Chapter 28

1200 Words
Nandito ako ngayon sa kusina at nagluluto ng agahan ni Sandro, ako na ang nagprisintang magluto para naman kahit papaano ay magampanan ko naman ang pagiging may bahay nito. Nakangiti pa ako habang hinahanda ang lamesa nang matapos kong lutuin ang mga pagkain. Sakto namang bumaba ito. “Good morning, k-kain na” sabi ko dito pero tinignan lang niya ako at umupo ni hindi man lang ito sumagot o kahit tango man lang. Dinaanan lang niya ako at tsaka umupo na ito sa lamesa at kumain. Pagkatapos nitong kumain ng konti ay humigop na ito ng tinimpla kong kape. Natigilan ito at tumingin sakin. “Sinong nagtimpla ng kape?” Tanong nito. “A-ako” sagot ko naman sa kanya. “Next time, huwag kang makikialam dito sa kusina kung hindi mo naman alam ang ginagawa mo, hindi ko gusto ang lasa ng mga pagkain pati na rin tong kape!” sabi nito at tumayo. Napahiya ako sa sinabi nito at kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang luhang gustong kumawala. Pagkatapos kong iligpit ang lamesa ay pumunta na rin ako sa sala dahil nandoon si Nay Nena, tutulungan ko muna ito bago ako pumasok sa eskwelahan. “Naku! Kara, wag ka na dito, asawa ka na ni Sandro at dapat nakaupo ka lang doon, hayaan mo na kami dito” sabi nito pero hindi ako nagpapigil. “Wala naman hong nagbago nay, hayaan niyo lang ho ako, di ko nga po ramdam na may asawa ako e” napapahiyang sagot ko dito. Tinignan naman niya ako ng puno ng awa ang mga mata nito. Simula kasi nang ikasal kami tatlong buwan na ang nakakalipas ay saksi silang lahat kung paano ako tratuhin ni Sandro, para lang akong hangin kung daanan nito at parang di niya ako nakikita. Pati kung ipahiya niya ako sa harap ng mga ito ay parang di niya ako asawa. Pero heto, hindi parin ako nagsasawa na iparamdam sa kanya na asawa niya ako. “Tiis ka lang muna anak, nabigla din kasi si Sandro sa nangyari” sabi nito at tumango lang ako. Tinulungan ko lang si Nay Nena sa paglilinis ng sala at nang alas onse na ay naligo na ako at nagbihis dahil papasok na ako sa eskwelahan. Malapit na rin ang last term namin at internship na namin at graduation na. Ang bilis ng panahon. “Kara! Sabi ni kuya invite daw kita sa bahay for dinner, after class, sama ka please?” Sabi ni Christine nang matapos ang klase namin. “H-huh? Ah eh late na kasi baka magalit si Nanay Nena sakin” sabi ko dito. “Kakain lang naman tayo e please? Tapos ihahatid ka rin ni kuya Mark” sabi pa nito. Ang kulit talaga. “S-sige pero saglitan lang huh? 1 hour” sabi ko pa dito. “Yes!” Sabi pa nito at kumapit pa sa braso ko. “Ano bang meron?” Tanong ko naman dito. “Birthday ng mommy ko, icecelebrate lang namin ang birthday niya kaya nagluto si kuya kahit wala sila” sabi nito. “Aaaww, sweet” sabi ko dito at ngumiti naman ito ng matamis. Tinext ko naman si kuya Dan na huwag na niya akong sunduin at malelate ako ng uwi. “Kara, mabuti at nakapunta ka” sabi ni Mark nang pagbuksan niya kami ng pinto. Ang gwapo parin nito kahit nakasuot ng Apron. “Parang di mo naman kilala tong kapatid mo” sabi ko dito at sinimangutan naman ako ni Christine na nakakapit parin sa braso ko. Natawa naman si Mark sa sinabi ko “I know, gets kita” sabi pa nito. Pagpasok namin sa dinning area ay nakahanda na ang lahat at tanging kami nalang ang kulang. Tinawagan naman ng magkapatid ang parents nila at agad bamang sumagot ang mga ito. Binati namin ito ng happy birthday at umiyak naman ang mommy nila. “Aaaw mom, don’t cry na, see? Kuya cooked your favorite ulam” at pinakita nito ang mga pagkain sa lamesa. Ibabalik na sana ni Christine ang cellphone sa gitna ng table nang magtanong ito. “Who’s that girl? Is it Mark’s girlfriend?” Tanong nito. Napaubo naman ako sa tanong nito. “How I wish mom!” Pasigaw na sagot naman ni Mark. “She’s my friend mom! Ang weak nga ni kuya e hindi pa ligawan si Kara” panunukso naman ni Christine. “Aaaaww I like her, she’s beautiful” sabi pa ng mama nito at nahihiya naman akong yumuko. Masaya kaming kumain at nakausap ko rin ang mommy nila, sinabi ko dito na scholar lang ako sa school. Tuwang tuwa naman ito na nakahanap daw ng kaibigan ang anak niyang babae dahil wala daw lumalapit talaga dito dahil sa sobrang arte nito. Talagang conyo lang kasi si Christine kaya inaayawan siya ng mga tao sa school lalo na mga babae. Binida rin pala ni Christine ang pagkain niya ng mga fishball at kwek kwek noon at tawang tawa ang mga magulang niya sa reaksyon nito. Pagkatapos naming kumain ay hindi ko napansin ang oras, 7:30 na pala ng gabi kaya dali dali akong nagpaalam sa kanila. Nagprisinta naman si Mark na ihatid ako kaya pumayag na ako. Nang nasa tapat n kami ng bahay ni Sandro ay bumaba na ako at mabilis na nagdoor bell, pinagbuksan naman ako agad ni Kuya Dan. Nilingon ko muna si Mark at nagpasalamat saka ito nagpaalam umalis. Mabilis akong pumasok ng bahay at halos lakad takbo ang gawin ko. Parang lalabas ang puso ko sa sobrang kaba nang makita kong nakaupo si Sandro sa lamesa at tahimik na kumakain. “Ang aga naman ng uwi mo” sabi nito bigla. Napatingin naman ako dito. “Hindi ko kasi m-matanggihan si Christine nang magyaya siyang kumain” sabi ko nalang dito at hindi ko na sinabing doon ako sa bahay nila galing dahil baka magalit ito lalo. “Baka nakakalimutan mong may trabaho ka pang gagawin dito kaya wag kang umasta na parang amo dito, hindi yung uuwi ka kung kailan mo gusto, know your place” sabi nito na naririnig pa nila Bridget. Napayuko naman ako sa sinabi nito. “Sandro, ngayon lang naman siya umuwi ng late” paliwanag naman ni Nay Nena sa kanya. “Huwag niyo po siyang kunsintihin Nanny, kaya ganyan yan e” “Hindi ko siya kinukunsinti, ang sinasabi ko lang ay nga—“ hindi na natapos ni Nay Nena ang sasabihin niya dahil binagsak ni Sandro ang mga kubyertos. “Sino bang amo dito?” Tanong nito at natahimik si Nay Nena sa sinabi nito. Bigla ay tumayo na ito pagkatapos kumain at dinaanan lang niya ako ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Nilapitan ko naman si Nay Nena at niyakap ito ay humingi ng pasensya. “Hayaan niyo nalang po na pagsalitaan niya ako ng kung ano, ok lang po sakin, titiisin ko po wag lang po na kayo ang insultuhin niya” sabi ko nalang dito. “Pero Kara— k” “Ok lang po nay, kaya ko po ang sarili ko” sabi ko dito at hindi ko na ito pinatapos sa sasabihin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD