ako dahil na rin siguro sa sama ng loob ko sa mga narinig ko mula sa kanya. Sa susunod na Linggo na ito gaganapin sa opisina ni Attorney Rodriguez at pinagbigyan naman ng mga magulang ni Sandro ang desisyon nito na wag nang makalabas sa publiko ang pagpapakasal sa akin. Parang dinudurog ang puso ko sa isipin na ni minsan hindi sumagi sa isip niya na mangyayari ito. Pagkatapos ng lahat ng ginawa namin ay wala pala itong gusto sakin. ***** Pagkapirmang pagkapirma namin sa Marriage Contract namin ay nauna nang tumayo si Sandro at mabilis itong umalis sa opisina. Tinatawag pa siya ng mga magulang niya pero parang wala itong naririnig. Nandoon din ang mga kapatid nito na saksi sa kasal namin ni Sandro. Hindi ko nga alam kung kasal ba talagang matatawag ito dahil hindi ko ramdam ang presensya ni Sandro at hindi rin ako masaya. Naipit lamang ako sa sitwasyon dahil sa usapan namin ng mommy nito. Nginitian naman ako ng mommy at daddy nito at pati na rin ang mga kapatid niya. Lalo na si Ashley. Mabuti nalang at mababait ang mga ito at hidni ko sila magiging problema, ewan ko ba kung kanino nagmana si Sandro. “Welcome to the family” sabi ng mga ito at ngumiti nalang ako ng pilit at niyakap naman ako ni Nay Nena. Kumain muna kami sa isang mamahaling restaurant kahit wala si Sandro. Masaya naman ang naging paguusap namin at pagkatapos naming kumain ay hinatid na kami sa bahay. Pumasok naman ako ng kwarto at nagbihis. Dahil na rin siguro sa pagod at stress ko sa nagdaang mga araw ay bigla akong nakaramdam ng antok. Hapon na rin kasi nang makauwi kami. Habang nakahiga ay hindi ko maiwasang mapatitig sa sing sing na nakasuot sa akin ngayon. Hindi parin ako makapaniwala na kasal na kami ni Sandro. Naalimpungatan ako sa ingay na naririnig ko sa labas ng kwarto. Sinipat ko ang orasan at nakita kong alas onse na ng gabi at tulog na ang lahat. May pitong oras na pala akong nakatulog. Nandito parin ako sa maid’s quarter natutulog at wala naman akong balak lumipat sa kwarto ni Sandro dahil alam kong ayaw din niya. Binuksan ko ang pinto at dahan-dahan akong lumabas. Nakita ko naman si Sandro na nasa sala nakaupo at nakatingin sa kisame habang may hawak na isang baso ng alak. Naramdaman niya siguro ang presensiya ko kaya tumingin ito sakin. Napayuko naman ako at babalik na sana ako sa kwarto nang tawagin niya ako. Lumapit naman ako dito. “You ruined my life, did you know that?” Sabi nito sakin na may sama ng loob. Hindi ako makatingin dito dahil alam kong totoo ang sinabi nito. “Ilang beses akong nakiusap sayo pero hindi ka nakinig. If you want money then you should have ask me!” Medyo lumalakas na ang boses nito. “B-bukas nalang tayo magusap, lasing ka na” sabi ko dito. “No, Kara, I’m not drunk, gusto ko lang sabihin sayo na pagsisisihan mong pumayag ka sa kasal na ito” pagkasabi nito ay nilapag nito ang baso sa center table at tumayo “You’ll see, Kara, you’ll see” sabi nito na tinalikuran ako at naglakad paakyat ng hagdan. Kusa na namang tumulo ang luha ko sa mga sinabi nito. Pumasok na rin ako ng kwarto at nahiga sa kama at dito tahimik akong umiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD