Chapter 29

1311 Words
SANDRO’s POV Today is thursday at nandito ako ngayon sa opisina at marami akong tinatapos na trabaho nang biglang magring ang cellphone ko. Nakita ko naman na ang kapatid kong babae ito. Sinagot ko naman ito habang nakaharap sa laptop ko. “What?” Masungit na tanong ko dito. “Kuyaaaaaaa!” Tawag nito sakin sa kabilang linya na halos ilayo ko pa ang cellphone sa aking tenga. “What now Ash? I’m busy” sabi ko dito. “Kuya! Tomorrow is friday!” Maarteng sabi nito. “So?” “So we planned na magbeach, Just a 3 days and 2 nights in La Union” sabi pa nito. “Look, Ash, I’m busy, maybe some other time” sabi ko nalang dito. “Kuya, simula nang ikasal ka lagi ka nalang busy! Look at Gabriel, busy din yon sa hospital pero umoo siya sa outing bukas, sige na kuya” pamimilit pa nito sakin. “I said No, period” sabi ko dito at binabaan na niya ako ng cellphone. Napabuntong hininga nalang ako sa ginawa niya. Simula nang ikasal kami ni Kara ay binabad ko ang sarili ko sa trabaho para mawala sa isip ko na kasal na kami, hindi kasi ako handa at biglaan lahat. Hindi ko rin sinabi sa mga kaibigan ko na kasal na ako. Alam ko namang ginagawa ni Kara ang lahat para maging mabuting asawa sakin pero mas nananaig ang galit sa puso ko at ayaw ko parin itong tanggapin bilang asawa. Hindi siya ang pinangarap kong babae at ni minsan hindi sumagi sa isip ko na papakasalan ko siya. Oo, may nangyayari sa amin noon pero hanggang doon lang yon. Sadyang naakit lang ako sa ganda niya nang mga panahong iyon. Maya-maya pa ay tumunog uli ang cellphone ko at nakita kong si Mark ang tumatawag. Isa rin to. “What?” Galit na sabi ko dito. “Ang aga aga naman Del Mundo, init-init ng ulo mo!” Sabi pa nito. “Kung may sasabihin ka, sabihin mo na ngayon busy ako!” Sabi ko dito. “Hindi ko kasi macontact si Kara, nagpalit ba siya ng number?” Tanong nito at napahilot ako sa snetido ko. “Why? Anong sasabihin mo sa kanya?” Tanong ko dito. “Basta” sabi nito at naiirita na ako sa mga sagot niya sakin. Ayaw pa kasing sabihin. “Gusto siyang mameet ni mommy at gusto niyang maging girlfriend ko si Kara” biglang dagdag na sabi nito at parang nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya. Hindi pa kasi niya alam na kasal na kami ni Kara at wala akong balak ipaalam sa iba. “Hello? Hoyy Sandro! Wag kang magalala imbitado ka pag kinasal na kami ni Kara.” Sabi pa nito sa kabilang linya at narinig ko pa itong humalakhak na mas lalo ko pang kinainis at hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya pinatayan ko ito ng tawag. Napabuntong hininga nalang ako at tinuloy ang trabaho ko na hindi parin nawawala sa isip ko ang sinabi nito. ***** KARA’s POV “Kara, hinahanap ka ng kapatid ni Sir Sandro, si Mam Ashley” tawag sakin ni Bridget habang nagwawalis ako sa garden. Tumingin naman ako kay Bridget at tinanong ito. “Nasaan siya?” Tanong ko sa kanya. “Nasa sala” simpleng sagot nito at tinanguan ko nalang siya. Naghugas ako ng kamay bago ako pumasok sa loob at harapin ito. ‘Ano kayang sasabihin niya?’ Sabi ko sa isip ko. “Hi Kara!” Masayang bungad nito sakin nang makita niya ako. Ang tinis ng boses niya parang si Christine. “H-hi” Bati ko naman dito at nahihiyang ngumiti ako sa kanya. Nakita ko naman na pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “Why are you still wearing that uniform? Asawa ka na ni kuya” Takang tanong niya sakin. “Ah-eh sanay na kasi ako” sabi ko nalang dito kahit ang totoo ay katulong parin ang tingin sakin ni Sandro at hindi asawa. “Hmmmm. Anyway, pupunta kami ng La Union bukas susunduin ka namin dito 12 pm” sabi nito kahit hindi pa ako umoo. Hindi nga niya ako tinanong kung sasama ba ako o hindi. “B-baka hindi ako payagan ng kuya mo” nagaalangan na sabi ko dito. “At isa pa, anong gagawin natin doon?” Tanong ko dito. “We’re going on a beach! Kami na ang bahala kay kuya Sandro, hindi naman siya sasama kaya ok lang” Nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig kong hindi ito sasama. “S-sige, anong oras tayo uuwi?” Tanong ko pa sa kanya sa pagaakalang saglitan lang kami. “Sunday 5 pm” sabi nito at nagulat naman ako sa sinabi nito. “T-tatlong araw tayo doon? Ayoko, hindi” sabi ko dito. “Please come, para may kasama akong babae please? Don’t worry about kuya Sandro, he doesn’t care at all” sabi pa nito at kinuha pa nito ang number ko bago umalis. Para tatawagan nalang daw niya ako pag lalabas na ako ng bahay. Parang si Christine din ito, makulit at hindi ka titigilan hangga’t di ka pumapayag sa gusto niya. Mabuti nalang at wala akong pasok bukas dahil holiday kaya wala akong dahilan para hindi sumama. Pag-alis ni Ashley ay lumapit naman sakin si Nay Nena. “Anong sabi ni Ashley? Bakit siya pumunta dito?” Usisa nito. “Nagyayaya po sa La Union nay, magdadagat daw po kasama si Gabriel at Matthew, ayaw ko po sana kaso mapilit.” Sagot ko dito. Natawa naman ito. “Ay sumama ka na at nang makapagliwaliw ka, simula nung ikasal kayo ni Sandro ay hindi ka na lumalabas ng bahay, tanging Bahay at Eskwela ka nalang.” Sabi naman nito. Napabuntong hininga nalang ako. ‘Sige na nga’ sabi ko sa isip ko. Kinagabihan, pagkagaling ko sa eskwela ay nagempake na ako ng mga babaunin kong damit. May parte sakin na excited dahil ngayon nalang uli ako makakapunta ng dagat. “Ano ba naman yan Kara?! Wala kang sexy short?” Tanong ni Bridget sakin nang makita nito ang mga dadalhin ko na puro t-shirt lang. “W-wala e” “Eto hiramin mo muna, binili ko yan sa divisoria noong nakaraang araw, hindi ko pa yan nasusuot” kinuha ko naman ito agad nang iabot niya sakin at nginitian ko naman ito ng malapad. “Kamusta na kayo ni Sir Sandro? Wala parin bang improvement?” Tanong nito at natahimik naman ako saka naman siya bumuntong hininga dahil alam na niya ang sagot. “Hayaan mo muna, kung ayaw niya edi don’t!” Biro pa nito at natawa kaming pareho. “Kara, wag mong kakalimutan ang pasalubong namin ha?” Singit naman ni ate Connie samin. “Mamili ka raw ate Connie kung buhangin o tubig” biro naman ni Bridget dito at nagtawanan kami sa loob ng kwarto. Bigla namang may kumatok sa kwarto namin nang nagbibiruan kami sa loob. “Kara, tawag ka ni Sir Sandro” Sabi ni ate Letty sakin. Nagtinginan naman kami nila Bridget at mabilis akong tumayo papuntang kusina dahil nandito daw ito. “Tawag mo raw ako” nahihiyang sabi ko dito at nakatayo lang ako sa harap niya. “Sit down and join me here” sabi nito na hindi tumitingin sakin. Nagulat naman ako sa sinabi nito. ‘Ano kayang nakain nito at mabait ito ngayon?’ Sabi ko isip ko. Dahan-dahan naman akong humila ng upuan at umupo sa harap nito nang biglang sumulpot si Nay Nena “Oh kumain ka na Kara, sakto paborito mo yung niluto ko ngayon adobong manok”. At binigyan ako nito ng plato at kutsara. Tahimik kaming kumain na dalawa at minsan napapasulyap ako sa kanya pero hindi ako nito tinatapunan ng tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD