Chapter 8

2041 Words
SANDRO's POV Nandito ako sa office ngayon at busy sa pagsasign ng mga documents when suddenly someone knocked on the door at nagsalita sa intercom. "Sir, you have a visitor" sabi nito at napabuga naman ako ng hangin nang marinig ito. "Anna, how many times I have told you that I won't accept visitors during working hours?" Inis na sabi ko dito. Kilala ako ng lahat ng empleyado ko dito na ni minsan hindi ako tumanggap ng bisita. Even my friends and Nica, at alam din nila iyon kaya hindi nila pinupuntahan dito. They can message mo thru text but, I can't let them visit me here. During saturdays and sundays naman they have all the time to see me, nasa bahay lang kasi ako. "E sir, mapilit po -" nagsasalita pa si Anna nang marinig ko sa intercom na may umagaw dito. "Del Mundo!" Sigaw nito. Tawag palang nito sakin ay alam ko na kung sino ito. Wala sa sariling pinindot ko ang unlock button sa gilid ko para maunlock ang pinto. "Come in" sabi ko na walang kabuhay buhay. Mabilis namang pumasok ito sa office ko. "What do you want?" Tanong ko dito na hindi ito tinitignan. Umupo naman ito sa sofa na nasa tapat ng table ko at prenteng umupo dito na akala mo sa kanya ang opisinang ito. "May tatanungin sana ako sayo" "Ano? Make it fast, I'm busy" sabi ko dito. "Hmmm ok, Uhm I just want to ask if do you know where Kara lives?" Tanong nito. Natigilan ako saglit sa ginagawa ko pero hindi ko parin ito tinitignan. "In my house" maikling sagot ko. "IN YOUR WHAT??!" Gulat na tanong nito. "In my house" ulit ko dito. "Say it again!" Sabi nito na halatang ayaw magsink in sa utak nito ang sinabi ko. "Stupid" sabi ko dito. Bigla naman nya akong binato ng crumpled paper na dinampot nya. "Shut up Sandro! But why??" "Because, she's my maid" simpleng sagot ko naman sa kanya. "What?? Really??" "Yes" "She's so surprising! Really?? Ngayon alam ko na kung saan ako tatambay pag wala akong ginagawa" sabi nito at ngumiti nang nakakaloko. "Why are you so interested with her?" At humarap na ko sa kanya ng tuluyan. "Because I like her innocent face, she's beautiful, you know" "Looks can be deceiving Diaz" "But she's different, and I can feel it" paninigurado nya. "Jesus Christ! She's my maid, ganyan na ba kababa ang standard mo sa babae?" Iritableng sabi ko dito para lang tigilan nya kung anuman ang naiisip nito. "I don't care if she's a maid, I like her" sabi nito at ngumiti pa. Nainis ako sa ngiti nito at tinuloy ko nalang ang ginagawa ko. "I will ask her to be my date sa nalalapit na birthday party ni Aron, you will come too, right?" "Yes" "Ok then, please invite her" sabi nito na parang bata na hindi mabilhan ng laruan. "I won't" sabi ko dito "Sige, ako nalang ang personal na pupunta sa bahay mo at magtatanong sa kanya" desididong sabi nito. Napabuntong hininga nalang ako at umalis na sya. Ano bang nagustuhan nya don? At kailan pa bumaba ang standard nya pagdating sa babae? Hindi tuloy ako makapagfocus sa ginagawa ko at napasandal nalang sa swivel chair ko kakaisip ko sa sinabi niya. Knowing Mark, babaero sya pero ni minsan hindi sya naghabol sa babae. Babae kasi naghahabol samin. (Smirk) E bakit ba hindi mo nalang siya hayaan sa gusto nya? Sabi naman ng utak ko. Damn it Diaz! KARA's POV Nagkwekwentuhan kaming lahat nila Nanay Nena habang naghihiwa ng mga sangkap sa ulam namin nang may marinig kaming nagdoor bell sa labas. Mabilis namang lumabas si Nay Nena at binuksan ang gate. Kami naman ay patuloy lang sa ginagawa. Maya maya pa ay pumasok na si Nay Nena at may kasama. "Naku Sir Mark, napadalaw po yata kayo, umupo ka" sabi ni Nay Nena dito. "Busy po kasi ako, kaya ngayon nalang po uli ako nakabisita" sagot naman nito. Nagulat ako nang makumpirma kong si Mark Diaz nga ito, yung makulit na kaibigan ni Sir Sandro. "Hindi mo ba tinawagan si Sir Sandro? Alam ba niya na pupunta kayo dito? Wala kasi sya, nasa opisina sya" paliwanag naman ni Nay Nena sa kanya. "Alam ko po, actually galing po ako doon" "Ooh?" Nagtatakang sabi ni Nay Nena. "Hindi po si Sandro ang sadya ko dito" sabi nito. Medyo rinig kasi sng usapan nila sa kusina dahil nageecho ang boses nila sa sala. "E kung hindi, edi sino?" "Si Kara po" nahihiyang sabi nito. Biglang kumabog ang dibdib ko sa narinig ko. Anong kailangan niya sakin? Tumingin naman sakin ang mga kasama ko na pati pala sila ay nakikinig sa usapan nung dalawa. "Pano ka nakilala ni Sir Mark?" Paguusisa nila sakin. Nahihiya naman akong nagkwento sa kanila ng buong detalye. "Niyaya kang kumain ni Sir Sandro sa labas??" Gulat na tanong nila sakin. Nagtataka naman akong tumango. "Bakit?" Tanong ko sa kanila. "E kung pinagmamaneho nga niya kami pag bibili ng groceries, mabilis lang kami, madaling madali pa ito" paliwanag naman ni ate Letty. "Kara, ang ganda ganda mo talaga!" Kinikilig na sabi ni Bridget at tumawa pa si ate Connie at Letty. Maya maya pa ay tinawag ako ni Nay Nena. "Kara, halika, gusto ka raw makausap ni Sir Mark" sabi nito. Nagaalangan naman akong tumingin sa mga kasama ko. Tinanguan naman nila ako at nginitian. Pagdating sa sala ay iniwan na kami ni Nay Nena. "Gusto nyo raw po akong makausap?" Sabi ko sa kanya nang makita ko syang nakaupo sa sofa. Tumayo naman ito at parang kinakabahan. "A-ahm yes" utal na sabi nito. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. Para syang balisa. "Ok lang po ba kayo?" Tanong ko sa kanya. "Look, first time kong gagawin ito" umpisa nya. Pero ako nakatingin lang sa kanya. "I want to ask you to be my date sa party ng kaibigan namin" diretsong sabi nito. "P-po? A-ahm" utal din na sabi ko sa kanya. "Please, Kara" pakiusap nito. "Pero sir-" magdadahilan pa sana ako pero pinutol nya kung ano ang sasabihin ko. "Ako na ang bahala sa susuotin mo, just be my date please" ulit nito. "Baka po hindi ako payagan ni Sir Sandro" sabi ko dito. "Naipaalam na kita, don ako galing kanina" sabi nito agad. "Wala po ba kayong ibang mayayang babae? Marami pa pong mas maipagmamalaking babae dyan" sabi ko dito. "No, I want you, just you" sabi nito. Nagugulat ako sa mga sinasabi nito. Napabuntong hininga naman ako. "Pagiisipan ko" sabi ko nalang sa kanya. "Yes!" Sabi nito at ngumiti na akala mo ay pumayag na ako. "Hindi pa po ako umoo" sabi ko dito. "It's a yes for me" sabi naman nito. Ang kulit talaga. Maya maya pa ay nagpaalam na rin ito. Hinatid ko ito hanggang sa labas ng gate at nang makaalis sya ay pumasok na rin ako ng bahay. Pagpasok ng bahay ay agad naman akong inusisa nila Nay Nena at nang mga ngiti nila saking nakakaloko. "Nay! Pakihila naman po ng buhok ni Kara, nasa NLEX na po kasi!" Biro ni Bridget at nagtawanan nalang kami. Hanggang ngayon ay palaisipan parin sakin kung bakit ako pa ang napiling date ni Mark samantalang mas marami pang mas presentable sa tabi tabi. Gwapo rin naman sya at alam kong marami rin itong mapapaoo pag niyaya niya, pero bakit ako pa? Gabi na nang dumating si Sir Sandro, tulad nang lagi naming ginagawa ay pinagbuksan ko ito ng gate at nang makapasok ang sasakyan nito ay sinara ko na rin agad ang gate. Kinuha ko naman sa kanya ang kanyang suitcase at coat nang maabutan ko sya. Binigay naman niya ito agad sa akin at nauna na syang pumasok sa akin. "Iinitin ko lang po yung pagkain nyo sir" Sabi ko dito at tumango lang ito. Pagod Lang siguro yon kaya hindi sya nagsasalita. Nang matapos kong initin ang pagkain niya ay iaakyat ko na sana ito sa taas nang makita ko syang pumasok nang kusina. "Dito na po kayo kakain?" Tanong ko sa kanya. "What do you think?" Balik tanong niya sakin. "Sbai ko nga dito ka kakain" wala sa sariling nasabi ko ito. "What did you say?" Napakagat ako ng labi ng tsnungin nya ako. "W-w-wala po" kinakabahang sagot ko dito. Mabilis kong hinanda ang mga pagkain sa lamesa nang makita kong umupo na ito. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang nilalapag ko ang mga pagkain sa harap niya. Ikaw ba namang kasi ang titigan nito habang kumikilos. "Relax, I won't bite you" Natatawang sabi nito. Mas gumwapo pa lalo ito nang makita kong ngumiti ito. Bigla namang lumakas ang t***k ng puso ko. Hindi ako masyadong lumalapit dito dahil baka marinig niya ito. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at nang aalis na sana ako at pupunta muna sa dirty kitchen ay bigla itong nagsalita. "Where are you going?" Tanong nito. Natatarantang tinuro ko naman ang dirty kitchen. "Sit down" sabi nito bigla at ako naman ay mas lalo pang nataranta at umupo sa opposite side ng inuupuan niya pero sa dulo. "So, Kara" panimula niya. Napalingon naman ako sa kanya. "Do you have a boyfriend?" Biglang tanong niya sakin. Nagulat ako sa tanong nito. "Wala p-po s-sir" sagot ko sa kanya at tumango tango lang ito. "Are you interested with Mark?" Tanong niya sakin bigla. "P-po?" Nagtataka ako sa mga tinatanong niya sakin. "Stay away from my best friend" sabi nito bigla. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. May laman ang mga ito. Pansamantalang katahimikan ang namutawi sa pagitan naming dalawa. "Hindi ako ang lumalapit sa kanya" sa wakas ay nasabi ko. "But, still, you're enjoying it. Right?" Sabi nito na sa pagkain parin nakaharap. "Alam kong pinagiisipan nyo ako ng masama, Sir. Pero kung paglayo rin naman ang usapan ay wag ako ang pagsabihan ninyo, yung kaibigan ninyo, dahil sya rin ang personal na nagyaya sakin kanina dito sa pamamahay ninyo" mahabang paliwanag ko sa kanya. Nanginginig na rin ako sa galit pero pinilit kong ikalma ang sarili ko. "What? Pumunta sya dito sa bahay?" Tanong niya at tumingin sakin. Tumango lang ako. Maya maya pa ay bigla itong tumayo, naglakad palabas ng kusina at dinaanan lang ako na parang hangin. “I’m done.” Simpleng sagot nya. Nang makalabas sya ay mabilis ko ring niligpit ang pinagkainan nito at dinala sa sink. Habang naghuhugas ay di ko mapigilang maiyak dahil sa sinabi nito na kahit hindi niya sabihin nang diretso ay alam kong iyon ang gustong sabihin nito. Pagkatapos kong hugasan ang pinagkainan nito ay pumasok na ako sa kwarto. Hindi ako makatulog kaya bumangon ako at lumabas muna ako para magpahangin sa may garden. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si mama. Nakakailang ring palang pero sinagot na nya ito agad. "Hello nay?" "Kara, anak, gabi na, ba't di ka pa natutulog?" Tanong nito sakin. "Hindi po kasi ako makatulog nay, kamusta na po kayo? Naigagalaw nyo na po ba yang kaliwang braso ninyo?" Tanong ko dito. "Medyo anak, awa ng Diyos ay umaayos na ang sitwasyon ko, may problema ka ba anak?" Biglang tanong niya sakin. "W-wala po nay" pagsisinungaling ko. "Ganon ba? Matanong nga kita anak" "Ano po yon nay?" "Gusto mo bang hanapin ang mga tunay mong mga magulang kaya ka lumuwas ng Maynila?" Nagulat naman ako sa sinabi nito. "Hindi po nay, hindi nga po sumagi yan sa isip ko.. nanay talaga. Kayo lang po, sapat na, kahit hindi tayo magkaano ano, pero mahal kita higit pa sa anumang bagay nay" sabi ko dito. Narinig ko namang sumisinghot ito sa kabilang linya. "Nay? Umiiyak ka ba?" "Hindi, mahal din kita anak, pasensya na kung hindi ko maibigay sayo ang mga pangangailangan mo ha? At ako pa ang pabigat sayo ngayon" sabi nito pero rinig ko ang basag na boses nito. "Nanay naman. Nang oras po na kupkupin nyo ako at tinuring na parang tunay na anak ay sapat na po sakin yon" sabi ko dito, at pati ako ay naiyak na rin. "O sya, magpahinga ka na anak, ang drama na natin" sabi nito at nagtawanan kaming dalawa hanggang sa magpaalam ako sa kanya at pumasok na rin sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD